Mrs. Bing Garcia says son Patrick has nothing to do with Jennylyn Mercado-Dennis Trillo breakup

IMAGE 0


"Hindi totoo 'yan, dahil kasi, hindi ba, sa inyo din lumabas, sa mga interview ninyo, nung nagsimula yung relationship ni Dennis at saka ni [Jennylyn], na si Dennis pa nga, di ba, yung parang nagtulak kay Jen para ilapit si Jazz kay Patrick?" says Mrs. Bing Garcia (main photo) about reports linking her son, Patrick Garcia (inset, top), to the breakup of Jennylyn Mercado (inset, middle) and Dennis Trillo (inset, bottom).


Nang makumpirma ang hiwalayang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo noong nakaraang buwan, na unang ini-report dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), isa sa iniintrigang dahilan ang diumano'y pagseselos ni Dennis kay Patrick Garcia—ang ama ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz. (CLICK HERE to read related story.)

Sa kabila ng pananahimik ni Patrick sa panibagong intriga, nagpaunlak ang ina nitong si Bing Garcia ng exclusive interview sa Showbiz Central na ipinalabas kahapon, April 10.

"Hindi totoo 'yan, dahil kasi, hindi ba, sa inyo din lumabas, sa mga interview ninyo, nung nagsimula yung relationship ni Dennis at saka ni [Jennylyn], na si Dennis pa nga, di ba, yung parang nagtulak kay Jen para ilapit si Jazz kay Patrick?

"Kaya nga malaki nga yung pasasalamat namin at iyon, naano yun, nakumbinsi niya, nahikayat niya [Dennis] si Jen na i-allow na si Patrick at saka si Jazz na ma-establish yung relationship nila," saad ni Mrs. Garcia tungkol sa pagkakasangkot ng pangalan ng kanyang anak sa breakup nina Jennylyn at Dennis.

Simula noon, naging maganda na ang ugnayan nina Jen at Patrick pagdating sa pagpapalaki ng ngayon ay halos tatlong taong gulang nilang anak.

Ayon kay Mrs. Garcia, "Pero alam ko, si Patrick siyempre, kailangan niyang sunduin si Jazz sa bahay nila para ihatid sa school, tapos iuuwi ulit. Iyon, alam ko yun, talagang regular na pattern 'yon. Mga twice or three times a week, oo."

Pero pinabulaanan naman nito na ang maayos na relasyon ng kanyang anak at ni Jennylyn ay umabot pa raw sa puntong nakikitulog na rin sa bahay ng aktres si Patrick.

"Ay, never! Never namang natulog si Patrick kina Jen. Never yun dahil kasi minsan, dadaan yun dito pagkahatid kay Jazz, e. So, never na natutulog si Patrick doon."

Sa kabila ng maganda na nilang relasyon ni Jen, nilinaw ni Mommy Bing na hindi ito kailanman nakialam sa personal na buhay ng aktres. Sa katunayan, sa balita lang din niya nalaman ang paghihiwalay nina Jennylyn at Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Narinig ko lang sa ano, e, sa television 'yon. So, siyempre medyo nagulat din kami dahil kasi, di ba, parang super in love naman sila sa isa't isa? At saka parang bagay talaga sila dahil pareho silang mahilig sa music, mahilig kumanta, mahilig tumugtog, 'yon."

Kahit noong isang buwan pa nang huling makita ni Mommy Bing si Jennylyn, wala itong balak manghimasok ngayon sa personal na buhay ng aktres.

"Nakakahiya naman, 'no. Sabihin, di ba, tatanungin mo yung ganun, e, maski naman yung mga nakaraan nila ni Patrick, ni hindi naman namin napag-uusapan yun, e.

"Wala talaga kaming napag-uusapan na ganun. Puro sa bata lang, puro si Jazz lang, yung schedule niya. Kung may mga family reunion na kailangang nandiyan si Patrick, at kailangang isama si Jazz, yun lang."

Pero sa kabila ng lahat, nakasisiguro naman si Mommy Bing sa sariling paraan ni Patrick ng pagsuporta kay Jennylyn.

"Si Patrick, kakaibang tao 'yan, e!" ang natatawang wika niya. "Masyadong tahimik at saka ano, e, siguro yung kanyang participation, siguro yung kanyang way of comforting is huwag nang palalain yung sitwasyon.

"Eto na nga, e, tsinitsismis na nga na siya yung dahilan. Walang... nanahimik yung tao, e."

Dagdag pa ng ina ni Patrick, nakasuporta ang pamilya nila kay Jennylyn.

"Si Jen, parte na ng family namin dahil kay Jazz. So, right or wrong, nakapanig sa kanya. Ngayon, ibig sabihin, kung meron pang deeper pa na ano, rason dun sa pag-aalitan nila, yung lovers' quarrel nila, e, labas na kami doon.

"Malaki na rin ang pinag-mature ni Jen e, kaya confident ako na she can handle it, differently, quietly, and victoriously. Iyon ang message ko sa kanya, 'Keep yourself busy and happy. Life goes on.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN