Three sons of the late Flor Contemplacion sentenced to life imprisonment for drug pushing

IMAGE 0


The sons of Flor Contemplacion, the Filipino domestic helper executed in Singapore for murder in 1995, were sentenced by a San Pablo, Laguna judge to life imprisonment after they were found guilty of drug pushing.



Life imprisonment at pagbabayad ng kalahating milyong piso ang hatol ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 32 kay Sandrex Contemplacion, 37, at sa kanyang kambal na kapatid na sina Junjun at Joel, 30 anyos.

Ang tatlo ay mga anak ni Flor Contemplacion, ang Filipino domestic helper na binitay sa Singapore noong March 17, 1995, dahil sa pagpaslang niya sa kapwa domestic helper na si Delia Maga at sa alaga nito, ang 4-year-old Singaporean boy na si Nicholas Huang.

Napatunayan ng korte na nilabag ng tatlong magkakapatid ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot noong October 2005 sa kanilang lugar sa Barangay Isabel, San Pablo City.

Nakakulong din sa San Pablo City Jail ang asawa ni Flor na si Efren at ang live-in partner nito na si Violeta dahil din sa drug pushing. Nadakip si Efren noong nakaraang taon.

Iniutos ng korte na ilipat ang Contemplacion brothers sa New Bilibid Prisons, pero maaari nilang iapela ang kanilang kaso.

Malaking balita noong 1995 ang pagbitay kay Flor Contemplacion dahil pinaniwalaan ng mga Pilipino ang kanyang depensa na hindi siya ang pumatay kay Delia at sa alaga nito, pero napatunayan ng mga imbestigador sa Singapore na si Contemplacion ang may kagagawan ng krimen.

Isinapelikula ng Viva Films ang life story ni Flor at ang superstar na si Nora Aunor ang gumanap sa kanyang katauhan. Nagkaroon ng special participation sa pelikula ang kambal na anak ni Flor. Ginampanan nina Joel at Junjun ang kanilang mga sarili.

Si Ian de Leon naman ang gumanap sa papel noon ni Sandrex.

Si Nora ang nanalo ng Best Actress award sa Cairo International Film Festival noong 1995 para sa pagganap niya bilang Flor Contemplacion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN