Japan earthquake becomes hot topic at MMFF appreciation dinner

IMAGE 0


"Nanlumo ako sa nakita ko. Nakakakilabot!" was comedienne Ai-Ai delas Alas's reaction upon seeing scenes from the catastrophic earthquake that hit Japan yesterday, March 11.


Ang magnitude 8.9 earthquake sa Japan na nagresulta sa tsunami alert sa maraming bansa ang biggest news kahapon, March 11.

Ikinabigla ng buong mundo ang malakas na lindol na yumanig sa Japan at nagdulot ng malaking pinsala dahil sa biglang pagbaha, pagkasira ng mga ari-arian, sunog, at kumitil ng hindi pa matukoy na bilang ng buhay.

Naramdaman sa maraming lugar sa Japan, tulad sa Osaka, ang malakas na lindol.

Kasalukuyang ipinapalabas sa isang sinehan ang Liberacion nang maramdaman ng manonood ang malakas na paggalaw ng paligid. Ang Liberacion ang entry sa Osaka Asian Film Festival ng direktor na si Adolf Alix Jr. at bida sa pelikula ang Japanese actor na si Jacky Woo.

Nasa Fukushima, Japan naman ang buong Philippine football team, ang Azkals, nang maganap ang napakalakas na lindol.

Ipinaabot ng team captain ng Azkals na si Aly Borromeo sa pamamagitan ng Twitter na ligtas naman sila dahil malayo sila sa coastline. Katatapos lang daw nilang maglaro kaya ang akala nila ay nahilo lang sila dahil sa practice.

Nasa Japan ang Azkals para sa training sa nalalapit na laban nila kontra Mongolia.

MMFF APPRECIATION DINNER. Ang naganap na lindol at tsunami alert sa Pilipinas ang pinag-usapan kagabi sa appreciation dinner ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2010.

Dumalo sa appreciation dinner sina Ai-Ai delas Alas, Eugene Domingo, at Zsa Zsa Padilla para personal na tanggapin ang pera na kabilang sa mga premyo na kanilang napanalunan sa MMFF Awards noong nakaraang taon.

Si Ai-Ai ang nanalong best actress, at best supporting actress winner naman si Eugene para sa pelikulang Ang Tanging Ina Mo. Hindi nakadalo si Mang Dolphy, ang best actor (for Father Jejemon) at best supporting actor (for Rosario) winner, kaya ang kanyang long-time companion na si Zsa Zsa Padilla ang nag-represent sa Comedy King.

Ayon kay Ai-Ai, 50 percent lamang ng cash prize ang matatanggap ng mga nagwagi kung hindi sila dadalo sa appreciation dinner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nanlumo ako sa nakita ko. Nakakakilabot!" ang reaksiyon ni Ai-Ai nang tanungin siya tungkol sa malakas na lindol sa Japan.

Aniya, "Magdasal tayo. May awa ang Diyos at sabi ni Fatima Soriano, message ni Mama Mary na poproteksyunan niya ang Pilipinas, ang lahat ng barrio at city. Magtika tayo ngayong Lenten season."

Si Fatima ang bulag na dalagita na Marian devotee at malakas ang pananalig sa Diyos. Regular na napapakinggan si Fatima at ang kanyang mga gospel songs sa radio program ni Bro. Jun Banaag sa dzMM.

Si MMDA Chairman Francis Tolentino ang naghatid ng welcome speech sa appreciation dinner ng MMFF dahil isa ito sa mga proyekto ng nabanggit na government agency.

May kinalaman pa rin sa lindol at tsunami ang speech ni Chairman Tolentino. Ikinagulat at kinilabutan ang mga tao sa nasabing event nang sabihin ni Chairman Tolentino na walang kakayahan ang Metro Manila na makaligtas sa lindol kung sakaling mangyari rito ang magnitude 8.9 earthquake.

Nakaramdam ng takot ang mga bisita sa mga pahayag ni Chairman Tolentino dahil bukod sa sariwa pa sa kanilang mga isip ang mga eksena sa video ng Japan quake catastrophe, ginanap sa roofdeck ng mataas na EMAR condo building sa Mandaluyong ang appreciation dinner ng MMDA para sa MMFF.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN