Jake Cuenca does not mind if Melissa Ricks bares some skin in her next project

IMAGE 0


"Ako naman, hindi naman ako hipokrito. She just let's me do my thing and I let her do her thing. That's why we get along really well," Jake Cuenca says about separating showbiz career and his personal relationship with girlfriend Melissa Ricks.


Tuwang-tuwa ang binatang aktor na si Jake Cuenca sa positibong pagtanggap ng mga manonood sa bago niyang teleserye, ang Green Rose.

Ayon kay Jake, naging makabuluhan raw ang kanilang mga ginawa para sa mga eksena dahil tinatangkilik ito ng mga manonood.

Sa pilot episode nito noong Pebrero 14, bagamat hindi umabot sa top 10 primetime shows sa rating ng AGB Nielsen, kapansin-pansin naman na mataas ang naging rating nito sa survey ng Kantar/TNS. (CLICK HERE to read AGB ratings and HERE to read KANTA/ TNS ratings.)

"Masayang-masaya kami kasi matagal na naming pinaghihirapan ang Green Rose. Matagal rin naming hinintay ang airing niyan dala ng hinintay nga namin ang snow sa Korea, lahat-lahat.

"Masaya, sobrang tagumpay naming lahat 'yan sa show. Ayun, maraming salamat. Actually, marami pa kaming exciting na eksena. Makikita niyo na talaga, kumbaga, yung drama at ang bigat ng istorya," pahayag ni Jake sa maikling interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa debut party ni Empress kagabi, Pebrero 20, sa Grand Terrace, Commonwelath Avenue, Quezon City.

Isa sa mga naging usap-usapan tungkol sa Green Rose ay ang mainit na eksena sa pagitan ni Jake at Alessandra de Rossi. Sa teleserye, ginagampanan ng aktor ang karakter ni Edward Fuentabella. Samantala, gumaganap si Alessandra bilang Geena, ang may pagnanasa sa karakter ni Jake.

Ayon kay Jake, hindi madaling gawin ang gano'ng eksena kung hindi niya gaano kakilala ang kanyang kapareha.

Matatandaan na ang pagiging magkaibigan nina Jake at Alessandra ay nagsimula pa noong maging parte sila ng dating youth-oriented show ng GMA-7, ang Click (1999).

"Malaking pagtitiwala sa isa't isa 'yon. Kaya ako, nagpapasalamat ako kay Alex," ani Jake.

Dagdag pa niya, "Marami rin kami, siyempre, mga daya-daya. Pero we had to work with what we have. Maganda yung feedback, mainit naman ang eksena. I just have to thank Alex; she went with the flow and hinayaan niya ako na gawan nang paraan ang mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At talagang hindi ako gagawa ng bagay na ma-o-offend ang kaibigan ko. Alam na alam ko ang linya, e, alam na alam ko na sa eksenang gano'n. We just have to work with what we have and it worked."

DARING SCENES NOT AN ISSUE. Tinanong ng PEP kung hindi ba naging problema ito sa kanyang girlfriend na si Melissa Ricks. Ang sagot ni Jake, "Hindi. Si Mel, she lets me do my work, she lets me do my thing."

Sabi pa niya, hindi rin naman niya pipigilan ang kanyang kasintahan sa mga daring scenes na gagawin niya sa kanyang upcoming teleserye.

"Kasi, yung show na ginagawa niyang bago, yung Nasaan si Elisa, is a bit daring, it's very different from what she has done in the past. Ako naman, hindi naman ako hipokrito. So, she just lets me do my thing and I let her do her thing. That's why we get along really well," paliwanag ni Jake.

Dagdag pa niya, "She wants to be different, e. Ang sa akin lang, parang she's 21 years old, it's about time that she gets into more mature roles. Nandito lang ako para sumuporta sa kanya."

Sa hiwalay na interview kay Melissa, doon pa rin sa birthday ni Empress kagabi, sinabi niya na hinihiwalay talaga nilang magkasintahan ang kanilang career sa personal nilang relasyon.

"He leaves it up to me to decide," sabi ni Melissa. ''Yung career path ko, his career path, sine-separate namin ang career paths namin. I think that's why nagkakasundo kami kasi we do our own thing and we support each other in everything we do."

"GO NA GO NA AKO." Inamin rin niya na isang kakaibang Melissa Ricks ang makikita ng mga manonood sa Nasaan si Elisa? Ito raw ay dahil handang-handa na siyang gawin ang bahagyang maselang mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglalarawan pa niya, "I'm daring in this project because before, hindi ako masyadong nagpapakita ng balat. This time, I'm all for it, go na go na ako. I'm ready for anything. Sana kayanin ko, sana kayanin ko. Sana magustuhan ng mga viewers kapag palabas na siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN