Ilocos Sur Rep. Ronald Singson resigns from Congress

IMAGE 0


"I am resigning not because I am succumbing to the pressure of the noisy few among my honorable colleagues. My resignation is a fulfillment of my promise to my father," says sentenced Ilocos Sur Congressman Ronald Singson about his reason for leaving his post at the House of Representatives.


Pormal nang nagbitiw bilang miyembro ng House of Representatives si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson. Epektibo ngayong araw, Marso 1, ang kanyang resignation.

Natanggap kaninang hapon ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang faxed copy ng resignation letter ni Singson na ginawa kahapon, Pebrero 28.

Sa ulat na inilathala ng GMA News kanina lamang, ito ang nakasaad sa resignation letter ni Singson bilang kongresista:

"I am resigning as a member of the House of Representatives in humble recognition of the nobility in character and purpose of the majority of my colleagues who kept their peace and prayed while waiting for the conclusion of my case in Hong Kong."

Sinabi rin ng dating kongresista na ang kanyang pagbibitiw ay hindi dahil sa hiling ng kanyang mga kasamahan sa Kamara. Bagkus, ito ay isang katuparan sa kanyang ipinangako sa kanyang ama na si Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

"I am resigning not because I am succumbing to the pressure of the noisy few among my honorable colleagues. My resignation is a fulfillment of my promise to my father," sabi ni Singson.

Ayon pa sa kanya, ang kanyang pagbaba sa puwesto bilang Ilocos Sur representative ay para rin sa kanyang mga kababayan.

"I am tendering my resignation as a congressman for the sake of my countrymen, the Filipino people, especially my constituents in the first district of Ilocos Sur, who look up to the members of Congress with respect."

Matatandaang noong Pebrero 24 ay hinatulan ng Hong Kong Wan Chai District Court ng isang taon at anim na buwang pagkakabilanggo si Singson dahil sa kasong illegal possession of drugs. (CLICK HERE to read related article.)

Nahulihan si Singson ng 6.67 grams ng cocaine sa Chek Lap Kok International Airport sa Hong Kong noong Hulyo 11, 2010. (CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN