Kris Bernal on onscreen kissing: "Aljur Abrenica has the softest lips."

IMAGE 0


Kris Bernal says Rocco Nacino is "makulit," Steven Silva is a "gentleman" and Aljur Abrenica is "pinakaseksi." She admits that Jolo Revilla texted her, but he never actually courted her.


Live na nag-guest kahapon (February 19) sa Startalk TX ang Koreana star na si Kris Bernal upang magbigay ng ilang mga rebelasyon tungkol sa mga lalaking nali-link sa kanya sa pamamagitan ng isang game.

May mga litratong ibinigay ang Startalk TX host na si Joey de Leon kay Kris, at bawat isa ay sasabihin o ire-reveal ni Kris kung anong klaseng relasyon ang namagitan sa kanila o kung ano ang masasabi niya sa bawat lalaking nasa larawan.

Ang unang larawang binuklat ni Kris ay ang isa sa mga Koreana leading men niyang si Rocco Nacino.

"Kay Rocco? Makulit at tsaka mahilig siyang mang-surprise."

Nang tinanong ni Joey si Kris kung nililigawan siya ni Rocco, ang sagot ni Kris ay...

"Hindi! Hindi po."

Ang sumunod namang larawan ay si Steven Silva na isa pa ring leading man ni Kris sa afternoon soap niyang Koreana.

"Si Steven ano siya, quiet. Lagi siyang tahimik, kakausapin ka lang niya kapag sinimulan mo yung conversation, yun lang. Tsaka mabait, sobrang bait."

Ang lalaki namang nasa sumunod na larawang binuklat ni Kris ay ang nali-link sa kanya kamakailan na si Jolo Revilla.

Dahil dito, deretsong sinabi naman ng Startalk TX host na si Manay Lolit Solis kay Kris na "Nanliligaw siya sa iyo, huwag kang magkaila!"

To which Kris reacted...

"Hindi, hindi naman po. Hindi, hindi talaga."

Tinanong rin ang aktres kung totoo ang intrigang siya ba mismo ang nagkakalat ng balitang nililigawan siya ni Jolo.

"Hindi, naku, hindi po! Kasi po, noong una nga po, nababasa ko lang siya sa mga tabloids pero wala po akong idea talaga.

"Tapos hanggang sinabi po sa akin ganyan, tapos tinext niya po ako. Pero sandali lang po yun, ngayon po hindi na, wala na po.

"Hindi siya nanligaw," aniya.

Sinabi naman ni Manay Lolit na may crush talaga si Jolo kay Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi ko po kinakalat [na nanliligaw siya]. Naku pasensiya na po," sagot ni Kris.

Ang lalaki sa huling larawang binuksan ni Kris ay, of course, walang iba kundi ang una niyang ka-loveteam na si Aljur Abrenica.

Tinanong ni Manay Lolit si Kris kung nanligaw ba talaga sa kanya noon si Aljur, at tumatawang sumagot si Kris ng "Ito ang hindi ako sure!"

Napag-usapan rin ang pagpasok ni Kris sa Machete na pinagbibidahan ni Aljur.

"Opo, makakasali na po ako sa Machete, bale magmi-meet na kami ni Machete. Iyon ang dapat nilang abangan."

Then the game became even more interesting. Joey said he would describe a character trait and Kris would choose a picture of the actor who best embodies this quality.

Sa punto ng pagiging isang gentleman, ang pinili ni Kris ay si Steven.

"Siya talaga!"

Ang pinakamakulit naman raw para kay Kris ay si Rocco.

"Si Rocco saksakan ng kulit! Walang ginawa sa set kundi mangulit lang nang mangulit. Mahilig siyang mangiliti."

Pinakaseksi naman para kay Kris si...

"Si Machete siyempre ang pinakaseksi," ang sagot ni Kris habang hawak ang larawan ni Aljur.

Si Aljur rin ang choice ni Kris na may pinakamalambot na mga labi o ang pinakamasarap na naka-kissing scene niya, among her three leading men.

Si Jolo, since nasa ABS-CBN ito ay hindi pa nakakatrabaho ni Kris sa anumang proyekto.

After the game, nag-imbita naman si Kris sa publiko upang panoorin ang huling linggo ng Koreana na matatapos na sa darating na Biyernes, kasabay ang pagpapasalamat sa mga taong sumuporta sa show na pinagbibidahan niya sa Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN