Miriam Quiambao is back in the dating game: "You know, I'm really taking my time to make friends with guys."

IMAGE 0


Gaano katagal na bang loveless si Miriam Quiambao? "Hindi naman ako loveless, nandiyan naman si God. Boyfriend? Ahmm... siguro officially, mga July last year," she says.


Maraming nakapansin na glowing si Miriam Quiambao sa nakaraang press presentation para sa 40 official candidates ng Bb. Pilipinas 2011 noong March 8 sa Sofitel Hotel.

Naimbitahan si Miriam sa press launch dahil naging Bb. Pilipinas ito at nag-first runner-up pa sa Miss Universe pageant noong 1999.

Kahit nandoon ang ibang mga beauty queens gaya nina Precious Lara Quigaman at Maggie Wilson, lutang na lutang pa rin ang beauty ni Miriam.

Nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Sofitel Hotel kung saan ginanap ang press launch, kinamusta namin ang kanyang love life.

"Okey naman," nakangiti niyang tugon. "You know, I'm really taking my time to make friends with guys."

Foreigner ba ulit ang mga nanliligaw sa kanya?

"Ahmm, merong foreigner, may Pinoy," saad niya.

Pero wala raw siyang date nung Valentine's Day kundi ang sarili niyang pamilya.

"Gusto ko kasama ko nung time na yun ang pamilya ko. Siyempre, alangan namang pumili ako sa mga dini-date ko. Baka sabihin nila may someone special agad, di ba?

"So, family muna," patuloy niya.

Tumanggi si Miriam na magsabi kung ilan ang umaaligid sa kanyang mga boys, pero ayon sa kanya, higit sa isa ang kanyang dini-date ngayon.

Mukhang naka-recover na siya matapos makipaghiwalay sa asawang foreigner, ang Italian businessman na si Claudio Rondenelli. Nagsama din sila ng dalawang taon.

"Of course, in the beginning there's trauma but you know by the grace of God, binago, hineal ng God yung pag-iisip ko, tinanggal niya yung mga trauma ko. At sa awa ng Diyos, hindi ako jaded when it comes to relationships. At meron pa rin akong pag-asa na eventually, ikakasal uli ako and we will live happily ever after," aniya.

Gaano katagal na ba siyang loveless?

"Hindi naman ako loveless, nandiyan naman si God. Boyfriend? Ahmm... siguro officially, mga July last year."

Aminado si Miriam na kaya siguro napansin ng press ang pagu-glow niya ay dahil masaya siya at visible uli siya sa Bb. Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm just happy I'm here and I'm seeing Tita Stella (Marquez-Araneta, founder ng Bb. Pilipinas Charties Inc.) again and the other girls. Nagkaroon ako ng opportunity to meet the new candidates," sagot ni Miriam.

Anu-ano ba yung mga naalala niyang mga kaganapan noong panahong kandidata siya ng Bb. Pilipinas?

"Naku, ibang-ibang tao ako noon, sobra! More than 10 years ago. Back then, all I had was faith and myself. Ang sabi ko lang I just wanted to shine, di ba? Gusto ko lang ipakita, I mean, i-present ang sarili ko. Kung magustuhan nila okey. Kung hindi okey lang din."

Anu-ano ang mga nakakatuwang eksenang naaalala niya nung panahon niya sa Bb. Pilipinas?

"We always enjoyed the opportunities to do charity work. Lalo na noong may carnival pa. I always enjoyed bonding with kids.

"Na-enjoy ko rin yung mga freebies! Make-up, mga ganyan!

"Ay, nai-enjoy ko yung tinuturuan ako ng mga bading kung paano mag-project sa stage," aniya.

"I remember rin specially, yung coronation night, yung opening dance. Sasayaw kami ng swing. Meron akong partner nun. E, biglang dahan-dahang nalaglag yung silicone ko! Habang nagsasayaw kami dahang-dahang nalaglag. Tapos plakak! Nalaglag na sa lapag. Oh, no!

"Sayaw pa rin ako nang sayaw, hindi ko alam ang gagawin ko kasi mamaya baka matapakan ko, matapakan ng partner ko? Buti na lang at hindi nakita sa TV kasi naka-pan yung camera. Pag-exit namin, saka ko siya pinulot. Hindi naman siya napansin.

"Pero it's an exciting experience yung mga boo-boos na ganun."

Na-enjoy raw talaga ni Miriam yung pagsali niya sa Bb. Pilipinas kaya wala siyang natandaang naiyak sa pressure dito. Naiyak lang raw siya nung manalo at koronahan na siya.

Lumalabas din na first time ni Miriam dumalo sa isang Bb. Pilipinas event matapos ang ilang taong.

"Actually, I was invited last year pero I couldn't make it. Nung initial preliminaries naimbitahan uli ako, pero I still couldn't make it. So now, finally, I was able to go," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagdiinan ni Miriam na ang hindi pagsasalubong ng kanyang schedules at ng imbitasyon ng Bb. Pilipinas ang rason kung bakit lagi siyang absent sa mga programa nito.

Nilinaw niyang matagal na silang nagka-ayos ng nasabing founder ng pageant nuong nasa Unang Hirit pa lang siya sa GMA-7.

Muling nagiging aktibo uli ang TV career ni Miriam. Kalalabas lang niya sa Untold Stories sa TV5. Natapos naman niya ang holy week special ng CBN (Christian Broadcasting Network) 700 Club sa GMA-7 na pinamagatang "Tanikala."

Kasama rin siya sa cast ng bagong fantaserye sa TV5, ngunit ayaw munang sabihin ni Miriam ang titulo nito.

Sa gitna ng kanyang showbiz profession, abala naman si Miriam sa kanyang negosyo.

"I'm into real state and solar technology. I'm working with the groups that distribute solar airconditioning, solar water heaters, solar panels. Part of my advocacy is the environment. It's a very hot topic now, looking and providing for solutions to global warming di ba?

"So now I have to put them together para naman magamit yung solar technology sa mga buildings," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN