Ramon Bautista to anchor fake news program, May Tamang Balita

IMAGE 0


Ramon beleives there is room for a comedy news program on television. "Sa dami ng nagbabalita diyan na puro seryoso, kailangan din natin yung side na maiintindihan at mas comedy, at kahit papaano, ay nakakapagbigay din ng impormasyon," he says.


Balik-TV si Ramon Bautista via the mock news program May Tamang Balita which will premiere March 4 sa GMA News TV11.

"Sabi nila matalinong TV show daw ito, kasi matalinong tao daw ako," sabi ni Ramon during an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday.

Kilala si Ramon bilang isang komikerong host ng Ramon Bautista Show sa dating MTV Philippines. Endorser din siya ng motorcycle oil para sa isang kilalang petroleum company.

Hindi ito ang unang pagkakataon na masabak si Ramon sa isang news satire program.

"Mayroon akong show na ganito dati sa TV5. Ang tawag doon ay The Weekend News tuwing Lunes — ang tanging weekend news na nasa weekday," he said, deadpan.

Iba daw ang bagong news program na ito kumpara sa una niyang ginawa.

"Parang news siya pero lighter ang treatment sa balita. Halimbawa, itong People Power [anniversary]. Lalagyan namin ng konting comedy.

Dagdag pa niya, "May mga interview portions din kaming gagawin sa mga politiko, pero iibahin namin. Kung napapanood niyo si Stephen Colbert, parang ganoon yung gusto naming gawin."

Hindi rin daw bago ang gagamitin nilang set sa show.

"Yung studio namin, minana pa namin mula sa dating 24 Oras," aniya.

"Ako din ang alpha male dito. May mga reporter kami na in-character," dagdag pa niya. Kasama niya sa show sina Sheena Halili, Maey Bautista at Janna Dominguez.

"Gusto naming umiwas sa mga political issues. Gusto ko maging escapist lang. Gusto ko i-feature ang mga mas fun na bagay sa buhay. Pero gusto rin namin magkaroon ang mga tao ng awareness sa mga current events. Basta dapat maintindihan nila," ang sabi ni Ramon.

Wala daw silang iiwasan na topic sa kanilang bagong programa.

"I-ta-tackle namin lahat. Yung mga nangyayari tulad ng imbestigasyon sa corruption...

NOT DIRECTING. Unang napasabak sa telebisyon si Ramon Bautista sa Strangebrew na pinagbidahan ni Tado at Angel 'Tama' Rivero. Dinala din nila ang tambalang ito sa radyo sa 99.5RT at sa 92.3. Pero natapos din ang show nang mag-reformat ang huling nasabing radio station.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagiging director, isa ding teacher si Ramon sa University of the Philippines na nagtuturo ng film.

Kasama din daw siya sa pag-conceptualize ng ilang mga segments ng show.

"Sa brainstorming lang. Hindi naman ako designated writer kasi hindi naman ako binabayaran bilang writer," walang pag-aalinlangan na sinabi ni Ramon.

"Tinatanong ko na lang kung ano yung mga kailangan gawin. Nag-sa-suggest din ako sa treatment.

Biro niya pa, "Saka baka sabihin naman nila na pakialamero ako."

Ngayong darating na Wednesday, March 2 ang una nilang taping. At bawat lingo ay gusto nila bigyan ng fresh twist ang mga nagbabagang balita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN