Jillian Ward promises Richard Gutierrez and Solenn Heussaff that she'll be a responsible pet owner

IMAGE 0


"Wish ko po na maging happy and healthy ako. At magkaroon pa po ako ng maraming friends. Gusto ko po rin ng maraming toys para maglaro kami ni Coco," says Jillian Ward when asked about her birthday wish. Coco is her new toy poodle.


Walang sawang nakikipaglaro ang Kapuso child star na si Jillian Ward sa kanyang toy poodle. Ang aso ay regalo sa kanya ng co-stars niya sa My Valentine Girls na sina Richard Gutierrez at Solenn Huessaff para sa kanyang 6th birthday on February 23.

Dinala nga ni Jillian ang kanyang bagong pet dog—na pinangalanan niyang Coco—sa victory party ng My Valentine Girls noong Wednesday, February 16, sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City.

Ipinagmalaki pa nga ni Jillian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na noong ibinigay sa kanya ang aso ay may kasama itong dog carrier bag, doggie diapers, dog leash, at dog shampoo.

"Natuwa po ako kasi wala akong dog sa house," excited na sabi ni Jillian.

"Sinabi po sa akin ni Kuya Richard at Ate Solenn na may gift sila sa akin. Natuwa ako noong makita ko yung dog. Naglaro kaagad kami ni Coco."

Hindi nga raw tinantanan ni Jillian si Coco at panay ang paglalaro nila. Maya't maya rin ay hinahalikan niya ito.

Nalaman ng PEP mula sa stepfather ni Jillian na nagkaroon na pala si Jillian ng pet dog noon na isang Dachshund. Pero masyado raw itong maingay tumahol kaya dinala na raw ito sa kanilang probinsya.

Binanggit din ni Jillian na pinagbilinan siya nina Richard at Solenn na alagaan niya nang husto si Coco. Gusto nilang maging responsible pet owner si Jillian at susunod siya sa mga dapat gawin para maging healthy and safe si Coco.

Nag-promise naman daw si Jillian na hindi niya pababayaan si Coco at babantayan daw niya ito parati kahit na super busy siya.

"Promise ko po kay Kuya Richard at Ate Solenn that I will take care of Coco. Ayoko siyang magkasakit at pakakainin ko siya parati para maging healthy siya. I will bring him din sa taping ko para mapapasyal ko siya," sabi ni Jillian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY GIRL. Sa nalalapit na birthday niya, hindi pa raw alam ni Jillian kung ano ang magiging theme ng party niya. Ang mommy, daddy, at ang manager niyang si Joe Barrameda raw ang nagpaplano para sa kanyang first showbiz children's party.

Ano ba ang wish ni Jillian sa birthday niya?

"Wish ko po na maging happy and healthy ako. At magkaroon pa po ako ng maraming friends. Gusto ko po rin ng maraming toys para maglaro kami ni Coco," sagot niya.

Magsisimula nang mag-taping si Jillian ng bago niyang primetime series na Captain Barbell kunsaan siya ang magiging sidekick ni Richard.

Nagpasalamat din si Jillian sa mga nanood ng My Valentine Girls dahil box-office hit ito. Nagpasalamat din siya kay Mother Lily Monteverde dahil bibigyan daw siya ng follow-up movie.

As of February 14 ay kumita na ng P50 million ang My Valentine Girls.

Pinabulaanan ng GMA Films at Regal Films na sa kanila nanggaling ang unang report na "P135 million" na raw ang kinita ng pelikula pagkatapos lamang ng tatlong araw. Masaya raw sila kung anuman kitain ng pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN