Tikoy Aguiluz probes the life of Emilio Aguinaldo in the biopic El Presidente

IMAGE 0


"This film is important for me and I'm really excited kasi napakaganda ng material. Napaka-interesting nung character ni Aguinaldo. Meron na agad conflict. Meron na agad problema ang character. So, that will make a good story," says director Tikoy Aguiluz about El Presidente, an epic indie film about the life of Emilio Aguinaldo, which will be portrayed by Governor Jorge Estregan (inset).


Isang ambisyoso at engrandeng pelikula ang nakatakdang gawin ng film direktor at Cinemanila International Film Festival director na si Tikoy Aguiluz—ang El Presidente.

Ito ay ang film biography ng isa sa national heroes ng Pilipinas na si General Emilio Aguinaldo, ang una ring Presidente ng Republika ng Pilipinas. Gagampanan ng actor and Laguna governor Jorge Estregan, Jr.—ER Ejercito—ang papel ni Aguinaldo.

Sa grand presscon ng El Presidente sa Zirkoh Morato kamakailan, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Tikoy.

Matagal na hindi gumawa ng pelikula si Direk Tikoy. Ang huling pelikulang idinirek niya ay ang www.XXX.com noon pang 2003.

Ilan sa mga memorable filma ni Direk Tikoy ay ang mga sumusunod: Boatman (1984), Balweg (1986), Bagong Bayani (1995), Segurista (1996), Rizal Sa Dapitan (1987), Biyaheng Langit (2000), at Tatarin (2001).

EL PRESIDENTE. Ano ang pakiramdam niya at siya ang magdidirek ng El Presidente?

"I'm very excited. Siyempre pag may magandang project, gagawin natin," sagot ni Direk Tikoy.

"As I told earlier, this film is important for me and I'm really excited kasi napakaganda ng material. Napaka-interesting nung character ni Aguinaldo.

"Meron na agad conflict. Meron na agad problema ang character. So, that will make a good story."

Na-offer na ba ang El Presidente sa kanya ever since?

"Meron akong sariling project na ginagawa noong 1997, Heneral Magdalo ang title. Film siya. Nagawa namin ang first draft [ng script], 1997, hindi natuloy. Kami-kami lang ang producer kaya hindi natuloy, e.

"Pero nakaabot kami sa Cavite, kay Cesar Virata, na-meet namin yung Magdalo group. So, familiar na ako ng konti. Pero ngayon, more and more ay nadidiskubre ko pa lalo ang mga bagay-bagay about Aguinaldo.

"So, nung tinawagan ako for this, sabi ko agad, 'Shoot!'" kuwento ni Direk Tikoy.

Si Cesar Virata ay dating Prime Minister sa administrasyon ni Ferdinand Marcos. Siya rin ay grandnephew ni Emilio Aguinaldo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ba ang first choice ng grupo ni Governor Estregan para magdirek ng pelikula?

"May nakatrabaho na siya before, hindi lang natuloy. So, nagkatugma lang kami," sagot ng direktor.

Bakit hindi natuloy ang Aguinaldo film niya noong 1997 na Heneral Magdalo?

"E, the usual problem ng indie film—budget. Yun naman palagi ang problema, e. Hinanapan namin ng producer.

"Ka-meeting pa namin si Cesar Virata and the family, the Magdalo group sa Tanza, pero mahirap talaga gumawa ng film on your own... Mahirap talaga!" sabi ni Direk Tikoy.

HERO OR VILLAIN? Ipapakita rin ba sa El Presidente ang sinasabing "kasamaan" sa naging buhay ni Aguinaldo sa totoong buhay?

"Oo naman, yung totoong kuwento," sagot niya. "Pero halimbawa, kung in-offer-an ako na gagawa ng pelikula, siyempre, mas gusto ko yung makulay na character. Mas complex.

"May cinematic license pa rin. Meron siyempre. Kasi, once you interpret history [on the big screen], creative na yun, e, pero hindi na tayo mambobola. Hindi na tayo mag-iimbento."

Bakit parang may puso sa kanya ang kuwento ng buhay ni Emilio Aguinaldo?

"Complex kasi ang character niya, e, at ang story niya mismo. Saka, misunderstood siya, e. Para sa akin, he's the most misunderstood and underrated historical character. E, unfair naman masyado," sabi ni Direk Tikoy.

Samantalang national hero rin siya, tulad ni Andres Bonifacio?

"He should be!" sambit ng direktor. "Siya ang first president ng Pilipinas, e. Ipinagtanggol niya ang Pilipinas against the Spaniards and against the Americans, tapos ang naging reputation niya ay traydor siya. Hindi naman tama yun!"

Yun ba ang lalabas sa pelikula niya—ang katotohanan?

"Well, siyempre, pag pinakita mo ang tunay niyang pagkatao, lalabas na ang katotohanang yun. Bahala na ang viewers sa interpretation o pag-accept noon.

"Mali rin siguro ang sinasabi ko. Mahirap kasing huhusgahan mo agad ang project na hindi mo pa alam ang kakalabasan. Kasi, pag hinusgahan mo, ibig sabihin, hinusgahan mo na agad ang character nung tao. Kung ano yung misconception mo, yun na 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinatanong ako, 'Bakit mo gagawin ang pelikula, e, traydor 'yan? Bakit mo gagawan ng sine ang isang traydor o Makapili?' Medyo nagre-react ako doon. Gawin muna natin ang pelikula at saka nila panoorin bago manghusga."

THE RETURN. Sa kanyang pagbabalik-pelikula bilang direktor, hindi ba siya nalulula o nao-overwhelm sa laki ng pelikulang ito?

"Hindi naman siguro. Kasi, nandiyan ang budget. Mas malulula ako kung walang budget! Mas nakakalula yun!" tawa niya.

Bakit natagalan bago gumawa siya uli ng movie, as in after eight long years after?

"E, naging busy ako sa Cinemanila... Saka naging busy ako working with young directors. Naging busy ako sa pagbiyahe sa mga [international] film festivals.

"So, kumbaga, para akong nag-homework ulit. So, it was my own choice, yung process ko to learn again," sagot ni Direk Tikoy.

ASIONG SALONGA. Bukod sa El Presidente ay gagawin din ni Direk Tikoy ang remake ng Asiong Salonga, ang 1961 film na pinagbidahan ni dating Pangulong Erap Estrada. Ang gaganap sa updated version ay si Governor Jorge Estregan din, na pamangkin ni Erap.

"Exciting, actually!" bulalas ni Direk tungkol sa isa pa niyang ididirek na pelikula.

"I'm very excited sa both projects. Kasi yung Asiong Salonga, ang ganda rin ng kuwento at ang ganda ng character, e.

"Saka ang gagawin kong approach, medyo retro pero cutting-edge... I mean, yung 'now' ang approach. Pero it's a period film."

May say ba siya sa pagpili ng kanyang cast in both films?

"Sana naman," sabi niya. "Saka si Gov naman, he's so busy, hindi na makikialam 'yan sa cast."

Sa puntong ito ay inamin ni Direk Tikoy na ang "first choice" bilang director ng Aguinaldo epic bio ay si Jose Mari Avellana. Kaya hindi niya inaasahan na siya ang kukuning final director ng grupo ni Gov. Jorge Estregan.

"Actually, nag-usap na kami before and I told him na interesado ako sa Asiong Salonga. That was before. And then, binanggit niya ang Aguinaldo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko namang pasukan dahil may director na naka-attach [that time], e, si Jose Mari Avellana.

"Yung kay Asiong, maganda. Ang maganda ke Asyong, bagong approach naman ako na old material. Saka maganda yung character, anti-hero. Interesado ako sa mga anti-hero, e.

"I find them very complex and very interesting. E, kasi, siyempre, challenging yung material. Hindi likeable.

"For example, gagawa ako ng pelikula with Baron Geisler, lahat ng tao, titirahin ka kaagad. Pero kung tutuusin mo, si Baron Geisler, maganda ang kuwento niya. Puwedeng guilty siya, pero interesting.

"Ako, gagawin ko kung may offer na something like that. So, hindi porke hindi ka popular, o may ginawa kang kasalanan, complex pa rin si Aguinaldo and that makes him interesting," paliwanag ni Direk Tikoy.

GOV. VI AS THE WIFE. Inamin din ni Direk Tikoy na kinausap na rin ng grupo niya ang Star For All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto upang i-offer ang role ng isa sa mga asawa ni Aguinaldo.

Napapayag ba nila si Gov. Vilma?

"Hindi pa. Nag-usap na kami. Pero alam mo naman yun, superstar yun, e," sambit ni Direk.

Paano pag pumayag si Governor Vi?

"Oo naman. Ang experience ko kasi, kapag mas malaki ang star, mas medaling kausap, e. Mas mahusay. In terms of pagdirek mo, take one lahat yun.

"Si Governor Vilma, walang Take 2-Take 2, Take 1 'yan! Both the first and second wives, definitely, may interesting personal lives ang mga ito."

Si Iza Calzado na ba ang kukunin nila instead of Vilma, ayon sa usap-usapan?

"Kinu-consider din si Iza, pero iba pa rin siyempre pag nagka-casting ka na in front of the camera. Lalabas sa video. Iba ang lalabas sa screen, e.

"May gagawin kaming indie film ni Iza na pinaplano, horror-drama yun. That's our project together.

"Hindi pa rin maumpisahan, wala ring funding. Kasama niya ang isang Thai actor. Meeting pa lang kami. Principal photography namin ay bago mag-June. Bago mag-rainy season."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIE FILMS. Samantala, tila may confusion pa rin sa majority ng entertainment press tungkol sa tunay na kahulugan ng salitang "indie" o independent film, kumpara sa pelikulang produced ng isang major film studio, tulad ng Star Cinema, Viva Films, GMA Films, o Regal Entertainment.

"Sinabi ko nga na this film [El Presidente] is an epic indie, e. Saka yung Prey nga ni Brillante Mendoza, two million dollars [ang production budget], e," sabi ni Direk Tikoy tungkol sa Prey. (Pero hindi ito kinumpirma o idinenay ni Direk Dante sa hiwalay na interview sa kanya ng PEP.)

Patuloy ni Direk Tikoy, "Ang isang indie film kasi, ang definition talaga niyan, hindi gawa ng isang [major] studio. Ganoon lang kasimple yun. Pag hindi gawa ng studio, ibig sabihin, indie siya. Nasa atake yun.

"Kaya ang sabi ko nga, ang indie natin dito, yung approach rin. New blood. Dapat ang approach natin ay approach ng new blood [filmmaking], which you learn from the indies."

Ano ang nagbunsod sa kanya upang gawin ang El Presidente bilang comeback movie niya?

"Hindi, meron akong ginagawang isang indie film ngayon," paglilinaw niya. "Kaya lang, may sinimulan kaming concept noong 1997, then tinawagan ako ni Gov after a few years. Tamang-tama, maganda yung project. Who can turn down an Aguinaldo project?"

Malaki raw ang talent fee niya?

"Ay, hindi ko alam 'yan!" tawa niya. "Presyong kaibigan."

Sabi nila, wala raw suporta ang Philippine government sa local movie industry. Ito rin ang pinahayag na sentimiyento ni Governor Jorge sa presscon.

Bilang isang veteran director, ano ang masasabi rito ni Direk Tikoy?

"I think we should qualify that, e," buwelo niya. "Yung government support na 'yan. Kasi, meron tayong Film Development Council. Meron kang Film Ratings Board. Meron kang Film Fund. Meron kang NCCA [National Commission for Culture and the Arts]...

"Ang sinasabi kasi ni Gov, e, yung the kind of support na ibinibigay ng governments ng Korea and India sa kanilang movie industry. Iba yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat, ganoon. Unang-una, may quota system sila. Tayo, wala. Government yun, e.

"Pangalawa, may film fund from the government, both local and national. Sa Australia, meron ding gano'n.

"Yun siguro ang binabanggit ni Gov. Pero meron na sa atin na ano... Meron, kaya lang, kailangan dadaanin sa Congress, sa Senado....hanggang sa Presidente.

"Kailangan siguro, ang industry mismo ang mag-lobby. For example, yung Metro Manila Film Festival, magkano na ang napupunta sa movie industry? Bumabalik uli, e. Fifty percent sa Mowelfund... So, that's support," saad ni Direk Tikoy .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN