Rox Montealegre graduates from Ateneo with a business degree and lands role in afternoon soap

IMAGE 0


Ngayong tapos na ni Rox Montealegre ang commitments niya sa school, tinanggap niya ang offer na makasama sa cast ng top-rating afternoon drama series sa GMA-7 na My Lover, My Wife. "Puwede na akong mag-full time sa showbiz kasi natapos ko naman ang course ko at graduation na lang ang hinihintay ko. It feels good kasi alam ko na mahirap ibalanse ang school and work, pero may mas naging priority ako," she says.


Natupad ang wish ng Starstruck 5 Avenger na si Rox Montealegre na matapos niya ang kanyang kursong business management sa Ateneo de Manila University.

This March ay kasamang ga-graduate si Rox sa Batch 2011 ng kanyang klase sa Ateneo.

Kahit pinasok ni Rox ang showbiz via the reality-artista search na Starstruck sa GMA-7, hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Kahit na may mga absences siya paminsan-minsan sa kanyang classes, gumagawa siya ng paraan para makahabol sa mga lessons at hindi siya nakaka-miss ng mga exams.

"Kaya hindi ako masyadong tumatanggap ng mga work sa showbiz lately kasi mas nag-concentrate ako sa school. Gusto ko kasing makasama sa graduating class namin. Yun ang gusto kong matupad para maging proud sa akin ang family ko," ang sabi ni Rox.

"Pinangako ko kasi sa pamilya ko na kahit na nag-aartista na ako, tatapusin ko pa rin ang pag-aaral ko. Mahirap po, lalo na kung may trabaho na pumapasok in between studies. Minsan, hindi ko po tatanggapin ang raket kasi mas priority ko talaga ang school."

Huling naging regular series ni Rox ay ang Ilumina kunsaan bida sila nila Rhian Ramos at Jackie Rice. Ngayon na tapos na lahat ang commitments niya sa school, tinanggap niya ang offer na makasama sa cast ng top-rating afternoon drama series sa GMA-7 na My Lover, My Wife.

"Puwede na akong mag-full time sa showbiz kasi natapos ko naman ang course ko at graduation na lang ang hinihintay ko. It feels good kasi alam ko na mahirap ibalanse ang school and work, pero may mas naging priority ako.

"Kaya ngayon, I can pursue my showbiz career na and I'm glad na napasama ako sa My Lover, My Wife. I play one of the employees of Nadine Samonte sa clinic nila, pero ako ang friend ni Maxene Magalona," ngiti pa ni Rox.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa dramaserye ang nakairingan niya noon sa Starstruck 5 na si Princess Snell. Pero matagal na raw silang nagkabati ni Princess at ilang beses na raw silang nagkasama sa trabaho.

"Yung sa amin naman ni Princess, dala lang iyon ng pressure sa Starstruck. I admit na hindi naman kami close before kaya siguro may mga nasabi kaming hindi maganda sa isa't isa. Pero after Starstruck, naging okey naman kami. Mas nakilala namin ang isa't isa noong matapos ang show. She even invited me sa birthday niya last year.

"Okey naman si Princess, e. She's very friendly at ma-chika siya talaga. You just need to get to know her para maintindihan mo siya."

BASTED. Kumusta naman sila ni Ian Batherson? Balita kasing binasted ni Rox si Ian kaya kapag tinatanong siya kay Ian ay ayaw nitong banggitin ang name niya.

"May ganun ba talaga?" tawa pa ni Rox.

"Kami naman ni Ian, even before Starstruck ay magkakilala na kami. We've been doing fashion shows na. Nagkagulatan pa nga kami noong malaman namin na we both joined Starstruck. Close talaga kami noon pa.

"It's true na nanligaw siya, pero sinabi ko naman sa kanya na hindi pa ako ready for a relationship. Kasi nga I have different priorities that time. And bata pa naman kami. We have all the time to think things over and make the right decisions," aniya.

"Gusto kasi ni Ian yung kapag nanligaw siya, sagutin mo siya agad. Maybe it's his American side. Alam ko na hindi uso ang ligawan sa kanila pero in fairness to Ian, may effort siya na manligaw. Wrong timing lang talaga.

"Maybe yun ang dahilan kung bakit parang nagalit siya sa akin. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita ni Ian. Pero happy naman ako for him kasi nga he is in the cast of Sisid. Alam ko na matagal na niyang gustong magkaroon ng regular show sa GMA-7," ang sabi ni Rox.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sakaling aksidente kaming magkita, babatiin ko naman siya. Kasi wala naman akong galit sa kanya. Sana hindi niya na personalin ang hindi ko pagsagot sa kanya."

LOLO'S GIRL. Kinuwento rin ni Rox na medyo naging malungkot ang ending ng 2010 para sa pamilya niya dahil sa pagkamatay ng kanyang paboritong lolo. Lolo's girl kasi si Rox at sobra siyang nalungkot nang pumanaw na ito.

"Lagi ko kasi siyang kinukuwentuhan ng mga ginagawa ko sa school at sa showbiz. Masaya siya kapag okey ang standing ko sa school at kapag may show ako sa TV. He always reminds me na pagbutihan ko ang mga ginagawa ko.

"Kaya noong magkasakit siya, talagang nalungkot ako. He was already in his late 80s kaya understandable na maging sakitin siya. Nagbantay din ako sa hospital hanggang sa hindi na siya nagtagal pa.

"Nakakalungkot lang kasi hindi na niya ako makikitang maka-graduate sa college. Gusto pa naman niyang um-attend ng graduation ko. I will always love my lolo at parati ko siyang isasama sa mga prayers ko kasi isa siya sa naging inspiration ko," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN