Jennylyn Mercado becomes a "new" person after her operation

IMAGE 0


"Special ito dahil siyempre pinaghirapan ko ito, galing ito sa mga pinaghirapan kong trabaho, mga endorsements, at kung anu-ano pa," says Jennylyn Mercado about her newly-renovated house.


Pagkatapos sumailalim sa operasyon sa kanyang tonsils, maraming bagay ang dapat ipagpasalamat ngayon si Jennylyn Mercado

Una na rito ang natapos nang renovation ng kanyang bahay.

"Special ito dahil siyempre pinaghirapan ko ito, galing ito sa mga pinaghirapan kong trabaho, mga endorsements, at kung anu-ano pa.

"Kami lang nag-ayos nito, wala kaming kinuhang interior designer. So, special siya sa akin," sabi ng young actress sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central.

Bukod dito, ipinasilip din ni Jennylyn ang kanyang bagong biling American full-size van.

"Kailangan ko ng ganyang kalaki dahil nga sa taping, halos dala ko na yung buong closet ko, di ba? Dala mo yung mga sapatusan mo, ganyan. So, halos lahat ng gamit ko na talagang kailangan ko, kasya na sa loob," saad niya.

NEW TATTOO. Pero kung may ipinagmamalaking personal si Jennylyn ngayon, ito ay ang bagong tattoo sa kanyang kaliwang paa—na ang disenyo ay ang pangalan ng kanyang anak na si Alex Jazz

"Kasi may peklat ako doon sa part na yun, so tinakpan ko lang naman ng konti. 'Tsaka special yun sa akin dahil ako yung nag-design nung tattoo.

"'Tsaka hindi ko siya talaga pinabago, yung ganun siya ka-delicate para sa akin. Ayokong mabago kahit konting stroke, gusto ko parehong-pareho, kung paano ko siya dinrowing.

"'Tsaka pangalan siya ni Jazz," nakagiting sabi ni Jennylyn.

Pinagkakabalahan din ni Jennylyn ngayon ang paboritong lugar sa pina-renovate niyang bahay ng kanyang anak na si Alex Jazz—at maging ni Calix Andreas, anak ng kasintahan ng aktres na si Dennis Trillo.

"Iyon yung likod, kasi parang ginagawan ko siya ng playground. It started doon sa may gilid, may slide, may mga tunnels.

"Pero mapapansin ninyo, hindi pa siya tapos, pero pinipinturahan na yung swing, may swing na doon. So, gusto ko siyang gawing playground for Jazz at ni Calix," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN