Christopher de Leon "still with the best" after more than three decades of acting

IMAGE 0


Christopher de Leon was hailed this year's Ulirang Artista Lifetime Achievement Award at the 27th PMPC Star Awards for Movies. In his speech, he said he will never get tired of his profession, "because acting or being an artista is my job."


Siya ang tinaguriang Drama King, na halos apat na dekada na ring namamayagpag bilang aktor.

Nag-iisa lang ang Christopher de Leon, na kamakailan ay pinarangalan ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa 27th PMPC Star Awards, na naganap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Hotel Manila sa Pasay City.

Sa kanyang acceptance speech nang gabing iyon, punung-puno ng pasasalamat si Boyet. Una niyang binanggit ang kanyang talento sa pag-arte.

"This is a great honor for me. Actually…isa itong plaque na this is a humbling experience. God gave me a career, a job that I love. I love my work and, I think I am for this, for the talent...

"I think, I've been in the business for 37 years already. 37 years? Am I right? Tama ba? Tama.

"Ito po ang nagbibigay sa aking buhay, nagpalaki sa aking mga anak."

Sumumod, nagbigay-pugay siya sa kanyang mga mahal sa buhay.

"Gusto kong pasalamatan din ang aking pamilya, ang maybahay, at ang aking mga magulang na siyang naging gabay ko. They were my mentors, they taught me to keep up the faith.

"For the information of the young guys, I come from a family of actors. My mother was Lilia Dizon and my dad was Gil de Leon, and they taught me the trick of the trade, and I'm so happy to be paired with great actors."

Parehong LVN stars of the '50s ang mga magulang ng aktor.

"STILL ONE OF THE BEST." Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam ang aktor pagkatapos ng program.

Aniya, "I'm just so blessed and happy that I'm still one of the best," bungad niya.

"It's a very humbling experience. Hanggang ngayon, e, you know, I'm still, you know, with the best."

Simula noong 1974, ang taon na una siyang nagbida sa pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang ni Lino Brocka, hanggang sa kasalukuyan, ay hindi nawala sa paningin ng publiko si Boyet. Sa katunayan, nakagawa siya ng mahigit 120 films at naging bahagi ng 20 TV projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN