LJ Reyes returns to work after giving birth to her child with Paulo Avelino

IMAGE 0


Young actress LJ Reyes will soon return to television via a kontrabida role in the upcoming afternoon series Sisid.


Sa pagbabalik-showbiz ni LJ Reyes pagkatapos niyang isilang ang anak nila ng boyfriend niyang si Paulo Avelino na si Aki ay may bago na rin siyang manager.

Kasama na siya sa pool of talents ng PPL Entertainment Inc., na pinamamahalaan ni Perry Lansigan. Magkasunod lang silang pumirma ng isa pang bagong talent ni Perry na si Wendell Ramos.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay LJ sa pamamagitan ng text ay sinabi nitong masayang-masaya siya na tinanggap siya ni Perry bilang alaga.

Ayon pa sa StarStruck alumna, gusto naman niyang subukan na may ibang manager since from the beginning ay ang GMA Artist Center ang humawak ng kanyang showbiz career.

"Tapos na kasi yung contract ko sa Artist Center so, ako naman, parang gusto ko namang subukan or mag-try ng iba," sabi ni LJ. "Nagpapasalamat naman ako na pumayag naman si Kuya Perry na i-manage ako.

"So far, hindi ko pa alam kung ano ang mga magiging plano niya for me, sa career ko, kasi kaka-sign ko pa lang naman. Idi-discuss pa namin yun for sure. But knowing Kuya Perry, baka i-surprise na lang ako niyan."


GOING SEXY? Ang unang project ni LJ sa pagbabalik-showbiz niya ngayong isa na siyang ganap na ina ay ang afternoon soap na Sisid, na pagbibidahan ni Jackie Rice. May pagkaseksi ang tema ng soap kunsaan si LJ ang magiging main kontrabida ni Jackie.

Simula na ba ito ng pagpapaka-daring niya, lalo pa nga't hindi na nasundan ang daring move niya simula nang mag-cover girl siya sa FHM?

"Siguro!" sagot ni LJ. "Kasi, the project itself daw, as Direk Ricky Davao told us, is very sexy and intimate. Kaya lahat daw kami, kailangang magpa-sexy sa show."

Hindi naman mahihirapan sa aspetong ito si LJ. Kung titingnan kasi siya ngayon ay para siyang hindi nanganak. Mas sexy pa yata siya ngayon kumpara noong hindi pa siya nabubuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EAGER TO WORK. Na-miss raw ni LJ ang pag-arte kaya very eager siyang mag-taping ulit at makabalik sa trabaho. Pero alam daw niyang kapalit nito ay mababawasan ang oras niya sa anak nila ni Paulo.

Pero aniya, "Naku, wala naman po yatang magulang ang kayang iwan ang anak. Pero, baka magutom kami kung hindi ako magwo-work! Joke lang!

"Hindi ko naman talaga siya iiwan. Kapag may chance na isama ko siya kahit sa taping, isasama ko siguro si Aki. Or kapag si Paulo naman ang walang work, siya naman ang in-charge."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN