Karylle keeps mum on issues about her lovelife; asks fans to wait for her new album instead

IMAGE 0


Karylle's leading man in The Light in the Piazza is an American actor named Stephen Mark Lukas. Can she fall in love with a foreigner in real life? "I haven't seriously considered this," Karylle answered. "Ah, there was only one time that... hindi pa nga date, e, na nakakausap ako ng foreigner. It's a bit difficult. Kasi ang layo ng, parang with the language barrier and everything. For me, nahihirapan ako. I don't think I'm the type


Masayang-masaya si Karylle na mapili bilang lead actress sa The Light in the Piazza, ang musical play na ipo-produce ng STAGES para sa 2011. Sa July pa ito isasadula, pero ngayon pa lang ay naghahanda ang singer-actress na mag-rehearse.

Gaganap si Karylle bilang Clara Johnson, isang Amerikana na inosente sa pag-ibig. Mai-in love siya sa kay Fabrizzio, isang Italian, na gagampanan ng Amerikanong aktor na si Stephen Mark Lukas.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Karylle noong Huwebes, March 10, sa Teatrino Greenhills, kung saan ginanap ang grand launch ng The Light in the Piazza.

Inawit ni Karylle noong gabing iyon ang ilan sa mga kanta sa naturang musical play, na binase sa isang foreign film na lumabas noong 1960s. Noong 2005 naman nag-debut ang musical play version nito sa Broadway.

Sa panayam ng PEP kay Karylle, sinabi nito na excited na siyang simulan ang mga rehearsal para sa bago niyang musical play. Iba raw kasi ang pakiramdam ng pag-arte sa pelikula at sa teatro.

"It's really fun kasi to develop a character sa theater more than movies. You get to play around and parang discover ano ba yung bagay, which is something I really like. Kasi minsan, kapag ginawa mo sa movie, pagkatapos ng take, tapos na.

"Pero sa play, puwede mo pang balikan the next day, and then parang develop or improve, or try something crazy or whatever. So I'm very excited for that," saad ni Karylle.

Hindi pa raw napapanood ni Karylle ang pelikula o ang musical play, kaya naman araw-araw na siyang nagre-research. Ito rin daw kasi ang ginawa niyang preparasyon noong gumanap siya bilang Maria sa local production ng West Side Story noong 2008.

"I research din online. Like the last time, I had a whole notebook na Maria, tapos she was in a bridal shop. So, I would like '50s Vogue, yung mga ganun. I guess in the same way, kasi ibang era, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, 'eto rin, I guess I will be doing the same, kasi everything's available online. You will find mga reading materials.

"Pero ang naiisip ko pa lang ngayon is to watch movies na set sa '50s para ma-familiarize ako sa kilos nila. Siyempre, hindi naman sila galawgaw nung time na yun kaya yun yung gagawin ko," paliwanag niya.

Pagpapatuloy ni Karylle, mas "at home" siya sa role niya bilang Clara Johnson kaysa sa role niya bilang multo sa 2010 Metro Manila Film Festival entry na Dalaw.

Nahirapan daw kasi siya talagang gawin ang role niya sa Star Cinema film—isang multong balot ng putik na nagpapahirap sa karakter nina Kris Aquino at Diether Ocampo.

"Parang that was my most difficult role kasi physically, parang ang lagkit ko lang. Ang dungis ko talaga... Tinray ko talagang hindi madiri. Even the voicing, mahirap din, kasi kailangan kong gumawa ng mga growling sounds sa throat," aniya.

Gusto raw ni Karylle ang The Light in the Piazza dahil pakiramdam niya, bagay siyang mabuhay sa period na 1960s.

"Kumbaga, mali na nandito ako, pero dito ako pinanganak sa time na 'to. Pero, parang given a choice, I would've fit better in the past. Kasi, very ano, alam mo yung girly-girl, ganyan. So, yun yung parati kong iniisip.

"So I love roles like this, kasi feeling ko, kahit just for a short amount of time, I get to be the person na feeling ko, na meant to be," saad ni Karylle.

ON LOVELIFE. Kahit na old-fashioned, tanggap naman ni Karylle na lagi siyang tatanungin tungkol sa kanyang lovelife. Kaya naman may isa na siyang sagot sa lahat ng nagtatanong sa kanya: hintayin na lang na ma-release ang kanyang bagong album.

"I think it's a very Filipino thing, and I guess all over the world, but here lang talaga, siguro yung focus is always there. So, I guess my normal answer will be, just wait for my album, para kayo nang bahalang makitsismis sa mga kanta," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa April na mare-release ang album na ito, na siya mismo ang nag-produce. Ayon sa kanya, tila raw autobiographical ang tema ng album dahil isinulat niya ang karamihan sa mga kantang nakapaloob dito.

Tiyak rin daw na maiintriga ang sinuman na makaririnig ng mga kanta dahil may mga lihim siya ritong ibubunyag.

Magbibigay kaya siya ng mga clue kung para kanino ang bawat kantang nasa album?

"Hindi," mabilis niyang sagot. "Parang ang dami na nilang clue masyado para magbigay pa ako. Parang hindi ko naman kailangang gawin yun.

"I think the fun there is guessing and maybe you're wrong, maybe you're right. Di ba? Saka kailan kaya yun? Anong kuwento kaya yun? Sa tingin ko rin, mali yung mage-guess nila, pero that's part of the fun."

Sapat na raw na relatable ang mga experiences sa kanyang mga isinulat na kanta.

"Ako kasi, ganun ako, e. As a music fan, I like to sing to the songs, especially yung mga songs na may pangalan ng babae, parang, 'Sino ba kasi yun?'

"And finding out the back story, and, ikaw nang bahalang mag-imagine. Baka tama ka, baka mali ka. Baka inimbento lang ng sumulat. Hindi mo alam, e. O baka part ng buhay niya? Si ganito ba 'yan, o si ganyan.

"So that's one thing I think na kailangan nilang abangan sa album, kasi ako sumulat most of the songs except for one."

Tanong ng PEP, may lalaki na bang nag-inspire sa kanya habang ginagawa ang album? Kumusta na sila ni Yael Yuzon ng Spongecola, na nali-link sa kanya ngayon?

Tumawa muna si Karylle bago sumagot. "Wala naman! Well, actually, yun nga, wala akong inaamin, wala akong sinasabi, wala akong kinukuwento, dahil yun nga, abangan ang album. Abangan n'yo na rin ang album nila [Spongecola]. I'm sure may mapupulot din kayong tsismis dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN