Joel Lamangan directs two socially-relevant films; eyes Nora Aunor for his dream project about drug mules

IMAGE 0


"Akala ko, hindi ako marunong gumawa ng show na pambata. Marunong naman pala ako. Nagustuhan ko ito kasi kakaiba siya. I haven't done anything like this before," says director Joel Lamangan about his latest project on GMA-7, Magic Palayok.


Excited ang premyadong direktor na si Joel Lamangan sa bago niyang programa sa Kapuso network, ang Magic Palayok, which started airing last Monday (February 28).

"Hindi ko akalain na aalukin ako ng GMA-7 ng ganitong klaseng show na pambata," sabi ni Direk Joel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at the presscon of Magic Palayok.

"Akala ko, hindi ako marunong gumawa ng show na pambata. Marunong naman pala ako. Nagustuhan ko ito kasi kakaiba siya. I haven't done anything like this before."

Bagamat ni-remind siya na nagdirek naman siya ng Darna—na geared for the young crowd—iba pa rin itong Magic Palayok dahil may special effects ito. May mga sumasayaw na kamatis at palayok. Hindi raw realistic ang ibang characters kundi fantasy.

DEADLINE. Natapos na ni Direk Joel ang latest movie niya titled Deadline, na tungkol sa mga press na pinapatay dito sa ating bayan. Inspired daw ang kuwentong ito sa nangyaring massacre sa Maguindanao noong 2009 kung saan maraming journalists ang napatay.



"Noong mangyari ang massacre sa Maguindanao, naisip ko ang kuwento na ito na tumatalakay sa warlordism at kung paano lumalawak ang private armies at bakit ito hinahayaan ng powers-that-be na mag-prosper. Kahit ngayon sa panahon ni President Noynoy Aquino ay may mga insidente pa rin ng journalists na pinapatay," pahayag ni Direk Joel.



Ayon pa sa kanya, dedicated sa mga press people, kahit na anong uri ng press, ang Deadline. Tiyak daw na kikilabutan ang press pag napanood ang pelikula. Ito raw ang homage niya sa journalists.



Ang iniba lang niya sa movie ay kung paano pinatay ang mga press. Kung sa insidente sa Maguindanao ay in-ambush ang mga press, dito sa Deadline ay nagpatawag sila ng presscon sa isang building at pagkatapos ay pinasabog ang gusali na ikinasawi ng mga mamamahayag.



Among his stars sa Deadline, puring-puri ni Direk Joel si Tirso Cruz, who plays the warlord. Nakakatakot daw kung paano in-interpret ni Tirso ang kanyang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang husay niya! Ngayon ko siya naa-appreciate nang husto kasi he took time to learn the language, the accent and all. Sa buong film, Maguindanaoan ang mga linya niya," sabi ng direktor.



PATIKUL. Sinimulan na rin ni Direk Joel ang bago niyang film titled Patikul, na entry naman sa Cinemalaya Independent Film Festival sa kategoryang Director's Showcase. Ikalawang pagkakataon na sumali si Direk Joel sa festival na ito. Last year ang entry niya ay Sigwa.



"Ang Patikul ay tungkol sa mga illiterate coffee farmers na Muslim na ang ambisyon ay mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Pero dahil sa kaguluhan, natatakot ang mga teachers na pumasok sa mga eskuwelahan.

"Ang ginawa ng mga magulang, nag-usap-usap sila na ihahatid nila ang mga teachers mula sa school papunta sa sakayan para makauwi ang mga ito," pahayag niya.



Inspired din ito ng isang true story kung paanong ang mga magulang ay nag-unite sa kagustuhan nilang huwag maging illiterate ang kanilang mga anak. Isa na naman itong advocacy film.

NORA AUNOR. Isa pang istorya na gustong gawin ni Direk Joel ay ang kuwento ng mga drug mules. Kung sakali raw uuwi si Nora Aunor, bagay raw ang role na ito para kay Nora.

"Kung dumating si Ate Guy, this would be a good project for her," sabi ni Direk Joel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN