Kris Aquino and James Yap wish "peace" for each other

IMAGE 0


"Hindi na kami magkagalit. Wish nga namin maging peaceful ang pagiging magkaibigan namin at maging mabuting magulang kami para kay James," says Kris Aquino about husband James Yap.


Noong Friday, February 18, muling nagharap sa korte sina Kris Aquino at James Yap kaugnay ng pagdinig sa pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal.

Sa report ng The Buzz kahapon, February 20, past 1:30 p.m. na raw nang dumating si Kris sa sala ni Judge Cristina Sulit sa Makati Regional Trial Court. Bandang alas-dos naman ng hapon nang dumating si James.

More or less ay dalawang oras ang itinagal ng hearing.

Paglabas nina Kris at James sa kanilang closed-door hearing, tumanggi ang dalawa na magbigay ng pahayag sa kung anuman ang naging pag-uusap sa loob ng korte.

Ayon kay Kris, "Bawal kaming dalawang magsalita, kabilin-bilinan ni Judge. Pero kagaya ng sinabi ko, I really wish James so much happiness and peace, di ba? And I wish him freedom as well."

Sinegundahan naman ito ni James sa pagsasabing,"Peace nga."

Naging kapansin-pansin naman na sa duration ng hearing, magkatabi ang dalawa at nakangiti pa habang nag-uusap.

Nang may magtanong kay Kris kung bakit parang masaya sila ni James, sinabi niyang, "Kasi, hindi na kami magkagalit. Wish nga namin maging peaceful ang pagiging magkaibigan namin at maging mabuting magulang kami para kay James."

Patunay raw ng pagiging mabuting kaibigan nila ngayon ay ang pagbibigay nila ni Baby James ng birthday gift kay James noong February 15.

Ayon kay Kris, niregaluhan ni Bimby si James ng red Blackberry torch. Siya naman, bilang isa sa mga producer ng Bruno Mars concert, niregaluhan niya si James ng dalawang tickets para maisama raw ni James ang ka-date niya.

May ini-reveal din si Kris right after their hearing tungkol sa kanilang anak na si Baby James.

Ayon kay Kris, "Ibinilin ni Judge sa amin na hindi na raw siya dapat tawaging 'Baby James,' huwag na raw 'Bimby,' James."

Tumanggi namang sabihin ni Kris kung kailan ang susunod na hearing ng annulment case nila ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN