Former sexy star Katrina Paula wanted by police for alleged involvement in carnapping

IMAGE 0


Ayon sa naunang panayam ng StarTalk TX kay Katrina Paula, "special friends" lang daw sila ni Raymond Dominguez. "Special friend. Basta friends kami, iyon. 'Tsaka masama bang magmahal ng kaibigan? Hindi kami magkasama sa bahay, hindi kami magkasama sa condo, iba ang unit ko, iba ang unit niya," saad ni Katrina, na may anak sa suspected mastermind ng carnapping.


Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang sexy star na si Katrina Paula dahil sa pagkakadawit nito sa carnapping.



Ayon sa report ng Philippine Star ngayong araw, March 1, subject na ng isang manhunt si Katrina—Angeline Samonte sa totoong buhay—at isa pang babaeng nagngangalang Julliane Allysa Crisostomo.



Ayon sa mga pulis, mga girlfriend umano ang dalawa ng magkapatid na sina Raymond at Roger Dominguez, pinaghihinalang mga carnappers. Sila rin ang pangunahing suspek sa pagpatay sa car traders na sina Emerson Lozano at Venson Evangelista, at sa employado ni Lozano na si Ernani Sensil.



Ayon kay Chief Superintendent Benito Estipona, director ng Special Investigation Task Group (SITG), kasama ang pangalan ng dalawang babae sa isinampang kaso na murder.



"We are still hunting down six other suspects, including Rolly, Joel, Marlon, Napoleon Salamat, and the two girlfriends," saad ni Estipona sa Philippine Star.



Dagdag pa ni Estipona, aktibo umano ang role ni Katrina sa nagaganap na carnapping. Ang sexy star daw ang sumusundo sa karelasyong si Raymond sa isang safehouse kapag may nagaganap na carnapping operation.



Si Julliane naman umano ang sumundo kay "bakla," palayaw raw ng suspek na si Alfred Mendiola, mula sa lugar kung saan umano dinukot ang biktimang si Venson Evangelista.



Ayon sa SITG, napilitan silang kasuhan ang dalawang babae matapos hindi magpakita ng mga ito sa kanilang summons.



Sa kasalukuyan, 11 katao na ang nakasuhan sa pagpatay kay Evangelista, at lima ang nasa kustodiya ng pulisya.

Sa naunang panayam ng StarTalk TX kay Katrina Paula, itinanggi nito ang involvement niya sa serye ng carnapping. Itinanggi rin niyang kasintahan siya ni Raymond Dominguez. (CLICK HERE to read related story.)

"Special friend. Basta friends kami, iyon. 'Tsaka masama bang magmahal ng kaibigan? Hindi kami magkasama sa bahay, hindi kami magkasama sa condo, iba ang unit ko, iba ang unit niya," sabi ni Katrina Paula, na may isang anak kay Raymond Dominguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN