PNoy says he will go on a date this Valentine's Day

IMAGE 0


"Peace" ang hiling ni Pang. Noynoy Aquino para sa kaarawan ng bunso niyang kapatid na si Kris Aquino.


May ka-date daw si Pangulong Noynoy Aquino ngayong Araw ng mga Puso.



Sa panayam sa kanya ng GMA News Online, sinabi ni PNoy na mayroon siyang kasama mamaya, ngunit pinili niyang isikreto ang identity nito.



"Yes, I have plans and I wish to keep that to myself," saad ng 51-year-old bachelor.



Espekulasyon ng press, baka ang ka-date ni Aquino ay si Len Lopez, ang stockbroker na naka-date na nito noon. Ngunit naging mariin ang Pangulo.



"As I said, I will keep my plans to myself," saad niya.



Isa sa mga balakid sa mangyayaring date ay ang pagka-busy ng kanyang schedule kahit ngayong araw, na kaarawan din ng kanyang bunsong kapatid na si Kris Aquino.



"I can't take a day off for any day. Be it my birthday, Christmas, New Year, et cetera. I have to attend to my duties," saad ni PNoy.



Nagbigay rin siya ng wish para kay Kris.



"Alam n'yo, magkasama kami noong isang araw, meron siyang birthday celebration. Parang napakagaan ng dating niya, napakasaya niya.



"Sabi ko kanya, 'Ipinagdarasal ko na sana tuloy-tuloy ang kagaanan ng kalooban mo,' parang absence of problems at yung nakikita kong masaya siya," saad ni Pres. Aquino.



Matagal nang single si PNoy pagkatapos ng breakup nila ng politician-TV host na si Shalani Soledad. Na-link din siya sa broadcasters na sina Korina Sanchez at Bernadette Sembrano, at sa dating sexy actress na si Barbara Milano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN