Mo Twister breaks down over relationship problems with Rhian Ramos; regrets Twitter posts

IMAGE 0


"Wala naman tayong away na, like third party o misunderstanding, na parang maraming bagay dito sa... May kasalanan ako...may kasalanan din siya... I regret yung mga nasabi namin sa Twitter," says Mo Twister about current status of his relationship with Rhian Ramos.



Hindi sumipot si Mo Twister sa kanyang radio program at sa daily showbiz talk show ng TV5 na Juicy! Express kahapon, May 4, dahil sa mabigat na pinagdadaanan ng relasyon nila ng kanyang rumored girlfriend na si Rhian Ramos.

Nalaman ng publiko ang tungkol sa pinagdadaanan nina Mo at Rhian dahil sa palitan nila ng mga pahayag sa Twitter kahapon. (CLICK HERE to read related story.)

Base sa tweets nila ay tila may pinag-awayan ang dalawa, kaya ang akala ng iba ay nag-break na sila. Ito ay sa kabila na hindi naman talaga nila inamin sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Noong Marso ay "exclusively dating" ang tawag nina Mo at Rhian sa kanilang relasyon. May pahayag pa nga si Rhian na nagde-date sila ni Mo, pero hindi pa raw niya ito sinasagot. (CLICK HERE to read related story.)

EMOTIONAL MO. Kaninang umaga, May 5, nagpakita si DJ Mo sa live telecast ng Juicy! Express. Hindi niya naitago ang matinding lungkot na nararamdaman.

Halata sa mga mata ni DJ Mo na nanggaling siya sa pag-iyak, isang bagay na kinumpirma ng mga tao sa studio at ng co-host niyang si Cristy Fermin.

Ayon sa mga saksi, iyak nang iyak si Mo bago nagsimula kanina ang kanilang programa.

Binigyan ng pagkakataon si Mo na magsalita tungkol sa nangyayari sa relasyon nila ni Rhian.

Pero hindi masyadong naintindihan ang kanyang mga sinasabi. Bukod sa nababasag na boses, pigil na pigil ang pagluha ng dating masayahin na TV host.

"This one, I don't know...medyo na-loss lang ako for words. Alam mo, you guys know naman how much si Rhian...

"Never naman akong nag-lunch kasama kayo, di ba?" ang simulang pahayag ni Mo.

Pero bigla siyang sinalo ni Cristy bago pa tuluyang pumatak ang kanyang luha.

Kuwento ni Cristy, "Kanina po mga kapatid, pinasok ko siya sa kanyang dressing room. Kasi alam ko talaga na wasak na wasak ang kanyang puso ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa lang ang tinanong ko sa kanya: 'Anak, kumusta ka na?'

"Hindi na siya nakapagpigil ng kanyang emosyon, at alam po namin dito sa Juicy kung gaano kahalaga si Rhian Ramos sa puso ni Mo Twister."

Tumanggi naman si Mo na sagutin ang tanong ng isa pa nilang co-host na si Alex Gonzaga tungkol sa malaking problema sa relasyon nila ni Rhian.

Pero inamin niya na may "pressure" at "torture" siya na nararamdaman.

"I don't wanna talk. I dunno what happened. Maraming mga bagay...

"Siguro sabihin na lang natin na si... I dunno...

"Yeah, we still talk and okay naman... May pressure...

"In this business sa...siguro maraming mga isyu.

"Tingnan na lang natin kung maayos

"I'm not very good. Torture...

"You guys know naman nag-aaya kayo ng lunch, hindi naman ako sumasama sa inyo," muling nabasag ang boses ni Mo sa puntong ito.

Sabi naman ni Cristy, "Aminin mo, si Rhian ang mundo mo."

"Yeah, of course, parang....she's really a good person.

"Wala naman tayong away na, like third party o misunderstanding, na parang maraming bagay dito sa...

"May kasalanan ako...may kasalanan din siya...

"I regret yung mga nasabi namin sa Twitter."

Muling sumingit si Cristy sa puntong ito.

Aniya, "Kung hindi po namin kilala si DJ Mo Twister, kung paano magmahal.

"Balewala lang dapat ito, e. Pero alam namin na bumuo na siya ng sariling mundo nila ni Rhian kaya ang sakit-sakit talaga ng nangyaring ito.

"Sana magkasundo pa rin kayo, sana magkaayos kayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN