Anne Curtis on her upcoming album: "Thirteen years na 'ko sa inyo [Viva], it's time!"

IMAGE 0


Actress-host Anne Curtis (center) signed a movie contract with Viva Entertainment Inc., yesterday, March 10, at the company's head office in Pasig City. Viva top honcho Vic del Rosario Jr. (left) and Viva Artists Agency Inc. general manager Veronique del Rosario-Corpus (right) were both on hand during the contract signing.


Muling pinagtibay ng Viva Entertainment Inc. at ni Anne Curtis ang kanilang samahan matapos na pumirma ang actress-host ng movie contract kahapon, March 10, sa opisina ng nasabing kumpanya na matatagpuan sa Philippine Stock Exchange Centre sa Pasig City.

Present during the contract signing ang Viva big boss na si Vic del Rosario Jr. at ang Viva Artists Agency Inc. general manager na si Veronique del Rosario-Corpus.

Matagal nang talent si Anne ng Viva Entertainment. Sa katunayan, tinawag pa nga siyang "the most loyal artist" ni Boss Vic habang nagaganap ang pirmahan ng kontrata.

"I've been with them for so long, since I was 12 years old. So, talagang no plans of leaving—forever Viva na ako," masayang sabi ni Anne sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters.

Pamilya na kung ituring ni Anne ang Viva at malinaw pa sa kanyang alaala ang mga salitang binitawan ni Boss Vic sa kanyang ama ilang taon na ang nakararaan.

"Sila na 'yong parang family ko dito sa Philippines from the moment I arrived and nag-start na ako [sa showbiz]. One of the things that my dad always told me, 'yong nag-sign kami ng contract and Boss Vic was also there, 'In five years sir, we will make your daughter a star.'

"Sabi ng daddy ko, 'I have no regrets with you taking this path,' and Boss Vic was always true to his words.'"

RECORDING ARTIST. Masaya si Anne dahil garantisadong patuloy pa rin siyang mapapanood ng kanyang mga tagahanga sa pelikula matapos ang recent film projects niya katulad ng Babe, I Love You, In Your Eyes, Petrang Kabayo, at ang still showing na Who's That Girl?

Napagkasunduan na iba't ibang tema ng proyekto ang gagawin ni Anne para nga naman maipamalas niya nang lubos ang kanyang talento sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May drama, may comedy... So excited ako kasi at least I got to play around. In Showtime, nakikita ninyo 'yong totoong ako. Dito sa movies, I'm given roles that are challenging," paliwanag ng Filipino-Australian actress-host.

Kung excited si Anne para sa mga pelikulang kanyang gagawin, dobleng kasiyahan naman ang kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay tuloy na tuloy na ang paggawa niya ng kanyang debut album under Viva Records.

"Pinag-usapan na namin 'yong mga kanta sa album—kung ilang songs 'tsaka 'yong extra surprise na kasama sa album," sabi ni Anne.

Magiging special guest ni Anne sa isang kanta na kasama sa album ang kanyang ex-boyfriend na si Sam Milby

"Pero of course I have to write a formal letter coursed to his management to see if it will be allowed. Hopefully, payagan siya. Pero may isa akong pasabog na dapat ninyong abangan."

Magkakaroon kaya ng participation ang Showtime co-host ni Anne na si Vice Ganda sa album?

"Alam ko si Vice kasi magkaka-album na sarili," sagot ni Anne. "So, unahan na lang kami!"

Natatawang dugtong ni Anne, "Magkaiba kasi kami ng genre. Ako walang genre, siya meron! Ako kasi iba-ibang kanta so walang genre. Si Vice alam ko talagang mauuna siya kasi malapit na siyang matapos mag-recording."

PERSONAL REQUEST. Walang balak si Anne na mag-invite ng madaming guest artists sa kanyang album dahil "limited" lang naman daw ang mga awitin mapapabilang sa kanyang CD.

"Iilan lang ang songs ko kaya kung pupuwede gusto ko na marami rin ang solo ko!" natatawang sabi ni Anne.

Dagdag niya, "Ang pinili kong songs talaga is 'yong bagay sa akin. 'Yong alam kong makaka-relate 'yong mga tao and songs that I grew up with."

Magsisilbing vocal coach ni Anne ang magaling na singer na si Moy Ortiz na miyembro ng sikat na vocal group na The Company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bawal na 'kong uminom ng malamig na tubig!" biro ni Anne.

On a more serious note ay sinabi ni Anne na handa siyang makinig at matuto habang nasa loob ng recording studio.

"Hindi naman ako puwedeng sumabak lang. Kailangan ko ng professional na magtuturo sa akin."

Aminado si Anne na personal request niya sa Viva management na bigyan siya ng album. Nagbunga naman ang paglalambing ng actress-host sa kanyang mga handlers dahil pumayag ang mga ito at agad na inasikaso ang mga detalye para makapagsimula na ng recording si Anne.

"Ako ang nag-suggest—maging honest na tayo," diretsang pahayag ni Anne na nagdulot ng halakhak sa mga reporters.

"In all fairness 'yong sinabi ko, tinanong lang ako ni Ate VR [Veronique] 'Serious ka ba?' Sabi ko, 'Opo, serious ako. Thirteen years na 'ko sa inyo, it's time!' Pinaalam niya kay Boss Vic at 'yon din daw ang tanong, 'Serious ba siya?' After nun, pumayag na siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN