Jackie Rice finally plunges into stardom via Sisid

IMAGE 0


After being shelved for a few months, Sisid finally sails through after its lead star Jackie Rice (in photo) fulfills swimming requirement for her role.


Tuloy na tuloy na ang napabalitang shelved project ni Jackie Rice sa GMA-7, ang afternoon soap na Sisid.

"Tuloy na tuloy! Happy, happy siyempre, panibagong project," sambit ni Jackie sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon, March 5.

Bakit nga ba hindi natuloy noon ang Sisid?

"Sabi nila, parang hihintayin muna nila na magkaroon ako ng confidence bago talaga i-push, di ba? Ayaw naman nila siyempre...hindi naman sila magsasayang ng pera sa hindi talaga alam yung ginagawa," sagot ng StarStruck 3 winner.

Ang napabalitang problema ay ang kakulangan pa sa kaalaman ni Jackie na lumangoy. Sa Sisid kasi ay nire-require ang magandang young star na magkaroon ng maraming swimming sequences.

"Hindi talaga ako marunong lumangoy, pero ngayon marunong na ako," sabi niya.

Kakailanganin nga rin ba na magpaseksi nang husto si Jackie sa naturang project?

"Kung 'yon naman ang hinihingi nila, pero wala naman silang sinasabing ganun," sagot niya.

JACKIE'S CO-STARS. Bukod kay Jackie, kasama rin sa Sisid sina JC Tiuseco, Ian Batherson, at Dominic Roco bilang mga leading men niya; at si Rich Asuncion at ang nagbabalik na si LJ Reyes bilang mga kontrabida niya.

Masaya rin sina JC at Ian na matutuloy na ang Sisid.

Ani JC, "Kasi at least nakapag-prepare kami ng sarili namin, yung gusto namin na body weight namin, makukuha namin. At least pag start ng show, okay na kami, prepared kami, 'tsaka we've done workshops na rin."

Isa pang espesyal sa Sisid ay first time na magkakasama sa isang proyekto ang mag-amang Bembol at Dominic Roco.

"I'm really looking forward to this opportunity and, di ba, do some impact on the show," pahayag ni Bembol.

Sabi naman ni Dominic, "Finally! Excited na rin kasi makakatrabaho ko ang idol ko, my mentor, kaya ayun, very excited. Alam ko marami siyang maituturo sa akin, at least alam ko I'm in good hands."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rich ang lalabas na kontrabida sa buhay ni Jackie sa Sisid.

"This time, talagang tuluy-tuloy na yung pag-categorize sa akin as kontrabida," sabi niya.

Sabi naman ni LJ sa kanyang kontrabida role: "Yung craft kasi pag kontrabida ka, iba, e. 'Tsaka ako rin naman ang nag-request na gusto ko mas challenging na yung role."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN