Luis Alandy moves up to leading-man status in the afternoon soap My Lover, My Wife

IMAGE 0


"Alam ko na may mga kinu-consider na ibang actors for the role. Ako naman, sanay na tayo sa mga kontrabida roles, e. Masaya na ako sa gano'n. But when I did the role of Dante in Beauty Queen, doon daw sila na-convince na puwede na ako mabigyan ng lead role," says Luis Alandy.


Pagkatapos gumanap sa iba't ibang kontrabida roles, leading-man status na ang ibinigay kay Luis Alandy sa bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang My Lover, My Wife.

Big break ito para kay Luis dahil bukod sa dalawang naggagandahang leading ladies ang ipinareha sa kanya—sina Nadine Samonte at Maxene Magalona—mapanghamon pa ang role na ibinigay sa kanya bilang si Lawrence.

"Talagang na-challenge ako," sabi ng aktor. "Hindi lang kasi isang role ako dito as Lawrence. Gaganap din ako bilang si Arthur, who is played by Marco Alcaraz.

"Magkakaroon ako ng pag-iiba ng pagkatao dito at yun ang malaking hamon sa akin. Si Lawrence kasi, bad boy siya at bad ang reputation niya. Whereas si Arthur, he's the kind and loving husband. So, yung mga characters na 'yan, gagawin ko lahat sa series na ito."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa presscon ng My Lover, My Wife kagabi, February 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Nang mabasa raw ni Luis ang kuwento ng bagong afternoon soap ng GMA-7 ay na-excite siya dahil first time siyang gagawa ng ganitong klaseng role. Dasal nga niya ay maging maganda ang performance niya bilang si Lawrence at si Arthur.

"Alam ko na may mga kinu-consider na ibang actors for the role. Ako naman, sanay na tayo sa mga kontrabida roles, e. Masaya na ako sa gano'n. But when I did the role of Dante in Beauty Queen, doon daw sila na-convince na puwede na ako mabigyan ng lead role.

"I'd like to thank the directors na nakatrabaho ko in the past, most especially si Direk Joel Lamangan, who was my director in Beauty Queen. Marami akong natutunan sa kanya and it eventually led me to this role in My Lover, My Wife.

"At siyempre, sa GMA-7 who has blessed me with so many projects since I started working here. I am forever grateful and I promise to always give a good performance para naman hindi ako mapahiya sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DARING SIDE. Sa Beauty Queen ay ipinakita ni Luis ang daring side niya. Wala siyang takot na nagsuot ng sexy swimming trunks at iparada ang kanyang well-toned physique.

Dito ba sa My Lover, My Wife ay may daring scenes din siya?

"So far, wala pa naman kaming nasu-shoot na gano'n. But I wouldn't mind doing it kasi nagawa ko naman na 'yon sa Beauty Queen, e. Ano ba naman yung mag-trunks tayo ulit?" sabay tawa niya.

"Sa mga nabasa ko pa lang, may mga love scenes akong gagawin with both Maxene and Nadine. Yun pa lang ang mga alam ko. As far as going shirtless, wala pa naman. Siguro dapat abangan na lang nila iyon, di ba?"

ORIGINAL GMA DISCOVERY. Sa mga hindi nakakaalam, isa si Luis Alandy sa original discoveries ng GMA Artist Center noong 1998. Lumabas siya sa ilang TV commercials and print ads at nakapag-guest siya sa ilang shows ng GMA-7.

Hanggang sa lumipat siya sa ABS-CBN kunsaan ipinakilala siya sa drama series na Pangako Sa 'Yo. Nasundan pa ito ng Sa Dulo ng Walang Hanggan, Sana'y Wala Nang Wakas, Gulong ng Palad, at Vietnam Rose.

Bumalik si Luis sa Kapuso network noong 2007 via the drama series Impostora. Nasundan pa ito ng mga kontrabida roles sa Fantastic Man, La Vendetta, Dyesebel, Luna Mystika, Ngayon at Kailanman, Ina Kasusuklaman Ba Kita, at ang pinakahuli nga ay ang Beauty Queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN