Valerie Concepcion does not miss hosting noontime show; returns to acting via two teleseryes

IMAGE 0


"Surprisingly, hindi naman. Parang feeling ko [dati], malaki yung magiging pagbabago, kasi I've been there working sa noontime show for three and a half years. But surprisingly, hindi! Mabilis akong naka-adjust," was Valerie Concepcion's answer when asked if she misses hosting a noontime show.


Isa si Valerie Concepcion sa mga pinakamaagang guests na dumating sa birthday celebration ng co-star niya sa Momay na si Xyriel Manabat noong Linggo, February 20, sa Newport Mall, Resorts World, Pasay City.

"Good health, more blessings, and may she stay a sweet kid always," ang birthday wish ni Valerie para kay Xyriel.

BONDING WITH FIONA. Kasamang dumating ni Valerie sa party ang kanyang six-year-old daughter na si Heather Fiona. Sa buong maghapon ay kasama ng actress-TV host ang kanyang anak sa activities sa party.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Valerie, masaya niyang ikinuwento ang bonding time nilang mag-ina.

"We watch movie, we play at Timezone and at Tom's World, mga ganun, yun ang mga favorite niya. We are planning to go nga mag-zipline after this, pero hindi ko alam kung aabot kami.

"If I have free time naman, I make sure na time management, ayun, ilalabas ko siya, kakain kami sa labas.

"Nanonood ako ng mga favorite shows niya. Nagpapakabata din ako, nanonood ako ng mga cartoons," tawa ni Valerie.

Sa murang edad ng kanyang anak, alam na raw ni Fiona na nasa show business ang mommy niya.

"Kung may proud mama, siya proud kid! Kunwari sabihin ko lang kung may makikita ako sa TV, 'Ang ganda naman nito.' [Sasabihin niya sa akin,] 'But you're beautiful mama, you're the most beautiful!" sabi ng TV host-actress.

Wala bang balak na pumasok si Fiona sa showbiz?

"Mahiyain... Kinukuha siya sa Goin' Bulilit pero ayaw niya," sabi ni Valerie.

ON EMPRESS. Bukod sa celebration ni Xyriel ay dumalo rin si Valerie sa debut ni Empress Schuck kinagabihan sa Grand Terrace sa Quezon City.

Tumawa naman si Valerie nang tanungin kung ano ang birthday wish niya kay Empress.

"Ngayon na dalaga na siya, 'wag muna magbo-boyfriend," biro nito.

"More blessings to come, of course. Good health din and more projects kasi sobrang talented na bata ni Empress, especially when it comes to acting. Talagang bilib ako sa batang 'yan. Pero sana more projects, more breaks," sabi ni Valerie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Valerie, nakikita niya ang sarili niya kay Empress.

"Marami kasi nagsasabi na parang kapatid ko si Empress, kasi parang tulad ko siya na bungisngis.

"Kasi once you are a happy person, parang ang daling kausap, ang daling kasama. That's what I like most sa kanya," sabi niya.

ACTING OVER HOSTING. Hindi naman naiwasan na mapunta ang usapan tungkol sa kanyang career.

Ilang beses na siyang nag-guest sa E-Live, ibig sabihin ba nito ay magiging regular na siya rito?

"Hindi ko pa alam. Three consecutive Saturdays ako nag-guest co-host. Wala pa naman sinabi... Sana, it would be nice," nakangiting sabi ni Valerie.

Ayon pa kay Valerie, may dalawang upcoming teleseryes na makakasama siya, isa sa ABS-CBN at isa sa TV5.

Masaya si Valerie at nagkakaroon siya ng projects mula sa iba't ibang networks.

"Isa ako sa mga suwerteng freelancer, so bakit hindi ko muna i-enjoy," saad nito.

Kuwento pa ni Valerie, nagkaroon siya ng offer to host a morning show ngunit mas pinili niya muna ang gumawa ng teleserye.

Hindi ba niya nami-miss mag-host ng isang noontime show?

"Surprisingly, hindi naman. Parang feeling ko [dati], malaki yung magiging pagbabago, kasi I've been there working sa noontime show for three and a half years. But surprisingly, hindi! Mabilis akong naka-adjust," sagot ni Valerie.

Ang kanyang tinutukoy ay ang dalawang ABS-CBN defunct noontime shows na Wowowee at Pilipinas, Win na Win!.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN