Regine Velasquez-Alcasid not bothered by ratings war

IMAGE 0


"Ako naman, hindi ako mausisa kung aling show ang may mataas na ratings, kung yung katapat ba namin o yung show namin. Kasi kung mag-e-effort pa akong malaman, tapos nalaman ko na mababa pala yun sa amin, baka maapektuhan pa yung work ko," says Regine Velasquez-Alcasid.


Hindi nababahala ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa mga nagsasabing mas mataas ang rating ng Imortal ng ABS-CBN kumpara sa serye nila ni Dingdong Dantes sa GMA-7, ang I ♥You Pare.

"Yun nga, e. Iba-iba kasi yung mga ratings ng iba't ibang network. So, parang may kanya-kanya silang mga ratings," nakangiting sabi ng singer-actress nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng I ♥You Pare sa Boiler Room, Riverbanks, Marikina City.

"Ako naman, hindi ako mausisa kung aling show ang may mataas na ratings, kung yung katapat ba namin o yung show namin. Kasi kung mag-e-effort pa akong malaman, tapos nalaman ko na mababa pala yun sa amin, baka maapektuhan pa yung work ko.

"May mga chances lang ipinapaalam nila sa amin ang ratings ng show pag mataas. Like no'ng first week and yung three nights ng second week namin, ng airing namin, okey naman yung ratings namin, according sa GMA.

"Though, sinasabi nga ng iba na mataas ang kabila, ang difference lang naman is point something. Like... Kunwari lang ito, ha. Gusto ko lang magbigay ng example... Like, 26.3 yung sa kabila, yung sa amin naman ay 26.2. Kumbaga, point one lang ang difference.

"I mean, kung titingnan mo, bilang bagong show lang yung sa amin, it's not bad at all," pahayag ni Regine.

Pero aminado ang Asia's Songbird na mas gusto niyang malaman na mataas ang rating nila kesa sa mababa.

"Ewan ko. Pero totoo na mas gusto kong malaman yung ratings namin pag mataas kaysa sa mababa. Nagkakataon namang ang sinasabi nilang ratings namin ay yung mga matataas lang.

"Nakakatuwa nga kasi wala talaga kaming kaalam-alam sa ratings. Hindi naman kasi sinasabi sa production kung ano ang ratings ng show namin!" natatawa niyang kuwento.

Walang nakikitang kumpetisyon si Regine sa karera ng mga magkakatapat na shows nila sa ere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, magkakaiba naman kasi kami," sabi niya. "Like yung sa Imortal, suspense-drama naman sa kanila. Yung sa Babaeng Hampaslupa naman, melodrama naman. Yung isa, romantic comedy naman.

"Siguro makikita ko yung point na may competition among our shows kung pare-pareho kami ng format. But, you know, maganda naman ito sa Pinoy audience, kasi may mga choices sila na makapanood ng iba't ibang klaseng TV show."

STRESSFUL BUT HAPPY. Bagamat stressful kay Regine ang taping ng I ♥You Pare, nag-eenjoy raw siya sa trabaho.

"Paano kang hindi mag-e-enjoy, kasama mo yung mga bakla?" natatawa niyang sabi.

"Makita ko lang sila, yung mga galaw nila, kung paano sila mag-usap sa isa't isa, nakakaaliw na. Tapos, ang gagaling nilang mag-perform.

"Tapos, may mga production numbers din ako na hindi ko akalaing magagawa ko. Hindi naman kasi ako nagsasayaw kahit sa Sunday show ko [Party Pilipinas], di ba? Dito, wala akong choice kundi gawin yung mga yun kasi nga kailangan talaga sa story.

"Tapos, ang gagaling pa ng mga co-actors ko dito. Magaan yung samahan namin sa taping."

Wala pang ideya si Regine kung hanggang kailan tatagal ang kanyang serye.

"Hindi ko talaga alam. Kasi minsan, sasabihin ng management na hanggang ganitong date na lang yung show, pero biglang mai-extend ng ilang weeks.

"Basta kami, magtatrabaho lang nang magtatrabaho. Gagawin lang namin yung role namin as actors na ibigay ang best namin para mag-enjoy yung mga viewers namin," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN