Enchong Dee refuses to reveal identity of showbiz person who makes him happy these days

IMAGE 0


Masaya ba si Enchong Dee sa kanyang lovelife? "Sobrang happy, kasi nga, sabi ko, parang, ngayon nga lang ako naging masaya, 'di ba? Tapos, a, masayang-masaya ako kasi kayo sumusuporta rin na hindi niyo pinipilit kung sino," saad niya.


Nagpaunlak ng panayam ang young actor na si Enchong Dee kaninang tanghali, March 3, sa launch ng bagong Jollibee Floats na ginanap sa TriNoma Mall, Quezon City.

Agad na napunta ang usapin sa isyu ng taong nagpapasaya kay Enchong Dee ngayon, na hindi niya pinapangalanan.

Nang tanungin kung "nagpu-float" ang kanyang lovelife sa ngayon, nagbigay agad ng disclaimer ang Kapamilya actor.

"Nagpo-float, pero uunahan ko na kayo. Kasi kung tatanong n'yo kung sino, hindi ko siyempre sasabihin. Pero masaya ako ngayon," ang mabilis niyang sagot.

Dahil dito, humingi ang press ng ilang clue, na noong una ay ayaw sabihin ni Enchong.

"Huwag na. Kakasabi ko lang na hindi puwede," sabi niya.

Hindi naglaon ay isa-isang nitong sinagot ang mga clue na binabato ng press.

Showbiz o non-showbiz?

"Showbiz."

Kapamilya o Kapuso?

"Kapamilya, siyempre."

Nakatrabaho na niya?

"Hindi."

Hindi naman napigilan ng press na itanong sa kanya kung ito ba ay si Kim Chiu o si Erich Gonzales, dalawang aktres na nali-link sa kanya ngayon.

Parehong "hindi" ang sagot ni Enchong.

NOT ERICH. Ayon kay Enchong, pinili na niyang sabihing may iba siyang nagugustuhan para na rin matigil na ang pagkakabit ng kanyang pangalan sa dalawang young actresses.

"Kasi, parang nadadawit si Kim, nadadawit si Erich. Parang andaming pangalang nadadawit. Para hindi na rin sila nasasama.

"Kumbaga, may sariling buhay sila, e. 'Wag na natin silang guluhin din. 'Wag na nilang ihalo yung kay Enchong," pakiusap ng young actor.

Ayon sa kanya, makakatrabaho niya si Erich sa susunod niyang soap na Maria del Barrio, pero hindi ibig sabihin sila na sa totoong buhay.

Gayunpaman, alam ni Enchong na hindi maaapektuhan ang team-up nila ni Erich.

"Kasi siguro, sabi ko nga dun sa mga fans ko, hindi naman namin ever sinabi ni Erich na we're very, very good friends and we support each other whatever it is. So, I didn't think naman na maapektuhan," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT KIM. Hindi rin daw totoo na si Kim na ang kanyang nagugustuhan. Aniya, tinulungan niya pa ngang ipakilala ang basketball player na si Simon Atkins kay Kim.

"Tapos, may nagsabi pa sa akin, ako ba raw yung nag-link sa kanilang dalawa. Sabi ko, nag-message lang si Simon, nag-email lang, tapos sabi niya nga na yun, gusto niya nga si Kim. Sabi ko, okay. No problem naman," kuwento ni Enchong.

Ano na ba ang status ng Simon-Kim romance?

"Ay, hindi ko alam," sagot ni Enchong. "Kasi ever since umalis yun papuntang Dubai, hindi ko na rin nakita si Kim after pumutok yung isyu... Pagdating kasi sa lovelife, as much as possible, dapat, personal yun, e! So dapat, layo-layo lang ako."

Inamin naman ni Enchong na lumalabas naman talaga sila ni Kim minsan, pero kasama raw nila ang mga kaibigan.

"Bibihira lang kaming lumabas, tapos kapag nakikita pa kami, naiisyu pa. Kahit grupo pa. So, uunahan ko na, wala naman talaga. We're very, very good friends.

"Oo, dati, may admiration. Kasi, sabi ko nga, tanungin mo kahit sino dito sa TriNoMa kung sino ang may gusto kay Kim, lahat 'yan magsasabi na may admiration sila kay Kim. So, I'm just one of them," sabi ni Enchong.

DA WHO? Kung hindi si Kim o si Erich ang nagugustuhan ni Enchong sa ngayon, sino kaya siya? Tikom pa rin ang bibig ni Enchong tungkol dito.

Ano ba ang nagustuhan ni Enchong sa tinutukoy niya?

"Simple," maikli niyang sagot.

Ilang taon na silang magkakilala?

"Matagal ko na siyang kilala. Last year pa."

Nagde-date ba sila?

"Ahm, oo, lumalabas-labas kami minsan, pero ano, siyempre, mas tahimik para maprotektahan yung private life namin. Siyempre, mas yun kami-kami lang," sagot nito.

Ano na ang status nila ngayon?

"Hindi pa kami," sagot ng young actor.

Huling tanong: masaya ba siya sa kanyang lovelife?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang happy, kasi nga, sabi ko, parang ngayon nga lang ako naging masaya, di ba? Tapos, masayang-masaya ako kasi kayo sumusuporta rin na hindi n'yo pinipilit kung sino," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN