Rochelle Pangilinan gets out of SexBomb and Joy Cancio's management

IMAGE 0


"Maayos kami hanggang ngayon. Walang nangyaring masama sa amin ni Ate Joy, maayos ang relationship namin. So, walang dapat makasira doon," says Rochelle Pangilinan about cutting ties with talent manager Joy Cancio.


Kumalas na si Rochelle Pangilinan sa all-female dance group na SexBomb at sa manager nitong si Joy Cancio.

"Actually, dati pa, kaya lang hindi lang namin nilabas kasi meron kaming respetuhan ni Ate Joy," sabi ni Rochelle sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central kahapon, March 13.

Ano ang nagtulak kay Rochelle na kumalas sa kanyang manager ng mahigit 10 taon?

"Maayos kami hanggang ngayon," paglilinaw ng dancer-actress. "Walang nangyaring masama sa amin ni Ate Joy, maayos ang relationship namin. So, walang dapat makasira doon."

AMAYA. Mukhang handang-handa na talaga si Rochelle na mag-move on, lalo na't may unang proyekto na siya sa labas ng poder ni Joy. Kasama siya sa cast ng epic series ng GMA-7 na Amaya, kung saan gagampanan niya ang role ng kapatid ni Marian Rivera na gumaganap naman sa title role.

"First time ko ito, e, na main cast kaagad," banggit ni Rochelle. "Kasama ako sa storycon, kasama ako sa mga ganitong event.

"So, ito yung first project na ibinigay sa akin ng GMA na kasali ako, yung ganun, hindi na lang basta pumasok. Kasi iba ito, e.

"So, double effort yung ginagawa ng mga staff ng GMA. Big project ito, so hindi rin naman kami basta papayag na ito lang ang maibibigay namin. Siyempre, lahat din ng effort, ibibigay din namin."

NEW HOUSE. Bukod sa malaking project na ito, isa pa raw sa mga ipinagpapasalamat ni Rochelle ngayon ay ang pagkakabili niya ng bagong bahay.

Kaso nga lang, may intriga agad na dito raw sila magli-live in ng kanyang non-showbiz boyfriend. Intrigang agad namang nilinaw ni Rochelle.

"Pero sa akin, okay lang naman na magkaroon ng isyung ganyan. Kasi ano naman, e, kasama na 'yan sa artista, di ba?

"Kung wala ka namang dyowa, single ka, bigay ng DOM. O kaya... Ewan ko kung paano... 'Rumaraket kasi 'yan ng ganito, ng ganyan!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hayaan mo na lang 'yan kasi basta ako, malinis ang konsiyensiya ko. Pinundar kong mag-isa yung bahay, sa pawis, dugo... Alam mo yun ? So, puyat, gumagasgas yung laman ko sa Party Pilipinas, sa stage.

"Sariling pagod ko yun, sariling effort with prayers. Kaya sa akin, achievement 'yon para sa akin," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN