Carlene Aguilar expecting her first child with husband Yo Ocampo

IMAGE 0


Actress and former beauty queen Carlene Aguilar is now two months pregnant with her first child with husband Yo Ocampo. This is the second baby for Carlene, who has a love child with former boyfriend Dennis Trillo.


Kurpimadong magdadalawang-buwang buntis na si Carlene Aguilar sa kanyang asawang si Yo Ocampo. Magdadalawang taon nang kasal sina Carlene at Yo.

Sabi ng aktres at dating beauty queen, okay lang na mabuntis siya ngayon dahil nakahanda na rin naman daw ang panganay niyang anak na si Calix Andreas na magkaroon ng kapatid.

Si Calix ay anak ni Carlene sa ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Medyo hirap lang daw si Carlene ngayon sa kanyang paglilihi kung ikumpara sa una niyang pagbubuntis dahil napapadalas daw ang pagsusuka niya.

Isang linggo rin muna siyang pinagpahinga ng doktor dahil sa maselan niyang kalagayan. Pero okay na raw siya ngayon at puwede pa naman daw siyang magtrabaho.

Kasama sa telefantasya ng ABS-CBN na Mutya si Carlene at pinayagan naman daw siya ng doktor na ituloy pa rin ang pagtatrabaho.

Pero kung si Yo ang masusunod, gusto na raw sana niyang magpahinga na muna si Carlene para matiyak lang na safe ang kanyang pagbubuntis.

Pero ayaw naman ng aktres na matengga lang sa bahay na walang ginagawa. Kaya pa naman daw niyang magtrabaho, at hindi pa naman daw halata ang kanyang pagbubuntis.

CHANGING NAMES. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Carlene kung alam na ba ni Dennis ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Ang pagkakaalam niya ay aware na ang aktor, pero hindi na raw nila ito pinaguusapan.

Nabanggit kasi noon ni Carlene na pinagiisipan nitong palitan na ang apelyido ni Calix at gagawin na itong Ocampo. Pero kaagad itong kinontra ni Dennis.

Ang inaalala lang daw ng dating Bb. Pilipinas-World ay baka magtatanong pa raw si Calix kung bakit iba ang kanyang apelyido sa kanyang kapatid. Kaya para hindi na magulo, ipareho na lang ito sa kanilang apelyido at i-drop na ang apelyidong Ho ni Dennis.

Pero iba na ang desisyon ngayon ni Carlene. Hindi na raw niya ito babaguhin para hindi na nila ito pagtatalunan pa ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para na lang kay Calix, balak niyang lagyan ng pangalang Andrea kung sakaling baby girl ang kanyang ipinagbubuntis para sunod pa rin sa buong pangalan ng kanyang panganay na Calix Andreas.

Kung sakaling baby boy naman ito, lagyan pa rin daw niya ng Andreas para maramdaman daw ni Calix na kapatid niya talaga ito kahit magkaiba sila ng apelyido.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN