Princess Snell willing to work with Ervic Vijandre despite their feud: "Why not? Basta may pera!"

IMAGE 0


"Sa akin kasi, ayoko lang ng ganun at saka hindi pa rin siya nag-a-apologize, alam mo yun? Madali lang naman akong kausap. Pag sinabi niyang sorry, okay, goodbye! Wala, e, wala pa rin," says Princess Snell about fellow Survivor castaway Ervic Vijandre.


"Bad ako dito! Actually gustung-gusto ko yung role ko kasi ang role ko dito is addict ako sa surgery!" tumatawang bungad ni Princess Snell sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Lover, My Wife noong Miyerkules ng gabi, February 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

"Ang mangyayari, friend ko si Nadine Samonte [as April], which is yung nanay niya is si Carmi Martin [as Ms. Charity]. Tapos, kasama ako sa lahat ng gagawin niya kay Maxene Magalona [as Vivian]. So, kaming dalawa yung tandem. So, 'yon, kontrabida. Excited ako kasi gusto ko yung ganito, yung magagalit sa akin yung mga tao."

Bakit gusto niya yung kakainisan siya ng mga manonood?

"Hindi naman yung sa kinakainisan, pero gusto ko lang na mapakita sa tao na... Hindi pa kasi ako nabibigyan ng opportunity na umakting nang bonggang-bongga, which is sa Jillian [Namamasko Po!], sa Tween Hearts, more on pa-cute.

"Ito, more on, ano, e, masyadong kakaiba. So, 'yon yung gusto ko. Gusto ko yung controversial, yung challenging na role. Iyon yung gusto ko.

"At saka kakaiba itong... Kasi nabasa ko yung script, hindi siya katulad sa mga soap na nakita mo na pa-cute, pa-cute lang. Masyado siyang daring talaga. So, iyon yung gusto ko."

ACTING OR HOSTING. Sa StarTalk TX, marami ang natutuwa sa kanya sa pagiging isa sa segment hosts ng show, lalo na sa "Tigbak Authority." Ano ang mas gusto niya, hosting or acting?

"Actually, pareho, pareho talaga. Kasi ang hosting sa akin, gusto ko yun, e. E, siyempre ang problema lang sa StartTalk, hindi ko mapakita kung ano talaga ako. Kasi siyempre, kung ano lang yung nasa script, yun lang yung puwede mong sabihin.

"Which is dito sa My Lover, My Wife, ang maganda dito sa acting, mapapakita ko kung ano yung...kung saan talaga ako magaling or whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At siyempre, may script pa rin dito, pero more on free ka gumalaw, more on puwede kang gumawa ng expressions, hindi katulad sa hosting."

RETOKE BEAUTY? Since ang karakter niya sa My Lover, My Wife ay mahilig magparetoke, may niretoke na ba sa kanya sa tunay na buhay?

"Wala, everything, true!" tawa ni Princess.

Paano niya ginampanan ang role niya bilang retokadang babae?

"Well, sa akin lang naman kasi, sa akin kasi, ipasok mo lang 'yan sa utak mo, e. Hindi naman kailangang may ipapagawa [ipaparetoke] ka talaga."

Halimbawa may gusto siyang iparetoke sa katawan o mukha niya, ano iyon?

"Ano siguro, yung balakang ko, kasi wala akong balakang," sabi niya.

Ang body measurements ni Princess ay 34-25-34.

"So, gusto ko medyo mas malaki ang balakang ko. Pero wala, hindi talaga malaki."

PRINCESS IN LOVE. Nagkaroon ng isyu kamakailan tungkol sa foreigner na dine-date ni Princess na nakaaway raw sa isang bar ng kapwa niya Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway na si Ervic Vijandre.

"Yun pa rin naman, yung inaway ni Ervic," sabi ni Princess. "Boyfriend ko siya, pero yun nga lang, hindi siya palagi dito sa Philippines. So, parang wala lang."

Brad Zarich daw ang pangalan ng Australian boyfriend ni Princess. Isang taon na ang kanilang relasyon

Dati na silang magkakilala noong nasa Australia pa lang si Princess at hindi pa sumasali sa StarStruck V.

"Tapos, nagkita kami dito. Meron siyang business dito, call center business."

Dito na raw sila sa Pilipinas nagkaroon ng relasyon.

Hindi naman daw nahihirapan si Princess sa long-distance love affair nila dahil busy rin siya sa kanyang showbiz career.

"Wala, happy naman ako, 'tsaka happy naman ako sa mga nabibigay sa aking trabaho, at least merong mga projects.

"Pero dito naman siya parati. Siguro in a month... Mawawala siya ng one month, tapos babalik siya dito. So, wala, okay lang yun sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, yun nga, yung mga raket, sa akin, hindi ako naha-haggard na sabay-sabay [ang lovelife at career]. So, happy naman ako," saad niya.

Twenty-five years old na raw ang boyfriend ni Princess at siya naman daw ay 19.

Sa palagay ba niya ay secure na ang future niya sa boyfriend niya pag nagpakasal sila?

"Hindi pa naman secure na secure, pero alam mo yung okay, okay siya. Hindi rin naman ako kukuha ng wala lang!" at muling natawa ang dalaga.

ERVIC VIJANDRE. Kumusta na sila ni Ervic? Okay na ba sila?

"Ay, actually, nagkatrabaho kami ni Ervic one time sa Fulltime Moms yata yun. Nalorkey ako! Pagdating ko dun, nakita ko siya, so dedma ako, dedma sa barangay! Dedma din siya. Sabi ko, 'Hay, mag-dedmahan tayong dalawa!'

"Si Karen [delos Reyes], ang kulit-kulit ni Karen. Sabi niya, 'Kayong dalawa, bati na ba kayo?' E, di ba, nakakailang yun? Sabi ko, 'Karen, huwag ka na ngang maingay, parang awa mo na!'

"Tapos si Karen, 'Sige na, magtabi na kayo, magtabi na kayo!' Tapos, sabi ko, 'Ay, hindi na talaga!' Tapos dedma lang ako, dedma rin siya [Ervic]."

Ano ba ang pinag-ugatan ng gap nila ni Ervic?

"Nasa isang bar kami ng boyfriend ko, nandun din siya [Ervic], tapos wala siyang kasama. Naiinggit siya, kasi kami, nag-e-enjoy kaming lahat.

"Tapos yung mga babae, kakulitan nila yung mga barkada ko, barkada ng boyfriend ko. So, siguro siya, gusto niya paalisin yung mga barkada ng boyfriend ko tapos yung mga iba naming kasama, para siyempre siya yung bida, di ba, sa mga girls?

"Ang ginawa niya, sabi niya dun sa friend ng boyfriend ko, 'Puwede ba umalis ka dito, kung hindi susuntukin kita!' So, siyempre lumapit ang dyowa ko, 'Anong problema mo? Bakit mo sinasabi 'yan?'

"Ito namang si Ervic, ewan ko, dahil lasing, sinuntok agad ang dyowa ko at siyempre...hindi naman siya natamaan. Sinuntok rin siya ng dyowa ko, ewan ko kung natamaan. Napigilan agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually may media doon kaya nabalita agad the next day," kuwento ni Princess.

Hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nagkakaayos ni Ervic.

"Hindi ako open makipagtrabaho sa kanya. Ayoko!" bulalas ni Princess.

Sa Fulltime Moms daw ay hindi niya alam na guest din si Ervic.

"Hindi ko alam. Shocked ako, e, andun ako, pagkita ko, andun na siya."

Hindi ba nanligaw sa kanya si Ervic?

"Hindi!" tili ni Princess.

So, kapag may project na ibibigay ang GMA-7 at si Ervic ang kasama niya, hindi niya tatanggapin?

"Why not? Basta may pera!" tumatawang pagbawi ni Princess sa una niyang sinabi na ayaw niyang makatrabaho ang binata.

"Pero kung pinag-uusapan naman dito pera... Pero kung kasama ko lang siya sa isang event, ay, hindi na ako sasama sa kanya! Sasabihin ko na lang, okay, forget it, hindi na ako sasama. 'Yon!

"Sa akin kasi, ayoko lang ng ganun at saka hindi pa rin siya nag-a-apologize, alam mo yun? Madali lang naman akong kausap. Pag sinabi niyang sorry, okay, goodbye! Wala, e, wala pa rin.

"E, andun ako, 'no! Hindi man lang siya nag-sorry sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN