Neil Coleta makes the big jump from iced tea commercial to TV soap

IMAGE 0


Sa March 19, live na mapapanood si Neil Coleta sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City, sa isang show titled, "Todo na ito... Luv en Laugh." Kasama niya sina Duncan Ramos, Valerie Concepcion, Jose Manalo at Wally Bayola.


Bagong crush ng bayan si Neil Coleta dahil sa lakas ng impact ng kanyang Nestea Iced Tea commercial. In the ad, he portrays a character named "Nicos."

Tuloy-tuloy ang series ng naturang TVC at masusundan pa ito ng summer special.

Balak na ngang i-build up at pagsamahin si Neil at si "Mattina" (played by Coleen Ortega Garcia) sa isang soap pero hindi pumabor ang Nestea bosses dahil baka katapusan na yun ng love team ng dalawa sa serye ng commercial.

"Sana magsama rin kami at maging mag-partner someday. Sabi nga ng lola [ni Coleen] kinikilig daw siya pag magkasama kami. May mga nagsasabi rin na magtatayo sila ng fans club pag kaming dalawa ang magka-love team," ang sabi ni Neil nang kapanayamin ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Tinutukso nga kami, bakit daw hindi ko ligawan, ayaw ko po kasi magkakailangan lang pag nagkasama kami sa work," aniya.

May nililigawan ba si Neil ngayon?

"Wala, e! Hinihintay ko na lang kung sino yung darating... kung may darating. Trabaho muna," tugon niya.

IN DEMAND. Dumating na sa point na napansin si Neil ng tatlong network, pero ABS-CBN ang pinili niya. Magsisimula siya sa isang soap at sinakripisyo niya ang alok na mapasama sa isang youth-oriented show ng isang network, isang soap na kasama ang crush niya na hindi rin natuloy, at isang weekly bagets show.

Wala naman siyang pina-asa na network dahil nagkasabay-sabay lang ang offers at kinailangan na niyang mamili. Humantong sa punto na pinag-aagawan siya. Promising at mukhang sisikat naman ang alagang ito ni Becky Aguila.

"Kapamilya na po ako kaya abangan niyo po ako," deklara ni Neil.

"Excited na ako sa soap na yun. Mga big stars ang kasama ko. Confidential pa yung title pero nag-pictorial na kami at ginawa na po yung teaser. Yung role ko dun medyo comedy," kuwento pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nanghinayang sa shows na alok sa kanya sa ibang network?


"Medyo. Lalo't makikita ko run ang crush ko," sagot niya na ayaw naman niyang i-reveal kung sino.

Ramdam ba niya na marami siyang fans ngayon at nagkaka-crush sa kanya?


"Sometimes, pero hinahayaan ko lang sila at natutuwa naman ako," aniya.

"Minsan sa Facebook, Twitter, ang mga comments... gusto nila akong makita. Ang sarap ng feeling ng ganoon dahil lalong lumalakas ang loob ko na galingan pa lalo ang trabaho ko. Sinasagot ko naman sila. Sinasabi ko abangan nila yung next commercial ko sa Nestea at yung soap ko sa ABS."

KOLEHIYALA AT BADING. Paano niya naha-handle na hindi lang mga kolehiyala ang nagkaka-crush sa kanya, kundi pati mga bading?

"Natatawa ako. Siyempre, pag nagkakagusto sila e, thank you po. Tao lang naman tayo, di ba? Pare-parehas lang. Friendly naman ako sa ganyan. Kaso nga lang pag sobrang dikit, maraming negative na sinasabi ang tao. Nagiging green," aniya.

Paano niya hina-handle yung mga indecent proposal, dahil siguradong magkakaroon ng ganyan lalo't nagkakapangalan na siya?

"Siguro friends, hanggang dun. Kasi alam ko naman ang limits ko sa sarili ko, e! Alam ko yung tama at mali dahil nasa right age na naman ako. Hindi na nila ako kayang utuin," ang sabi niya.

Mula sa earnings sa kanyang commercial, napalitan na niya ang lumang sasakyan ng isang Toyota Innova 2010 model. Ano ang feeling ng bagong kotse?

"Hayun, tinititigan ko pa rin siya. Parang hindi ko rin in-expect. Pero marami pa akong babayaran kaya kailangan kong rumatsada. Yung pinang-down ko galing sa commercial ko.

"Family car ang kinuha ko para kasama ko ang pamilya ko sa mga out of town trips," aniya.

Next target niya ay condo sa Quezon City para malapit sa trabaho niya. Nakatira kasi siya ngayon sa isang condo sa Vito Cruz sa Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado rin si Neil na nasampolan na siya ng intriga at nasaktan.

"Sabi po ng Mama ko, pinasok ko ito kaya tanggapin ko at harapin ang mga intriga. Iniisip ko na lang na ito ay challenge at magpapatapang sa akin," saad pa niya.

Paano niya ipapaliwanag yung pag naglalakad daw siya sa lobby ng condo niya ay hindi siya tumitingin sa tao at nakayuko pa ito?

"Ayaw ko naman kasi magtaas-noo kasi may mga taong iba na nakatingin. Takot lang kasi ako na baka may magsabi sa akin na mayabang ako. Hindi naman babang-baba at nakatungo. At saka mahiyain pa rin ako, e. Pero pag may bumabati, binabati ko naman. Pag ngumiti, ngumingiti naman ako," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN