Carla Abellana is happy for ex-boyfriend JC Intal and his rumored girlfriend Bianca Gonzalez

IMAGE 0


"There's no room for jealousy in our relationship. Parang if you're jealous of somebody else, ibig sabihin, hindi mo tina-trust ang partner mo, or insecure ka lang. So, walang ganoon," says Carla Abellana about her current relationship with boyfriend Geoff Eigenmann.


Ang Magic Palayok ang unang serye nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann ngayong magkasintahan na sila.

Paano ikukumpara ni Carla ang pagtatrabaho nila ni Geoff noong hindi pa sila at ngayong mag-on na sila?

"Okay naman, ganoon pa rin. Mas iba lang, kasi ngayon... Before kasi, bagong kilala pa lang kami sa isa't isa. Ngayon, siyempre, iba na.

"Iba rin in a way dahil iba ang energy sa set. Iba rin yung cast, iba yung story. I guess this time around, mas nag-e-enjoy na kami. Super, super enjoy!" sabi ni Carla sa presscon ng Magic Palayok noong Martes, February 22.

Wala nang ilangan?

"Wala na, matagal nang walang ilangan," sagot ng young actress.

Kung may maganda man ngayong sila na, nawala na raw sa kanilang dalawa ang selosan.

"Parang nawala nga ang selosan. Parang hindi na kailangan. There's no room for jealousy in our relationship. Parang if you're jealous of somebody else, ibig sabihin, hindi mo tina-trust ang partner mo, or insecure ka lang. So, walang ganoon.

"We find that very pretty. Pero hindi naman boring. Hindi lang namin kailangan ng ibang tao para magkaroon ng spice ang relationship. Na kahit kaming dalawa lang at wala nang ibang taong involved, okay naman kami," sabi ni Carla.

FAMILY AFFAIR. Wala rin daw silang nagiging problema ni Geoff pagdating sa kani-kanilang pamilya.

"Ako naman, ever since, from the time I met them, winelcome na nila ako sa family at ipinaramdam na nila sa akin na parte na ako ng pamilya nila. Not only would I get invited to family events and gatherings, even yung pinaka-intimate na sila-sila lang talaga, or kahit yung walang okasyon, nandoon ako, present ako palagi. Feel na feel ko naman yung love from everybody from the start," saad niya.

Nilinaw naman ni Carla na misunderstood lang daw yung isyu noon with her dad Rey "PJ" Abellana and Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-misunderstood lang talaga. Okay na sila. Never naman silang hindi naging okay. Na-misunderstand lang talaga yun.

"But with my family, Geoff has always been welcome. Sa lola ko pa lang, sa bahay ng lola ko, to our new house now, he's always welcome to come.

"Okay na sila ng daddy ko. Nag-Christmas sila together. Kaming lahat actually together. Pati New Year, nandoon kami sa house ng daddy ko, so okay na. Sana tuloy-tuloy na," asam ni Carla.

ANY DAY IS VALENTINE'S. Natatawa naman si Carla dahil pareho raw sila ni Geoff na napi-pressure kapag may nagtatanong sa kanila kung ano ang naging Valentine's gift nila sa isa't isa.

"Wala...wala talaga," sabi niya. "Pareho kasi kaming may taping, so we couldn't celebrate because we both have taping.

"First Valentine namin yun, and as much as we wanted it to be special, walang Valentine's day dinner, walang ganoon.

"Kumain kami the day before. Kasama namin si Ryan [Eigenmann, Geoff's brother] and his wife Cathy. Triple date siya, kasi kasama rin namin si Gabby [Eigenmann, Geoff's cousin] and Apples.

"Walang gift. Kasi, sabi ko nga, hindi naman kailangang Valentine's day para magbigay ng regalo sa isa't isa. So, wala lang.

"Hindi naman sa hindi namin gustong maging special ang Valentine's day, pero any day can be Valentine's day. Kung meron akong maisipang ibigay sa kanya, ibibigay ko."

In a way, they made it a special day pa rin naman daw.

"Magkasama kami sa taping no'n at kahit maaga akong natapos sa taping, nag-stay ako para makasama siya sa set. On the set lang, magkasama kaming dalawa," sabi ni Carla.

CARLA'S EX-BOYFRIEND. Kahit sila na ngayon ni Geoff, hindi pa rin maiwasang itanong ng entertainment press kay Carla ang ex-boyfriend nitong si JC Intal. Lalo pa nga't balitang girlfriend na raw ng PBA player ang TV host na si Bianca Gonzalez ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if magkasalubong silang tatlo?

"I'll say hi, definitely magha-hi naman ako. And I'm sure, magha-hi rin naman siya. Magkaibigan naman kami ni JC and we didn't end up in bad terms. Okay naman.

"Yung pamangkin ko na inaanak ni JC, madalas niyang pinapadalhan ng regalo. Yung mga ganoong bagay.

"Hindi naman siya complete stranger na sa akin just because we're not together anymore. Friend pa rin siya of the family. So, if I'll see them, malamang magha-hi ako, mag-i-introduce ako," sabi ni Carla.

With Bianca naman, hindi pa raw sila magkaibigan nito dahil hindi pa naman sila nagmi-meet.

Pero masaya raw si Carla for her ex-boyfriend.

"Masaya ako para sa kanya. Kasi, unang-una, kasi alam ko na masaya siya. Na nakahanap siya ng magandang babae na educated, mabait.

"I don't know her [Bianca] personally, I know she's a good person naman. Sabi ko nga, sana tuloy-tuloy na, at sana, maging happy talaga sila."

May communication pa rin ba sila ng ex-boyfriend?

"Meron naman," sagot ni Carla.

"Like what I've said, JC is just a text and call away but that doesn't mean we text and call each other every day. I'm just saying na madali lang siyang kausap kung kailangan kausapin. But that doesn't mean na, uy, nagpi-flirt kami sa isa't isa."

Happy rin ba si JC for her?

"Oo naman. Kumbaga, nalagpasan ko na ang difficult times ko sa Rosalinda days. Okay ako in terms of my career, maayos. And of course, because of Geoff naman kasi, alam naman niyang mabait 'tong tao," pahayag ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN