Mariel Rodriguez says she typed the script of Tum, My Pledge of Love; she also stars with Robin Padilla in the movie

IMAGE 0


Napangiti si Mariel Rodriguez nang marinig niya ang plano ni Robin na gawin siyang June bride. Wala daw siyang ibang detalye tungkol dito. "Kasi siyempre, I don't think dapat [ako magtanong ng] kailan ba? Kasi masaya na ako.... The [Catholic wedding] is for the family, for friends, for the people," she explains.



Ipinagmamalaki ni Robin Padilla ang kasipagan ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez na siyang tiga-type ng script para sa lalabas nilang pelikula ngayong March 16, ang Tum, My Pledge of Love.


Written and directed by Robin Padilla, the movie, which was reportedly filmed in India, stars the controversial couple.

"Tiga-type lang po talaga ako. I call myself typist or typer, secretary. Actually, si Robin po, he's really so generous. [He's] not giving enough credit to himself. Sa totoong buhay po talaga, siya ang nag-conceptualized, nag-isip ng script, idea niya po lahat," paliwanag ni Mariel.

"Yung sinasabi niya po na... yes, we have contributing directors pero siya rin po talaga lahat. Humble po siya at generous, never pong... lagi po naming pinag-aawayan, kasi lagi kong sinasabi na written and directed by Robin Padilla. Ayaw niya po nun.

"Ayaw niya na sinasabi ko na siya. Gusto niya isini-share niya yung glory sa ibang mga kasamahan namin. Pero walang tao who worked more sa project na ito kundi siya."

Mahaba-habang bungad ni Mariel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makatsikahan namin siya sa presscon ng nasabing movie nuong Sabado ng tanghali sa Annabelle's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Proud naman si Mariel na may mga input rin siya sa pelikula lalo sa mga kilig scenes nina Ejay Falcon at Queenie Padilla.

"Yung sa love scene nina Queenie at Ejay, mahirap para sa kanya (Robin) na magsulat nang gan'on dahil anak niya [si Queenie]. Hindi naman nag-fall in love. Konti lang. Like each other lang. Nagaganun siya kasi tatay," kuwento niya.

Aminado naman si Robin na maraming pressure sa paggawa ng nabanggit na pelikula. Pero malaking bagay raw na nasa paligid lang si Mariel para magbigay sigla sa kanya.

"Siyempre, all the more na you have to support and understand. So, dapat all the more na magwu-work together. Dahil ang objective naman ng lahat is to make the movie beautiful," paliwanag ni Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang inspirasyon para kay Robin ang ibinibigay ng bagong misis niya. Tumutulong rin daw ito sa production gaya nang pag-i-ilaw sa eksena. At minsan ay ito pa raw ang kumukuha ng isa pang kamera para i-tutok sa anggulong kailangan sa eksena.

CATHOLIC WEDDING. Hindi itinanggi ni Robin na dalawang beses nang napu-postpone ang Catholic wedding nila ni Mariel. Noong una ay dapat nuong December 25 nang nakaraang taon. Pero hindi raw bumaba ang divorce papers ni Robin.

Ang sumunod ay nitong nakaraang Valentine's Day pero dahil nga sa playdate na ibinigay sa Tum ng Star Cinema, na siyang distributor ng movie, muling naurong ang kasal ng dalawa.

Napangiti ang magandang aktres at TV host nang marinig niya ang plano ni Robin na gagawin siyang June bride nito. Wala daw siyang ibang detalye tungkol dito.

"Kasi siyempre, I don't think dapat [ako magtanong ng] kailan ba? Kasi masaya na ako... The [Catholic wedding] is for the family, friends, and for the people...

Kailangan pa ba siyang mag-convert sa Islam?

"Ahmm, hindi naman yun kailangan. Wala namang sapilitan sa Islam... the nice thing is tayong lahat naman pare-parehas naman tayong naniniwala sa iisang ano..." paliwanag ni Mariel.

Tungkol naman sa pagkakaroon nila ng sariling anak, the couple decided to wait until after two years, bago sila mag-anak dahil gusto ni Robin na masarili muna ang pagmamahal at atensyon ni Mariel.

BALANCER. Natutuwa naman si Robin dahil katulong daw niya si Mariel sa paggabay sa kanyang mga anak na dalaga na nandito sa Pilipinas. Ito ay sina Queenie at Kylie.

"Siya yung nagsisilbing balancer, kasi marami akong hindi naiintindihan sa mga dalaga ko. Siguro yung baby, magsi-selos ako," pag-amin ni Robin.

Hindi nga lang makasagot si Mariel kung ilang baby ang gusto niya kapag handa na sila ni Robin magkaroon ng anak.

"Kasi ang natutunan ko with Robin... Yes, you try to imagine the future, but you cannot plan it. Nothing is sure. I'm just taking everything one step at a time. Right now, I'm just enjoying being married to him. Hindi ko masyadong... hindi naman ibig sabihin na ayaw namin ng anak. Hindi pa lang nangyayari. Pag nangyari, blessing yun ng God," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba pasaway ang mister niya?

HARD WORKER. "No! It's just that sometimes pag sobrang work niya, gusto kong matulog muna siya. Ano siya kasi, pag nag-trabaho, tuluy-tuloy. Pero hindi naman siya nagagalit kapag sinasabihan ko siya, kasi para naman yun sa kanya," paliwanag ni Mariel.

Kumusta naman ang buhay may asawa?

"Siyempre, it's different. Now, before I do anything, I always think. If I do this, how will it affect him? He's not a regular person. You know? He is who he is. Konting ano, dapat isipin ko, kaya maingat ako. And then, nandiyan na yung gusto ko after kong mag-work, magkasama na kami.

"Saka hindi kami laging lumalabas. Sobrang special na, like kapag manonood kami ng movie, super special na yun. Kasi sa bahay lang kami together lagi," kwento niya.

Nahirapan ba siyang isantabi yung past ni Robin, at yung mga stories about him?

"Well, feeling ko open book siya e. Alam na nating lahat yun, di ba? Buti sana kung hindi niya sinabi lahat. Ay, surprise! So, wala naman siyang itinago," ani Mariel.

Ano pa yung mga na-diskubre niya kay Robin nang mag-asawa na sila?

"Sinasabi niya sa akin lagi na kapag nag-tatrabaho siya, grabe siya magtrabaho. Pero when we were doing Tum, doon ko lang naintindihan yung ibig niyang sabihin when he says na grabe siya mag-trabaho.

"Like, ngayon, hindi ninyo po nakikita pero 30 minutes lang ang tulog niya. Sa post production at sa lahat ng ano, tina-trabaho niya yun. Kaya nga, like what I mentioned earlier, sobra siyang humble and generous na ibinibigay niya yung credit sa iba. Overall siya pa rin naman po e.

"Hindi ako nahihiya na sabihin na baka may mahu-hurt or ma-o-offend kasi alam nila na grabe siya magtrabaho. Yun ang nadiscover ko about him. Sobra siyang magtrabaho," pagmamalaki ni Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO WORK. Hindi ba mahirap yung adjustment nila sa isa't isa?

"No, kasi nakakahanap siya ng way na sweet. Ang ayokong mawala ay yung when people see us, [they say] 'Ay, bagong kasal yan.' Kasi yung mga nakikita ko na matagal nang kasal, hindi na sila gan'on ka-sweet," aniya.

May restrictions ba si Robin sa pagbabalik trabaho niya sa telebisyon?

"You know, yun nga ang pinakasobrang gusto kong i-ano. Kasi, sa totoo lang, sobrang saya ko. I always wanted to be a housewife. E, dati ko pang sinasabi na gusto ko lang maghatid ng mga bata sa school, alagaan ang husband ko. Mag-tea with friends from time to time. Yun ang perfect life for me talaga!" kinikilig na bulalas ni Mariel.

"But I'd be so ungrateful [if I give up my work in television]. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa ABS-CBN sa pagsusuporta. At sa mga supporters na solid talaga na hinintay nila akong makabalik. Sobra ang pasasalamat ko sa kanila," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN