Ruffa Gutierrez on her sexy pictorial for a billboard: "Makikita mo na wala talagang dapat ayusin kasi I really worked hard for my body."

IMAGE 0


"I'm sure kapag lumabas na yung mga billboards sa aming launch next month, talagang masisindak sila kasi first time ko itong mag-swimsuit sa pictorial after having my two daughters," says Ruffa Gutierrez about her sexy pictorial for Belo Medical Group's billboard.


Handa na si Ruffa Gutierrez sa magiging reaksiyon ng mga tao kapag lumabas na ang bago niyang billboards para sa Belo Medical Group sa second week ng March. Ang unang billboard ay makikita raw sa Guadalupe area kung saan may billboard ang Belo.

Aniya, "Ready na ako. Pinaghirapan ko itong shoot na ito. And hindi lang ako nagpa-body-tight kay Dra. [Vicki] Belo, pero talagang nag-workout ako.

"I believe kasi na hindi mo lang puwedeng iasa sa isang bagay ang pagpapaganda ng katawan. You also have to eat right, be healthy, and work out especially, di ba, kahit ano ang gawin mo, kung hindi ka naman fit and you don't feel good about yourself, walang mangyayari. Walang long-term result na makikita. So, it's not a one process lang, it's an everyday process.

"So, handang-handa na ako para sa shoot na ito. And I'm sure kapag lumabas na yung mga billboards sa aming launch next month, talagang masisindak sila kasi first time ko itong mag-swimsuit sa pictorial after having my two daughters," pagmamalaki pa ng TV host-actress.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at TV5 crew si Ruffa kahapon ng tanghali, February 22, sa pictorial mismo ng kanyang Belo billboard na ginanap sa DPI XL Studios sa Pasong Tamo, Makati.

May pagka-sexy at daring ang concept ng pictorial ni Ruffa in time for the summer season. Nakakuha nga ng pictures ang PEP during the first layout ng pictorial kung saan nakatakip lang ng towel ang harapan niya. Hindi na kami pinakunan ng pictures during the swimsuit pictorial dahil ito raw ang isa sa mga sorpresa niya.

Nagpaalam ba si Ruffa kahit kanino in doing the sexy pictorial?

"Hindi na kailangang magpaalam kasi hawak ko yung sarili kong career," sagot niya.

"Ang maganda kasi nito, sabay yung launch ng Belo billboard sa launch ng bagong soap opera ko sa TV5. Actually, it's a powerhouse cast and I'm very excited. Ang aming working title is Nagbabagang Bulaklak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magsisimula na kaming mag-acting workshop, then magte-taping na kami. So, back-to-back yun kaya napaka-busy ng March ko at napakaganda ng pasok ng taon para sa akin."

NEW SOAP. Sino naman ang makakasama niya sa Nagbabagang Bulaklak?

"Actually, hindi pa namin napag-uusapan yung casting. Malalaman ko pa lang tomorrow [February 23] kasi bukas pa lang kami mag-start ng acting workshop with the cast. Pero inaayos pa yung casting.

"Ang alam ko lang, it will be back-to-back with Babaeng Hampaslupa. Maganda kasi ang naging result ng Babaeng Hampaslupa at tuwang-tuwa ang TV5 kaya ginawa itong soap na ito. And I'm lucky and honored na ako yung napili nilang maging bida.

"Ito na muna yata ang ipapasok, kasi ang alam ko, yung Utol Kong Hoodlum will be in May pa. So, I'm very excited.

"Dapat kasi reality show ang gagawin ko with my mom [Annabelle Rama] and I think shooting a reality show will be emotionally tiring for me kasi sa aming dalawa talaga ang focus ng show.

"So, this is gonna be my first regular soap after doing Betty La Fea na ginawa ko sa ABS-CBN two years ago. This time, I'm doing my soap naman dito sa TV5."

BILLBOARD ISSUES. Natanong din si Ruffa tungkol sa mga naiintrigang billboards, gaya na lang ng nangyari sa billboard ni Sharon Cuneta para sa Marie France. At nagkaroon din ng isyu rito involving Hayden Kho Jr. and Dra. Vicki Belo.

Kung kay Ruffa mangyari itong intriga na ito, paano siya magre-react?

"Alam n'yo, first of all, ayokong pag-usapan yung billboard ni Mega kasi siyempre napakalaki ng respeto ko sa kanya, she's my ninang. So, ang aking reaksiyon, ang aking opinyon, has nothing to do with her because I love her at wala akong kinalaman sa isyu na yun.

"But ako, my reaction kaya ko kayo in-invite dito sa shoot, para makita n'yo talaga yung aming shoot. Makikita n'yo talaga na numipis talaga ako. I mean, I'm not really fat naman, di ba? I just had a few love handles na cute namang tingnan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre meron na akong dalawang babies, Lorin and Venice. But walang masyadong ipo-Photoshop at walang aayusin. Kumbaga, tatanggalin lang siguro yung towel, something like that.

"Makikita mo naman na wala talagang dapat ayusin kasi I really worked hard for my body," saad ni Ruffa.

So, walang puwedeng mag-complain o mag-react na dinaya ang billboard niya?

"Ay, walang puwedeng mag-complain kasi makikita n'yo naman sa totoong buhay kung ano ang hitsura ko," sabi niya.

Paano kung may lalabas pa ring negative comment sa kanyang billboard?

"Well, alam mo, I prepare to be positive. Pangalawa, I have the best team. We hired Marc Nicdao, the most in-demand photographer, na napakahirap kumuha ng schedule sa kanya. Thank God na best friend niya si Pam QuiƱones, who's my stylist. So, naisingit kami. Of course, I have Steven Doloso for my makeup. So, I know this shoot will come out very classy and tamang-tama for summer."

FRIENDSHIP WITH DRA. BELO Masaya si Ruffa na nakabalik na siya bilang endorser ng Belo. Higit daw kasi sa business relationship ay mas importante sa kanya ang pagkakaibigan nila.

Ibig sabihin ba nito ay hindi na siya lilipat ulit ng clinic?

"Sana naman forever na yung relationship namin kasi hindi lang business ang aming relationship. Talagang naging tunay na magkaibigan kami ni Dra. Belo.

"We even traveled together. I know this year nag-promise siya sa akin na we're gonna travel again. Dapat mag-a-Africa kami, pero because of the schedules, hindi na siguro matutuloy. But this year, siguradong magbibiyahe ulit kami. So, talagang matalik na kaming magkaibigan."

ON HAYDEN KHO. Dalawang linggo nang guest co-host ang boyfriend ni Dra. Belo na si Hayden Kho Jr. sa Paparazzi, kung saan host din si Ruffa along with Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, and Mo Twister.

Anong masasabi ni Ruffa sa posibleng pagpasok ni Hayden bilang regular host ng show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, ako, with Hayden on the show, I welcome anyone who's gonna be on the show. I know Hayden is very controversial. May mga excited, may mga ayaw naman. That's very understandable, considering his situation.

"Ako naman, him being the boyfriend of Dra. Belo, I'm very comfortable. Wala naman sigurong magre-react ng kung anu-ano about him being on the show. I think he is a welcome addition kasi he's tall also, handsome, and smart.

"Kung anuman yung nangyari sa personal life niya in the past, I'm not the one to judge. Kumbaga, ayokong pag-usapan ang mga ganung bagay, being that marami rin naman akong pinagdaanan sa personal kong buhay," sabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN