Maxene Magalona goes daring for new soap and photo exhibit

IMAGE 0


"I really feel na pag sexy, hindi mo kailangang mag-bare o magpakita ng skin. For me, sexy is being able to carry yourself well," says Maxene Magalona.


"Mature and grown up" na ang feeling ni Maxene Magalona ngayon kaya naman pumayag siya sa mga maiinit na eksena, gaya ng kissing at love scenes, sa bagong GMA-7 afternoon teleserye na My Lover, My Wife.

Naiiba nga lang ang pananaw ng young actress sa salitang "sexy."

"I really feel na pag sexy, hindi mo kailangang mag-bare o magpakita ng skin. For me, sexy is being able to carry yourself well. And the way he kisses me and I like it, I can show it 'coz I'm more mature and grown up. I know what a kiss feels like. For me, sexiness is being mature in deciding for yourself," paliwanag ni Maxene.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa presscon ng My Lover, My Wife kagabi, February 23, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Pagdating nga lang sa pagpu-pose nang sexy sa men's mag, aminado si Maxene na hindi siya kumportable rito.

"Hindi ko talaga kaya, e," sabi niya.

Ironically, pumayag mag-pose nang sexy ang young actress para sa photo exhibit ng sikat na photographer na si Xander Angeles.

"It's about to come out soon. Kung saan naka-panty lang ako and naka-fur coat lang ako na walang suot!" tawa ni Maxene.

"So, it was very, very daring! May isa pa na kasama ko ang kapatid ko na plunging. Si Francis Jr. 'yon."

Paano siya napapayag na mag-pose nang sexy for this pictorial?

"Kasi si Raymond Gutierrez is one of my closest friends in showbiz now. He got me for the exhibit kasi creative director siya ng exhibit na 'yon. For that exhibit, kasama ko sina Benjamin Tang, Bianca King...

"I did four layouts. For one layout, I was wearing a black lingerie, a gold swimsuit in another. First time kong mag-sexy pictorial at pumayag kami ng mommy ko [Pia Magalona] because it's an exhibit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAX'S BOYFRIEND. Ano naman ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Neil Arce, isang poker player, sa kissing and love scenes niya? Hindi ba siya binabawalan?

"Ay, hindi!" bulalas ni Maxene.

Bakit open na siya ngayon pagdating sa kanyang lovelife?

"I admit ngayon lang ako naging open because I feel I'm already of age. Naging open ako kasi I really was overwhelmed.

"Nung birthday ko kasi, he arranged a surprise birthday for me. That was the first time somebody did that for me," sabi ng 24-year-old actress.

Yung iba ba niyang naging boyfriend ay hindi nagawa 'yon?

"I don't mean mali sila o galit ako sa kanila. Hindi lang kami nagtugma. Kaya kami nag-break, di ba? But I learned a lot from them. Secret kung sino sila!" natatawang sabi niya.

Proud si Maxene sa boyfriend niya na number one poker player sa bansa.

"He's proud of me as well," sabi niya. "Pati sa damit na suot ko pag lumalabas kami, gusto niya sexy kasi gusto niyang malaman ng tao na girlfriend niya ako. Hanggang tingin lang daw yung iba sa akin!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN