Celebrities complete 14-day Culinary Arts Program

IMAGE 0


(From Left) Puey Quiñones, Sam Oh, Tuesday Vargas, Chef Jonnathan Paul Em, IC Mendoza, and Toffee Calma. The showbiz personalities have proudly graduated from their 14-day Culinary Arts Program which was held last June 10, at Global City Innovative College, Taguig City.


Ang Culinary Arts ay isa sa mga kursong pinagkakainteresan ng mga artista.

Isa ito sa mga unang hakbang nila para sa pagtatayo ng isang food business, na magsisilbing investment nila.

Noong June 10 ay naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa simpleng graduation rites ng ilang mga artistang nagtapos ng Fundamentals in Culinary Arts Program, sa Global City Innovative College.

Apat na artista at isang fashion designer ang nakatanggap ng Certificate of Accomplishment para sa Culinary Arts program na ito. Sila'y sina Tuesday Vargas, IC Mendoza, Sam Oh, Toffee Calma at Puey Quiñones.

Pero dahil sa busy schedule nila, ang dapat fourteen days lang ay umabot ng halos isang taon para kanilang matapos.

Sa labing-apat na araw na iyon, tinuruan sila ng mga basic skills and techniques sa pagluluto, at paghahanda ng iba't ibang cuisine katulad ng American, Italian, at Korean.

Pero ngayong graduation day nila, bawat isa sa kanila ay naghanda ng sariling recipe, kung saan ginamit nila ang natutunan nila sa loob ng labing-apat na araw.

TUESDAY VARGAS. Ang kilalang resident judge sa TV5 talent show na Talentadong Pinoy ay isa sa mga nagtapos sa kursong ito.

Sa araw ng kanyang pagtatapos, ang Filipino dish na kare- kare ang inihanda ni Tuesday. Medyo nahirapan pa nga daw siya dahil matagal palambutin ang sahog ng kanyang recipe.

Ganunpaman, ganado siyang nagluto, lalo pa't nandoon ang kanyang asawang si Jerico "Coy" Placido, ang gitarista ng bandang Session Road.

Katulad ng ibang mga nagtapos, Setyembre ng nakaraang taon din nang mag- enrol si Tuesday Vargas.

Kilala man sa kanyang pagiging makulit at galing sa pagpapatawa, seryoso daw si Tuesday na ipagpatuloy ang nasimulang kurso.

Kumuha na siya ng 8-months Diploma Program in Culinary Arts sa nasabing eskwelahan.

Kuwento pa ni JB Bolaños, Head ng Marketing Department ng GCIC, personal pa na pumunta si Tuesday sa kanilang opisina para sabihin na gusto niyang ipagpatuloy ang nasimulang kurso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IC MENDOZA. Ang kanyang limitadong kaalaman sa kusina ang dahilan ng Juicy! Host na si IC Mendoza para mag-take ng 14-day program na ito.

Pinagmamalaking sinabi ni IC na isang Indonesian recipe ang kanyang niluto, ang Pork Satay. Hindi raw naging madali ang paghahanda nito dahil dapat balanse ang mga spices na nilalagay dito.

Ang Pork Satay, ay parang luto ng pork barbecue, yun nga lang ay mas malasa ang marinade na ginamit dito.

Kuwento ni IC, simpleng pagluluto lang daw ng itlog ang alam niyang gawin sa kusina noon. Pero ngayon daw na tapos na siya sa program na ito, hindi na siya takot na mag- experiment sa paghahanda ng pagkain.

Dagdag pa niya, ang matagal na niyang pangarap na restaurant ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang kunin ng kursong ito.

SAM OH. Ang host ng dalawang cooking show niya noon sa Q TV-11, ang Sarap at Home, at Delicioso, ay isa rin sa mga nagtapos nang araw na iyon.

Indonesian recipe din ang inihanda ni Sam, ang Chicken Satay with Peanut Sauce.

Ito ay parang grilled chicken strips na may marinade, at may malasang peanut dip on the side.

Kahit noon pa raw ay mahilig na sa pagkain si Sam, sa impluwensya ng kanyang nanay.

Kaya naman ang hilig niya sa pagkain at ang dati niyang mga cooking show ang sinasabi niyang dahilan kung bakit siya pumasok sa program na ito.

TOFFEE CALMA. Ang dating actor na si Toffe Calma ay seryoso sa pagkuha ng culinary arts.

Para sa kanyang graduation, naghanda si Toffe ng isang Indian dish, ang Kerala. Ito ay putahe na may sauce, na puwedeng gamitan ng beef or pork.

Ayon kay Toffee, gusto rin niyang magtayo ng isang restaurant. Kaya naman nagpa-plano na itong magpatuloy sa 8-month diploma program in Culinary Arts sa nasabing school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad kasi ni Tuesday Vargas, nag-enjoy din si Toffee sa mga cooking lessons niya, at gusto din daw kasi niyang mag-aral ng baking.

PUEY QUIÑONES. Ang fashion designer na si Puey Quiñones ay kasama ng ibang mga artista na nag-take ng 14-day program.

Inamin niyang ang pagluluto ang first love niya, bago pa man ang fashion designing.

Dagdag pa niya, halos magkapareho lang naman daw ang fashion at cooking. Kailangan coordinated ang lahat ng mga bagay para maging maganda ang kalalabasan nito.

Una ay one-on-one cooking lesson ang kunukuha ni Puey, pero nang mag-enrol ang ibang mga celebrities, naisipan na niyang sumama sa klase nila para magkaroon siya ng kasabay na mag-aral.

Matapaos ang kontrobersyal na "fashion scam," abala na si Puey sa kanyang bagong labas na collection na pinangalanan niyang "Journey."

Plano din niyang magtayo ng restaurant na may malaking food variety, na maaring pagpilian ng mga tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN