Paolo Contis and Lian Paz welcome their second baby; list of godparents includes Ogie Alcasid and Marian Rivera

IMAGE 0


Actor Paolo Contis (right) and partner Lian Paz (left) shown here with their firstborn, Xonia Aitana, announce the birth of their second child, Xalene Abriana.


Ayon sa ulat ng StarTalk TX kahapon, Sabado, isinilang na ni Lian Paz ang kanilang second baby ni Paolo Contis na si Xalene Abriana noong nakarang Lunes, March 7 sa St. Luke's Medical Center via caesarean section.

"Medyo relaxed [ngayon] kasi unlike before, dumaan ako sa labor tapos ilang araw din yun. E, ito pumunta lang ako sa hospital, natulog lang ako, the next thing I know, nandiyan na yung baby," kuwento ni Lian.

Eksaktong March 7 din last year nang ipinanganak ang panganay nina Paolo at Lian na si Xonia Aitana.

Sinabi naman ni Paolo na...

"Maraming kaibigan ang [nagtanong] na 'Bakit 7 din? Bigyan mo ng ibang araw!'

"Kesyo mawawalan ng identity yung isa. Para sa akin naman nasa amin na yun, nasa magulang na yun kung mawawalan siya ng identity o hindi," aniya.

Hindi ba nahihirapan sina Paolo at Lian dahil halos magkasunod lang ang pagkakaroon nila ng anak?

"Actually hindi naman kasi si Paolo hands-on din sa baby. Pero yung feeling na 'Ay baka ma-left-out si Xonia!' kaya lahat ginagawa mo," ani Lian.

"Malaking blessing na binigay sa akin [ito] ng Diyos, e. Feeling ko natuwa siya kung paano naming inaalagan si Xonia, kaya sabi ni Lord, 'Sige na nga isa pa!'" dagdag pa niya.

"Sana hindi Siya matuwa kaagad... baka bigyan ako ng tatlo," pagbibiro naman ni Paolo.

"Sobrang bow ako sa kanya kasi napaka-responsible niya," ang sabi ni Lian ntungkol sa kanyang partner.

"Responsible father, responsible partner, so iyon, lahat madali," aniya.

"Gusto namin yung dalawa lumaki nang sabay. Then we're gonna get married, eventually in a year or two," saad naman ni Paolo.

Plano naman ng dalawa na sa July pabinyagan si Xalene at ngayon pa lang ay may listahan na sila ng mga ninong at ninang.

"Si Kuya Ogie [Alcasid], si Marian [Rivera] kasi hindi siya ninang ni Xonia, si Dingdong lang last year [ang nag-ninong kay Xonia], si Mark [Herras], si Ynna [Asistio].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo alam na nila last year pa. Pero siyempre iko-confirm pa rin namin sa kanila," pahayag ni Lian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN