Kim Chiu graduates from high school; dismisses rumored reconciliation with Gerald Anderson

IMAGE 0


"Siyempre, education, yun talaga ang habambuhay na ite-treasure ng mga tao. Napa-proud lang ako sa sarili ko na nakapagtapos ako kahit high school. Iniisip ko dati na hindi ko magagawa," says Kim Chiu.


Nang pumasok si Kim Chiu sa unang edition ng Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006 ay tuluyan na siyang naagaw ng mundo ng showbiz.

Isa sa mga isinakripisyo ni Kim kapalit ng tinatamasang kasikatan ay ang kanyang pag-aaral. Huminto siya ng high school upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang breadwinner ng kanilang pamilya.

Pero hindi naman tuluyang hinayaan ni Kim na hindi makatapos ng high school. Habang nag-aartista ay nag-enroll siya sa Distance Learning Center ng ABS-CBN at noong March 10, Thursday, ay nakapagtapos na nga siya.

Sa graduation ceremony na ginanap sa Folk Arts Theater ay nag-deliver ng speech si Kim para sa kapwa niya graduates.

Aniya, "Lagi nating tatandaan na ang kahalagahan ng buhay ay hindi lang natin mararating sa ating sarili. Libre hong mangarap. Sa lahat ng may gustong abutin sa buhay, isipin na lang ho natin na hindi imposibleng mangarap katulad ko. Pinangarap kong makapagtapos ng pag-aaral at ito natapos ko na kaya congratulations po sa ating lahat."

Sa interview ng The Buzz kay Kim, sinabi niyang hindi talaga madaling pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral.

"Hindi naman biro ang showbiz and then education," sabi ng young actress.

"Parang ang baba ng tingin sa akin ng mga tao. Kasi kapag sinabing artista, ang dali, easy money, hindi na sila nag-aaral. Parang sabi nila, ang bobo-bobo, walang pinag-aralan.

"Ako, parang gusto kong ipakita na nag-aaral naman kami, gusto rin naming mag-aral. Para hindi masyadong mababa ang tingin nila sa amin sa larangan ng education dahil may mga pangarap din naman kaming makapagtapos.

"Siyempre, education, yun talaga ang habambuhay na ite-treasure ng mga tao. Napa-proud lang ako sa sarili ko na nakapagtapos ako kahit high school. Iniisip ko dati na hindi ko magagawa."

Inaalay raw ni Kim ang pagtatapos niya ng high school sa kanyang lola.

"Ito talaga ang pinangarap ng lola ko sa akin noon bago ako makapasok sa showbiz na, sana raw, makatapos ako kahit high school man lang. And 'eto na, feeling ko, proud na siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And bilang Chinese family, isa ito sa dapat magkaroon ang mga apo, high school diploma, college... And feeling ko, mas mapa-proud sa akin ngayon dahil naka-graduate na 'ko at meron na 'kong diploma," saad ng young actress.

GERALD ANDERSON. Samantala, naitanong din kay Kim ang tungkol sa usaping lovelife. May balita kasing nagkabalikan na raw sila ni Gerald Anderson.

Pero ayon kay Kim, "Hindi po namin priority yun. Masaya naman po si Gerald ngayon, siya lang, at parang sa career niya.

"Huwag na po nating guluhin yun. Kung nandiyan, nandiyan. Magkaibigan na lang po kami.

"Huwag na lang po nating pilitin kung anuman ang mangyari, hayaan na lang po natin. Siguro time heals naman po. Kaya bahala na."

Dapat pala ay kasabay ni Kim si Gerald na grumadweyt. Hindi nga lang naka-attend ang young actor sa graduation dahil sa kanyang showbiz commitment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN