Ejay Falcon says Robin Padilla speaks well of him, but he's not yet ready to court "best friend" Queenie

IMAGE 0


"Para sa akin, ayoko rin namang magmadali. Ayoko na biglang hindi ko pala kayang ibigay yung oras, yung tamang panahon para sa kanya. Hindi muna. Para sa akin, ayoko muna talagang manligaw," says Ejay Falcon when asked why he is not yet courting Queenie Padilla.


Proud si Ejay Falcon sa magagandang deskripsyon sa kanya ni Robin Padilla, hindi lang bilang isang artistang kasama niya sa pelikula nilang Tum, My Pledge of Love, kundi bilang isang maginoo sa kanyang anak na si Queenie Padilla, na love interest niya sa nasabing movie.

Nabanggit ni Robin sa isang interview nito na naaliw siya sa pagiging sweet sa isa't isa nina Ejay at ni Queenie sa shooting ng kanilang movie sa India.

"Masarap yung feeling kasi, unang-una, Robin Padilla yung nagsasabi niyan tungkol sa akin. Ang dami niyang napatunayan. Ilang beses na siyang naging box-office king, naging best actor. Maraming umiidolo sa kanya.

"Siguro sa tinatagal-tagal na niya, marami na siyang nakasalamuhang tao at kinilatis na mabuti. At yung pananaw niya tungkol sa akin... Masaya ako kasi idol ko naman yung taong yun," pahayag ni Ejay sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang ma-interview namin siya sa presscon ng Tum, My Pledge of Love noong Sabado, February 26.

Ano ba ang ginawa niya, nagpakabait ba siya nang husto sa shooting ng movie nila?

"Hindi, yung parang ako lang. Kung ano ako. Wala naman akong... Ang hirap namang mamlastik kung ganyang tao ang paplastikin mo.

"'Eto lang. Yung pagiging leading man ko lang kay Queenie. Yung pagiging seryoso ko sa trabaho. Kasi bawat trabahong ibinibigay sa akin, pinag-aaralan ko muna. Seryoso po ako, mahal ko na ang trabaho. Yun lang," sagot ni Ejay.

Ano ba ang naisip at naramdaman niya—takot o respeto kay Robin kaya hindi siya nagkainteres na ligawan si Queenie?

"Hindi. Kasi, unang-unang, hindi naman ako dapat matakot kasi siya [Robin] ang nagsasabing mabuti naman akong tao. At saka talagang palagay naman ang loob niya sa akin.

"Hindi pa talaga. Hindi pa ngayon. Kasi napag-usapan namin... Sabi niya, 'Marami pa siyang [Queenie] dapat na i-improve sa sarili niya, marami pa siyang dapat pag-aralan.' Sabi niya, 'Kakapasok pa lang niya sa showbiz, marami pa siyang dapat matutunan. Mahirap yung pagsabay-sabayin yung...'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ako naman di ba? Ipina-partner kami sa iba't ibang iba't ibang leading ladies, like ngayon si Empress.

"Ayokong magkaroon ng parang, 'Uy, si ano nagseselos.' Ayokong makatanggap ng gano'ng balita or conflict. Siguro, hindi pa talaga ngayon," paliwanag ni Ejay.

Ibig sabihin, pinag-usapan nila ni Queenie na hindi muna sila magliligawan?

"A, oo. Kasi kami ni Queenie, napaka-open namin sa isa't isa. Kung may problema siya, sasabihin niya. Kung ako, sinasabi ko rin sa kanya.

"Sinasabi rin naman niya na, 'Alam mo, marami pa akong dapat i-improve sa sarili ko, dapat matutunan. Kakapasok ko pa lang sa showbiz.' Mga gano'n."

Naisip niya bang ligawan si Queenie?

"Ako naman, kahit sino namang lalake, magagandahan kay Queenie. Saka mabait. Actually, sa Momay pa lang, may kilig na, e. Kinikilig na ako noon, e. Tapos, nagkukuwentuhan kami.

"Para sa akin, ayoko rin namang magmadali. Ayoko na biglang hindi ko pala kayang ibigay yung oras, yung tamang panahon para sa kanya. Hindi muna. Para sa akin, ayoko muna talagang manligaw," sabi ni Ejay.

Yung naramdaman niya bang kilig kay Queenie, hindi niya naramdaman sa iba?

"Opo, lalake lang naman ako para hindi ko maramdaman. Yung kay Queenie kasi, special, dahil close friend ko siya at best friend ko siya ngayon," sagot ni Ejay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN