Tikoy Aguiluz's big comeback: He will direct two indies, El Presidente and Asiong Salonga

IMAGE 0


Tikoy Aguiluz will direct two independently-produced projects, El Presidente (True Story of Gen. Emilio Aguinaldo) and Asiong Salonga (Kingpin Ng Tondo). Ang dalawang proyekto ay parehong pagbibidahan ni Laguna Governor (and former Pagsanjan, Laguna Mayor), Jorge "E.R." Ejercito Estregan.


Award-winning and internationally-acclaimed filmmaker, Amable "Tikoy" Aguiluz IV, is making a big comeback, as movie director of two independently-produced projects, El Presidente (True Story of Gen. Emilio Aguinaldo) and Asiong Salonga (Kingpin Ng Tondo).

Ang dalawang proyekto ay parehong pagbibidahan ni Laguna Governor (and former Pagsanjan, Laguna Mayor), Jorge "E.R." Ejercito Estregan.

Dumalo sa malaking press conference kaninang tanghali (sa Zirkoh Bar, along Tomas Morato Ave., Quezon City) ang kilalang direktor at organizer ng taunang Cine Manila International Film Festival, gayundin sina Gov. E.R. at dalawa pa sa mga pangunahing tauhan ng produksiyon.

By local moviemaking standards, ang mga nabanggit ay maituturing na indie movies, to be produced by Scenema Concepts International, na bagong tatag na production company at hindi kabilang sa mga establisadong kumpanyang pam-pelikula o ang tinatawag na mainstream movie studios.

Hindi pa nagpu-full blast ang parehong produksiyon, pero sa presscon ay ina-announce na isasali ang El Presidente sa Metro Manila Filmfest (MMFF) 2011, with a 30-second teaser na ipinakita sa mga dumalong press people.

Huling gumawa ng pelikulang pang-taunang MMFF si Tikoy Aguiluz, noong 2001, sa pamamagitan ng Tatarin na base sa maikling kuwentong "Summer Solstice" ng National Artist (for Literature) na si Nick Joaquin. Ang pelikula, prinodyus ng Viva Films, ay tinampukan nina Edu Manzano at Dina Bonnevie.

Nauna rito, ginawa rin ng premyadong direktor (Segurista, Rizal Sa Dapitan) ang Dos Ekis, an action-drama, na pinagbidahan nina Mark Anthony Fernandez at Rica Peralejo. Ang mga nasabing pelikula'y pawang prinodyus ng Viva Films, isa sa mainstream movie studios ng industriya noong 1980s hanggang sa kasalukuyan.

Huling nagdirek ng pelikula si Tikoy Aguiluz noong 2003, sa pamamagitan ng XXX (Webdiva) na naglunsad sa sexy actres na si Juliana Palermo. Ang proyekto'y isa sa pinakaunang digital indie movies, na kabilang si Direk Tikoy sa mga taga-suporta.

In fact, nang simulan ang taunang Cinemanila International Filmfest, noong 1999, ang mga low-budget indie filmmakers ang nag-benefit dahil nagkaroon ng pagkakataong mapansin ang kanilang mga pelikula, hindi lang sa bansa kundi sa iba pang festival abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nagpatuloy ang pamumukadkad ng indie filmmaking, na siya ngayong lalong nagpapasigla sa local movie industry.

Meanwhile, ang mga nasabing proyekto ng Scenema Concepts ay may kaukulang budget na hindi kukulangin sa isandaang milyong piso (P100 million). Ito ay kinumpirma ni Gov. E.R. during the presscon.

"With a 100 million-peso budget, kahit sinong bidang artista, aangat ang career!" banggit ni Gov. E.R.

Ayon pa sa produksiyon, "Full support has been given [the project, specifically, El Presidente] by: 1) former Prime Minister Cesar (E.A.) Virata, the grand nephew of Aguinaldo; 2) the living direct descendants of Emilio Aguinaldo; 3) the National Historical Institute; 4) NCCA (National Commission for Culture and the Arts); 5) FDCP (Film Development Council of the Philippines); 6) FAP (Film Academy of the Philippines); 7) KAPPT (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon; at 8) SM Cinema, Robinsons Galleria Theaters and Ayala Theaters..."

FDCP FUNDING. Noong 2009, bago matapos ang termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ay prinodyus ng FDCP, sa tulong ng iba pang ahensiya o sangay-pang-kultura ng pamahalaan ang epic musical na Emir, dinirek ni Chito Roño. Ang humigit-kumulang na 70 milyong pisong budget na nailaan sa pelikula, diumano, ay nagmula sa Presidential social fund.

Kulang sa promosyon ang pelikula at sumemplang ito sa takilya. Samantala'y magaganda ang natamong rebyu ng nasabing obra.

Dahil sa nakasaad na umano'y suporta para sa bagong proyektong El Presidente na ididirek ni Tikoy Aguiluz, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mismong direktor, matapos ang presscon, hinggil sa nakasaad sa press release.

"Wala pa," ani direk Tikoy. "[The funding will come from] private groups. It's an indie film."

Gayunman, inamin din ni Tikoy na 100 million pesos ang nakalaan, para lamang sa El Presidente, isang historical biopic tungkol sa buhay at kabayanihan ni Heneral Emilio Aguinaldo, ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Kaugnay nito ay ang paninindigan ng direktor, na ang gagawin niyang directorial comeback ay ituturing ding independently-produced, o "indie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, bakit, ang indie, cheap ba?" tanong ni Direk Tikoy. "Mali 'yon, e. Misconception 'yon. Nagbago na ang sistema, sa [indie filmmaking]. Nag-iba na, e. Sabi ko nga, yung kay Brillante Mendoza, 2 million dollars ang budget, e!"

Ang tinukoy ni Aguiluz ay ang natapos nang i-shoot na "indie film" ni Brillante Mendoza, titled Prey, na ang kuwento ay may kinalaman sa kidnapping ng mga foreign journalists sa bansa.

"Ang indie film is produced outside of the [mainstream] studios," pagtutuwid pa ni Tikoy. "Tsaka, it has something to do with the attitude, the indie attitude — na malakas ang loob, cutting edge, new approach, new blood. That's what defines an indie..."

DIFFERENT APPROACH TO HISTORY. Having done Rizal Sa Dapitan (1997), a historial biopic on the life of our national hero, PEP then asked Tikoy Aguiluz what is his planned approach to making another historical epic, this time, on the life of Aguinaldo, the first President of the Philippine Republic.

"Well, ang aking approach will be to focus again on the complex character of Gen. Emilio Aguinaldo," he said.

Magpo-focus din daw ang direktor sa "humanity" ng bidang character, kaugnay ng naging bahagi nito sa ating kasaysayan.

"Yun muna, dahil he's a product of history; tapos, saka ko gagawin yung ibang elements," sabi pa ni Tikoy. "Basics muna. Ang talagang attack ko, e, kuwento, istorya, character. Yun palagi. Dahil yun naman ang papanoorin ng tao... tapos, saka na yung scope..."

GOV. VILMA SANTOS-RECTO. Gusto ni Gov. E.R. na makasama sa El Presidente ang kapwa niya gobernador na si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto. Ang papel na Maria Agoncillo, ang pangalawang asawa ni Heneral Aguinaldo, ang babagay raw kay Vilma.

Sang-ayon si Direk Tikoy sa naiisip ni Gov. E.R., pero ipinauna nitong, "Hindi pa kami nagka-casting. We will announce... maganda siguro kung dalawang gobernador ang nasa cast natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa interview ng PEP ay inusisa pa namin si Direk Tikoy hinggil sa garantiya na makukuha nila ang serbisyo ng actress-politician.

"Na kay Gov. E.R. na 'yan, at sa ibang producers, e," ani Tikoy. "Magka-casting pa lang kami."

Sa papel ng unang asawa ni Hen. Aguinaldo, ang choice ni Gov. E.R. at mga kasamang producers ay si Iza Calzado.

EXCITED. Would Tikoy Aguiluz settle for a "lesser known but competent actress," sakaling hindi nila makuha ang serbisyo ni Gov. Vi?

Napangiti si Direk Tikoy. "E, subukan muna natin, kasi hindi ko pa naka-trabaho si Gov. Vi. Gusto ko rin [siyang] maka-trabaho. Tsaka pag beterano, mas magaling..."

Isang welcome prospect ang muling pagdidirek sa pelikula ni Tikoy Aguiluz, via El Presidente and Asiong Salonga (a local gangster flick, on its third remake, mula sa orihinal na pinagbidahan ni Joseph Estrada in 1961; remake na bida si Rudy Fernandez in 1978; at ikalawang remake, na bida rin si Jorge "E.R." Ejercito, in 1988).

"Oo, exciting yung mga projects. Excited na ako!" masayang wika ng direktor.

Hindi lang tiniyak ni Tikoy Aguiluz na maitatanghal ang alinman sa mga bagong pina-planong movie projects sa 13th Cinemanila International Film Festival (CIFF), sa taong 2011 (na ang opening ay sa November 11, 2011).

"Sana, kung makaabot. Palagay ko, hindi. Baka next year (2012) na," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN