Rocco Nacino not hurt by GMA-7's decision to pair Kris Bernal with Aljur Abrenica again despite success of Koreana

IMAGE 0


"I just hope na sana magkaroon kami ulit ni Kris ng project. Nakita naman ng mga bosses ng GMA na okay naman kami, at sana nga magustuhan nila na bigyan ulit kami ng project," says Rocco Nacino about Koreana leading lady Kris Bernal.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rocco Nacino sa presscon ng final week ng Koreana kahapon, February 21, sa 17thfloor ng GMA Network Center.

Isa sa mga napag-usapan namin ay ang susunod niyang project pagkatapos ng Koreana—isang danceserye para sa Kapuso network na may working title na Just Dance With Me.

Dito, makakasama ni Rocco si Mark Herras, ang tinaguriang "Bad Boy of the Dancefloor." Kaya aminado ang StarStruck V alumnus na may pressure para sa kanya na makasama sa show na ito.

"Siyempre po kasi mahusay si Mark, meron siyang own type of dancing niya. Feeling ko... Actually, doble nga yung pressure na nararamdaman ko kasi yung mga kasama ko, sina Mark, sina Sef [Cadayona], si Enzo [Pineda], magagaling silang sumayaw. Ako, hilig kong sumayaw, pero hindi ako magaling na magaling talaga.

"Dun sa danceserye, kailangang ipakita mo na magaling ka talaga, na maa-idolize ka ng mga tao, na magugustuhan nila ang pagsasayaw mo. So, iyon nga po, doble ang pressure sa akin kaya magwo-workshop po ako," pahayag ni Rocco.

Makakatulong din daw sa kanya ang dance workshop para sa isang indie film na gagawin niya.

"Pinaghahandaan ko yung indie film na gagawin ko," sabi ng binata. "Actually, about dancing din po siya, pero mas drama po. Isa akong interpretative dancer doon, so very deep yung takbo ng kuwento."

Hindi siya magpapa-sexy sa naturang indie film?

"Hindi po, all drama lang and dance," sagot ni Rocco. "It's a first at saka entry po siya sa Cinemalaya kaya excited ako."

TEAM-UP WITH KRIS BERNAL. Tungkol naman sa Koreana, masaya si Rocco na nagtagumpay sila na mapag-rate ang kanilang drama series nina Kris Bernal at Steven Silva.

"Of course, natuwa po ako na, yun nga, na kami ni Kris, inilagay sa isang show at naging successful naman," sambit niya.

Hiningan din namin ng komento si Rocco sa pagbabalik-tambalan nina Kris at Aljur Abrenica sa pagpasok ng young actress sa Machete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm happy na magbabalik-tambalan sila ni Aljur, na magkakasama sila ulit," aniya.

Ayon kay Rocco, hindi siya nagdamdam na kung kailan tanggap na ng publiko ang team-up nila ni Kris ay saka naman muling ipinareha ang young actress kay Aljur.

"Ganun naman po talaga, e. Hindi naman puwedeng ikaw ang masunod sa ano... Kailangang ikaw ang sumunod sa kung ano ang ikakaganda ng show. Happy ako para sa kanya dahil magkakasama ulit sila ni Aljur.

"And I just hope na sana magkaroon kami ulit ni Kris ng project. Nakita naman ng mga bosses ng GMA na okay naman kami, at sana nga magustuhan nila na bigyan ulit kami ng project," asam niya.

WORKING OUT. Nang mag-guest si Kris sa Startalk noong Sabado, February 19, ay tinanong siya kung sino ang mas sexy kina Aljur at Rocco. Si Aljur ang isinagot ni Kris.

Hindi ba siya na-hurt? Tanggap ba niyang mas maganda ang katawan ni Aljur kesa kanya?

"Opo, opo! Lamang na lamang po talaga siya sa akin," sabi ni Rocco.

"When I work out nga, kapag pinag-uusapan ang pagdyi-gym, ang pagwo-work out, ang sinasabi ko, ang gusto kong makitang 'itsura ko, parang kay Aljur.

"Nakita ko ang disiplina niya, kaya parang siya ang peg ko sa pagpapaganda ng katawan, pag nagwo-work out ako. Gusto ko ding ma-maintain ang Machete body.

"Nung napanood ko nga yung unang plug niya ng Machete, sabi ko, 'Wow, gusto kong magkaroon ng Machete body!' So nag-serve rin siya na parang inspiration sa akin sa pagwo-work out.

"So I wouldn't feel mad or jealous kung pinili niya [Kris] si Aljur dahil he has the better body naman talaga. Hanga ako kay Aljur na nagawa niya 'yon."

Si Rocco ay halos araw-araw nagdyi-gym, two hours every session.

"Pero intense para... Kasi sinabi po sa akin na may possibility na ma-feature ako na mag-cover sa isang magazine," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ba ay para sa Men's Health magazine?


"Possibly," sagot ni Rocco. "Inaayos pa po, sana po.

"So if ever sabihin sa akin na matutuloy, at least may foundation na. Konti na lang ang kailangan kong gawin."

Hanggang saan ang kaya niyang paghuhubad in a pictorial?

"Shirtless lang po."

Trunks?

"Actually, yung trunks, nagawa ko na sa Cosmo, di ba? Yung pictorial po."

Pero hindi skimpy trunks ang suot niya doon.

"Hindi naman siya sobrang ano. Kumbaga, iniisip ko, para siyang teaser kasi matagal na matagal pa po bago ako magganun [mag-skimpy trunks or underwear].

"So, for now, still shirtless, kasi marami rin ang nagsasabi na nagugustuhan nila yung pagka-wholesome ko, yung hindi laging shirtless, pero nakikita nila sa isipan nila.

"So ini-embrace ko pa po yun. Darating din po yung time na yun, na i-explore ko yung ibang mga possibilities," sabi ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN