Empress suffers minor injury two days before her debut; wants her first onscreen kiss with Enchong Dee

IMAGE 0


"Ang pagkakaroon po ng escort, hindi po talaga siya special sa akin. Hindi po siya big deal sa akin. Kasi, wala pa naman po akong special someone at never pa naman po akong nagkaroon. So, okay lang po na solo flight," says Empress about her decision not to have an escort at her debut party.


Bago ang debut party ni Empress last night, February 20, live muna siyang nag-guest sa segment ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz na "Straight From The Heart."

Dito ikinuwento ni Empress ang aksidenteng nangyari sa kanya noong Friday, February 19.

"Bale po, Friday po yun ng 4:00 a.m. Natutulog na po ako. Gusto kong mag-CR.

"May walk-in closet po ako, glass door po yun na sliding door. E, naka-close siya. Naglalakad ako, nabangga ko po yung door, yung salamin po. Akala ko po kasi, bukas siya.

"So, yun po, nagkaroon po ako ng minor injuries. Sa kamay po, may sugat. Sa ilong po at sa forehead po."

Five stitches daw ang inabot sa noo niya kaya naman nang humarap si Empress sa The Buzz ay naka-bangs siya.

Pero okay naman na raw siya, lalo na nga't debut party niya kinagabihan.

KIM CHIU. Si Empress ay bahagi ng isang grupo ng magkakaibigan sa showbiz na kung tawagin ay "ChiuRiGoGoBaSchu." Kabilang din dito sina Kim Chiu, Melissa Ricks, Erich Gonzales, Beauty Gonzales, at ang comedienne na si Kitkat.

Tinanong ni Charlene kay Empress kung bakit hindi raw kasali sa listahan ng "18 Treasures" ang pangalan ni Kim.

Paliwanag ni Empress, "Actually po, noong January po, nilista ko na ang 18 Candles ko at 18 Treasures ko. Sinabi po ng handler na may gagawin na raw po si Kim ng February 20. Sabi ko, 'Patay, naunahan ako!'

"E, siyempre po, tayong mga artista, hindi madaling mai-move ang mga skeds natin. Parang ngayon, parang hopeful na lang ako na makaabot siya kung anuman ang meron siya ngayon."

Biro ni Charlene, hindi na raw magiging "RiGoGoBaSchu" ang pangalan ng barkada nila?

"Hindi po, hindi po talaga!" tawa naman ni Empress. "At saka, kahit yung ibang lumalabas, hindi lang po sa amin ni Kim, kung hindi sa grupo po namin, hindi po talaga totoo ang lahat ng yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mismong party ni Empress ay nakaabot si Kim at naging bahagi rin ito ng "18 Treasures."

CHANGES. As a debutante, bakit wala siyang escort sa party niya?

"Yun nga po, katulad nga po ng sinabi ko sa inyo kanina, ang pagkakaroon po ng escort, hindi po talaga siya special sa akin. Hindi po siya big deal sa akin.

"Kasi, wala pa naman po akong special someone at never pa naman po akong nagkaroon. So, okay lang po na solo flight," sagot ng dalaga.

Ngayong 18 na si Empress, ilan daw sa changes na ina-anticipate na gagawin niya ay ang pagiging daring niya pagdating sa mga role na tatanggapin niya. Totoo ba ito?

"Well, depende po," nakangiting sagot ni Empress. "Depende sa ibibigay nila sa akin. Depende po sa mga shows, projects, so depende po muna."

Nababanggit ni Empress sa interviews niya na kung meron man siyang gustong maging first onscreen kiss ay kay Enchong Dee. Bakit si Enchong?

"Kasi po si Enchong, siya po ang pinaka-close ko sa lalaki sa show business. Parang noong nag-i-start pa lang po siya, naging close po kami. Tapos hanggang ngayon, close po kami. Nag-loveteam po kami dati. So, isa po siya sa mga tina-trust ko na kaibigan," sagot niya.

Kumportable raw si Empress kay Enchong.

"Opo, e. At saka, feeling ko, kung magkakaroon man kami ng kissing scene, hindi na namin kailangan mag-ilangan or magtago ng kung anu-anong saloobin namin. Parang comfortable na kami sa isa't isa talaga."

SONG FOR EMPRESS. Si Empress ang breadwinner ng pamilya niya. Kaya bilang appreciation sa pagiging mabuting anak nito, live na naghandog ng kanta ang ama niyang si Hans Schuck, isang German national.

Pero maging si Charlene ay nasorpresa at naging emotional nang makita ang ama ni Empress. Naalala kasi nito na isa ang daddy ni Empress sa kumanta sa burol ng kanyang ama na si Bernard Bonnin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging emotional naman si Empress sa pagbibigay ng message sa kanyang ama.

"Papa, thanks for everything. Thank you for taking good care of me.

"Si Papa po kasi ang palaging nag-aalaga sa akin. Nagpi-prepare ng breakfast ko. Siya yung naghahanda. Kahit meron namang puwedeng maghanda sa akin, siya yung naghahanda para sa akin.

"Maraming salamat sa pag-iintindi sa akin palagi. Sa pagiging kakampi ko palagi. Thank you. Thank you so much. I love you," saad ni Empress.

Ayon pa kay Empress, dream niya talaga na makantahan siya ng kanyang ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN