Marco Alcaraz on fiancée Lara Quigaman: "Whether she's a beauty queen or not, kahit regular person lang siya, mahal ko siya."

IMAGE 0


"Hindi porke engaged na kayo, kampante ka na, ganun. So, kahit papaano pa rin, every week, every month, ginagawa mo siyang parang Valentine's [Day]. Kung puwede nga araw-araw Valentine's, gagawin ko yun para sa kanya," says Marco Alcaraz about fiancée Precious Lara Quigaman.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang hunky actor na si Marco Alcaraz sa presscon ng bagong afternoon soap na My Lover, My Wife noong Miyerkules, Pebrero 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang una naming inusisa kay Marco ay ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal ng kanyang girlfriend na si Precious Lara Quigaman.

"Wala pa, wala pang kasal. Next year, next year pa po," sabi ng aktor.

Anong month?

"Actually, honestly, wala pa pong month."

May engagement ring na siyang ibinigay kay Lara. Maaari bang malaman kung magkano ang halaga ng singsing?

"Hindi ko alam, pinirmahan ko yung tseke, nakapikit ako!" tumatawang sagot ni Marco.

SHE IS THE ONE. Bakit siya nag-decide na mag-propose kay Lara?

"Sabi nga nila, pag nakita mo na yung babaeng gusto mong makasama panghabambuhay, magsimula na kaagad," sabi ng 28-year-old actor.

Kapag mag-asawa na sila, sinabi ni Marco na hindi niya pahihintuin sa pag-aartista si Lara, na lumalabas ngayon sa ABS-CBN fantaserye na Mutya.

"A, hindi!" sambit ng Kapuso actor. "Siyempre, passion niya yun. Siyempre hindi po, siyempre hindi. Kung saan siya happy, siyempre happy ako for Lara. Lalo na ngayon ang ganda ng career niya, ang ganda ng... everything."

Ano ang advantage na ang karelasyon niya ay isang beauty queen? Miss International 2005 title-holder si Lara.

"Advantage? Actually, wala namang masyadong advantage. Whether she's a beauty queen or not, kahit regular person lang si Lara, mahal ko siya kung sino [man] siya," sagot ni Marco.

Ano naman ang disadvantage, kung meron man?

"Wala rin. Meron bang disadvantage? Wala, e, wala akong maisip na ganun."

Ano ang pinakaminahal niya kay Lara?

"Hindi ko alam, tinamaan ako, e!" tawa ni Marco. "Hindi, siguro ano lang, despite na beauty queen si Lara, pag nakasama mo siya, pag kasama niya family niya, kung sino siya talaga, what you see is what you get talaga. Walang pretentions."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito raw sila sa Pilipinas magpapakasal sa 2011.

KEEP THE FLAME ALIVE. May mga ginagawa ba siya para hindi magbabago ang kanilang pagmamahal sa isa't isa?

"Well, as of now naman po, siya, busy with her work. Ako, nagwo-work din. Kaya, I make it a point na mag-extra effort ka na you give gifts or flowers, ganun.

"Na hindi porke engaged na kayo, kampante ka na, ganun. So, kahit papaano pa rin, every week, every month, ginagawa mo siyang parang Valentine's [Day]. Kung puwede nga araw-araw Valentine's, gagawin ko yun para sa kanya."

Paano sila nag-celebrate ng Valentine's Day?

"Actually, nag-celebrate kami ng Sunday night [February 13] kasi Monday ang Valentine's. Nag-dinner lang kami with friends sa Shangri-La Hotel. Then, nung Monday kasi, may work kaming dalawa."

Wala bang time na kinumbinsi niya si Lara na lumipat sa GMA-7 para magkasama na rin sila sa trabaho?

"When it comes naman sa work namin, hindi kami masyadong nakikialam sa isa't isa. Kung ano yung desisyon niya with her manager, 'yon. Nag-uusap kami, pero ang final decision talaga, nasa kanya," saad ni Marco.

TWO WOMEN. Pinakuwento naman ng PEP si Marco tungkol sa guest role niya as Arthur sa My Lover, My Wife, na ipapalabas na sa Lunes, February 28, kapalit ng Koreana.

"Ex-girlfriend ko si Maxene [Magalona] dito, pero naging asawa ko si Nadine [Samonte]. So, pagbalik namin ni Nadine [bilang si April] galing States, asawa ko na siya. Mag-a-apply si Maxene [as Vivian] sa clinic namin, so magko-cross ulit yung landas namin. At first, hindi niya alam na mag-asawa na kami ni Nadine."

Naranasan na ba ni Marco sa tunay na buhay na maipit sa pagitan ng pag-ibig ng dalawang babae?

"Nakalimutan ko na!" tumatawang sabi niya. "Ayoko nang tingnan yung nakaraan, gusto ko yung kung ano na ngayon."

Paano siya nag-internalize para sa role niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap, mahirap yun. Lalo na yung mga scenes na siyempre una pa lang nagkita ulit kami ni Maxene, na hindi ko in-expect na we're gonna bump into each other. So, mahirap, mahirap talaga yung ano.

"Kaya maganda rin talaga yung story ng My Lover, My Wife. Kaya lang, special participation lang po ako dito," aniya.

Si Luis Alandy ang pinaka-male lead sa My Lover, My Wife. May iba kasing regular show na gagawin si Marco sa GMA-7.

"Nasa Sisid po ako," banggit ni Marco, na ang tinutukoy ay ang upcoming soap nila nina Jackie Rice, JC Tiuseco, Ian Batherson, at Dominic Roco.

Pero matagal pa raw ito ipalalabas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN