Nova Villa on working with Barbie Forteza: "Magalang ang batang 'yan, kaya imposibleng magkaroon siya ng attitude problem."

IMAGE 0


Ayon kay Nova Villa, parating maganda ang vibes sa set ng Nita Negrita. "Kapag nasa set na nga ako, sinasabi ko na it's a beautiful day and beautiful din ang mangyayari sa aming lahat. Doon pa lang mapapangiti mo na ang mga tao. Gusto ko kasi lahat ng tao sa set naka-smile. Hindi naman mahirap yun, 'di ba?" she says.


Masayang-masaya si Nova Villa dahil sa magandang pagtanggap ng marami sa kauna-unahan niyang afternoon drama series sa GMA-7 na Nita Negrita.

Since nagsimula nga ang teleserye last February 14, hindi ito natitinag sa pagiging No. 1 sa oras na iyon. Kaya masayang-masaya raw ang buong cast tuwing nagte-taping sila dahil sa magandang balita na pinaparating sa kanila tungkol sa ratings.

"Unang pinapasalamatan namin ay ang Panginoon," ang sabi ni Tita Nova sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa taping ng teleserye.

"Kung wala si Lord, hindi magiging successful ang show namin. Nuong umpisa pa lang, pinagdasal na namin na maging successful ang show na ito kasi mababait ang mga taong makakatrabaho ko. We all deserve to have a No. 1 show at in-allow 'yan ni Lord. Kaya, amen kami parati kapag binabalitaan kami ng mataas na ratings."

Ayon pa kay Tita Nova ay parating maganda raw ang vibes sa set ng Nita Negrita. Kapag darating daw siya sa set ay laging nakangiti ang mga tao at pinapaalahanan din niya na maganda ang simula ng araw nila.

"Ganyan naman ako parati sa mga shows na kinabibilangan ko. Gusto ko positive ang vibes para maganda ang maging takbo ng trabaho namin.

"Kapag nasa set na nga ako, sinasabi ko na it's a beautiful day and beautiful din ang mangyayari sa aming lahat. Doon pa lang mapapangiti mo na ang mga tao. Gusto ko kasi lahat ng tao sa set naka-smile. Hindi naman mahirap yun, 'di ba?

"Panget kasi yung may nakasimangot sa set. Hindi magandang vibes iyon. Buti na lang at walang ganyang negative energy sa Nita Negrita," ngiti pa niya.

ON WORKING WITH BARBIE. Kaya nga nagtataka si Tita Nova kung saan nanggagaling ang mga balitang nagpi-primadonna na raw ang bida ng teleserye na si Barbie Forteza.

Ayon kay Tita Nova, never daw niyang nakitaan ng pagiging mayabang or pagiging pasaway si Barbie sa taping nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halos lahat naman ng mga eksena ko, kasama ko itong si Barbie. Wala akong nararamdaman na hindi maganda sa batang 'yan. Kapag nasa set nga 'yan, laging naka-smile. Yung mga ngipin niyang puti ang nakikita mo parati kasi the whole time ay naka-makeup siya ng itim.

"E, panay iyakan pa naman ang mga eksena niya kaya makikita mong nagtatrabaho siya nang maayos. Kapag wala naman siyang take, nakikipagkuwentuhan siya sa amin.

"Kaya nagugulat ako na may mga ganyang balita tungkol sa batang 'yan. Ang sa akin lang, wala akong problema kay Barbie at maayos ang trabaho namin sa isa't isa. Magalang pa ang batang 'yan kaya imposibleng magkaroon siya ng attitude problem."

Hinala lang ni Tita Nova na marami ang naiinggit kay Barbie kaya may mga naninira rito.

"Ganyan naman talaga, 'di ba? Kapag may sumisikat na bagong artista, may mga naninira. Hindi maiiwasan iyon.

"Ilang mga batang artista na ang nakatrabaho ko sa showbiz. Mga malalaki ang pangalan ng mga nakakatrabaho ko at kakabit nga ng kasikatan nila ay ang maiiintriga sila o may maninira sa kanila.

"Sinasabi ko na lang sa mga batang ito na huwag silang papa-apekto at idaan na lang sa dasal ang lahat. The Lord will have the answer sa lahat. Basta hindi ka nakakalimot na magdasal, hindi ka makakalimutan ni Lord," diin pa niya.

TIYA PUSIT. More than 45 years na sa showbiz si Tita Nova kaya marami na rin siyang intriga na napagdaanan sa buhay. Pinakamatindi nga ay ang naging matagal nilang 'di pagkakaunawaan ng kapatid niyang si Tiya Pusit. Pero ang maganda nga raw ay bati na silang magkapatid.

"Okey na kami ni Pusit, matagal na. Nadaan din sa matinding dasal!" sabay tawa niya.

"Kami naman ni Pusit, normal na sa amin ang magkaroon kami ng 'di pagkakaunawaan sa isa't isa. But I never shut her out of my life. Kapatid ko 'yan, e, kaya ako na rin ang umiintindi sa mga nangyayari sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi kong sinasama sa mga dasal ko si Pusit at alam ko na si Lord lang ang makakapag-ayos sa amin. Nangyari na nga kaya masayang-masaya ako," pagtatapos pa ni Ms. Nova Villa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN