Monique Lhuillier featured in People Magazine; she talks about Oscar gowns she made for Mandy Moore

IMAGE 0


Filipino-American Monique Lhuillier adds finishing touches to the nude mermaid gown worn by Hollywood actress Mandy Moore on the Oscars 2011 red carpet. The outfit has 2,500 citrine crystals, gold beads and matte gold sequins. Ayon kay Monique, bagay na bagay kay Mandy ang gown: "It's beautiful on Mandy because she's so statuesque and elegant."


Na-feature sa latest edition ng People magazine (March 14, 2011 issue) ang Filipino-American designer na si Monique Lhuillier. Sa article na "One Star, Two Dresses," naikuwento nga roon ang paggawa ni Monique sa dalawang gowns na sinuot ng singer na si Mandy Moore sa nakaraang Oscar Awards.

Sa nasabing article na sinulat ni Alexis Chiu, sinabi ni Mandy na si Monique ang kanyang naisip na lapitan para gawin ang kanyang red carpet gown at isa pang gown na isusuot niya sa kanyang pag-perform ng Oscar-nominated song na "I See The Light" with Zachary Levi mula sa Disney animation movie na Tangled.

Ang unang gown na isang nude mermaid dress na sinuot ni Mandy sa red carpet ay may 2,500 citrine crystals, gold beads and matte gold sequins.

"It was the first one I tried. I was like, 'Okay, I'm done!' What girl is not going to feel great wearing a dress like this?" papuri pa ni Mandy sa naturang gown.

Ayon kay Monique, bagay na bagay kay Mandy ang gown: "It's beautiful on Mandy because she's so statuesque and elegant."

Ang ikawalang gown naman na ginamit ni Mandy sa kanyang performance sa stage ay cobalt blue in color with full skirt and corseted top. Gawa ito sa 40 yards of tulle at 75 hand-rolled silk satin organza rosettes.

Ayon kay Monique, gusto niyang i-highlight ang magandang katawan ni Mandy tulad ng maliit nitong waistline at feminine shoulders.

"It's that quintessential big full dress, It almost feels like a big cupcake, but in the best way possible!" ang sabi ni Mandy.

More than 10 workers ang nagtulung-tulong sa pagbuo ng dalawang gowns ni Mandy at pinagtrabahuhan nila ito ng 550 hours.

Hindi naman nasayangan ang efforts ni Monique sa pag-design at pag-construct ng dalawang gowns for Mandy Moore dahil umani naman ng papuri mula sa ilang fashion critics ang gawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang-masaya ang Hollywood actress sa kanyang mga suot ay natupad nga raw ang kanyang matagal nang Cindrella fantasy.

"I just really took it all in and enjoyed it as much as I possibly could. It was a full-on girlie day, getting to play dress-up at this level. When you look at just how much work goes into pieces of art like these, you can't help feeling both lucky and beautiful for the moment."

Kilala na nga sa buong Hollywood si Monique Lhuillier dahil sa kanyang mga bonggang bridal gowns at red carpet outfits. Kabilang sa mga big stars na nagsuot na ng kanyang mga gowns ay sila America Ferrera, Catherine Zeta-Jones, Demi Moore, Anne Hathaway, Marcia Cross, Jessica Simpson, Ashlee Simpson, Taylor Swift, Anna Paquin, Olivia Wilde, Sophia Bush, Kristen Stewart, Eva Longoria, Shania Twain, Kelly Clarkson, Kate Welsh, Jamie Lee Curtis, Rebecca Gayheart and Hayden Panettiere.

Si Monique din ang gumawa ng bridal gowns nila Britney Spears, Lea Salonga at Regine Velaquez.

Umupo rin bilang isa sa mga guest judges si Monique Lhuillier sa reality show ni Heidi Klum na Project Runway Season 6.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN