I ♥ MYX Music Awards 2011: Yeng Constantino wins big; Regine Velasquez receives MYX Magna Award

IMAGE 0


Yeng Constantino (left) and Regine Velasquez (right) were both emotional when they received their awards. Yeng won five awards, including Favorite Music Video and Favorite Song. Regine, on the other hand, is this year's recipient of the MYX Magna Award.


Naging emosyonal ang young singer na si Yeng Constantino sa pagtatapos ng I ♥ MYX Music Awards 2011 kagabi, March 15, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City. Si Yeng kasi ang nakakuha ng pinakamaraming awards sa naturang gabi ng parangal ng popular music channel.

Nakuha ni Yeng ang parangal sa ilan sa mga pinakamalalaking kategorya, kabilang na ang Favorite Music Video at Favorite Song.

Suwerte kay Yeng ang awit niyang "Jeepney Love Story," ang pangatlong single niya sa album na Lapit na ini-release noong October 2009. Ito ang nagkamit ng Favorite Music Video at Favorite Song Award.

Natanggap din ni Yeng ang award para sa Favorite Female Artist. Natalo niya sa kategoryang ito sina Sarah Geronimo, Kyla, Juris, at KC Concepcion.

Nanalo rin si Yeng bilang Favorite MYX Celebrity VJ para sa pagho-host nito sa music channel noong November 2010. Bago pa man ang stint niya sa MYX ay nasanay na si Yeng sa pagho-host sa show niyang Music Uplate Live sa ABS-CBN.

Ang huling trophy na natanggap ni Yeng ay ang Favorite Collaboration award, kasama ang 6 Cycle Mind at si Kean Cipriano. Nag-collaborate ang tatlong artists para buuin ang kantang "Kung Wala Ka Na."

Ang I ♥ MYX Music Awards 2011 ay gumagamit ng public voting system para malaman kung sino ang dapat manalo. Samakatuwid, nanalo si Yeng dahil siya ang artist na may pinakamaraming nakuhang boto sa pamamagitan ng text messaging at sa Internet.

Tila pinaghalo ang gulat, saya, at pasasalamat sa bawat pagkakataong umaakyat si Yeng sa entablado para tanggapin ang mga awards. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang core fan group, ang Yengsters, na malakas na kumampanya para sa tagumpay ng kanilang idolo.

Marami sa mga Yengsters ay dumalo sa awards night, kaya naman personal silang napasalamatan ni Yeng sa kanyang acceptance speech.

"Thank you everyone! Rock and roll!" ang masayang sigaw ni Yeng habang hawak ang panlima niyang tropeyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIGHLIGHTS. Punong-puno ang Music Museum ng local artists na dumalo dahil sa kanilang nominasyon, o dahil lamang sa suporta nila sa Philippine music industry. Karamihan naman sa mga artistang dumalo ay nagsilbi bilang award presenters.

Ilan sa mga celebrity na nag-present ng awards sa I ♥ MYX Music Awards 2011 ay sina Jay-R, AJ Perez, Dino Imperial, Karylle, Isabelle Daza, Ysabella, Rich Herrera, Ornusa Cadness, Alodia Gosiengfiao, Moymoy Palaboy, Mr. Fu, IC Mendoza, Sarah Gaugler, Mia Ayessa, Ivan Dorschner, James Reid, Queenie Padilla, Empress Schuck, Zia Quizon, at KC Montero.

Ilan naman sa mga nag-perform ay sina Sam Concepcion, Elmo Magalona, Kean Cipriano, Markki Stroem, The Company, Sitti, Princess Velasco, Nikki Gil, Quest, at ang bandang Kamikazee.

Ang pinaka-highlight ng gabi ay ang pagtanggap ni Regine Velasquez ng MYX Magna Award para sa natatanging kontribusyon niya sa musikang Pilipino.

Bago tinanggap ni Regine ang kanyang award ay pinanood niya muna ang pag-awit ng ilan sa mga magagaling na batang singers ngayon na na-inspire kay Regine. Kinanta nina Yeng Constantino, Frencheska Farr, Julie Ann San Jose, Kyla, Mark Bautista, Christian Bautista, at Rachelle Ann Go ang ilan sa mga pinasikat na kanta ni Regine sa 25 taon niya sa music industry.

Sinamahan si Regine ng kanyang asawang si Ogie Alcasid paakyat ng stage. Tuloy-tuloy ang pagluha ni Regine habang tinatanggap ang parangal.

Gayunpaman, hindi pa rin nito napigilang magbiro. "I'm seriously dehydrated! Ang dami kong tears! Saan kaya galing 'to?" biro ng Asia's Songbird.

Agad din niyang pinasalamatan ang mga batang singer sa entablado. "Mga anak ko na 'to, e!" saad niya.

Sa huli, hinikayat ni Regine na paghusayan ng mga local artist sa Music Museum ang kanilang pag-contribute sa music industry ng bansa.

"Sa lahat ng batang musiko... Ipagpatuloy n'yo!" ang pahayag ng singer.

OTHER AWARDS. Narito ang listahan ng lahat ng mga nanalo sa I ♥ MYX Music Awards 2011:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Favorite Artist - Sandwich

Favorite Male Artist - Gloc-9

Favorite Female Artist - Yeng Constantino

Favorite Group - Parokya ni Edgar

Favorite New Artist- Tanya Markova

Favorite Indie Artist - Mr. Bones and the Barnyard Circus

Favorite MYX Live Performance - Slapshock

Favorite MYX Celebrity VJ - Yeng Constantino

Favorite Song - "Jeepney Love Story" by Yeng Constantino

Favorite Music Video - "Jeepney Love Story" by Yeng Constantino

Favorite K-Pop Video - "Go Away" by 2ne1

Favorite International Video - "Just the Way Your Are" by Bruno Mars

Favorite Urban Video - "Back to Love" by Quest

Favorite Rock Video - "Lakad" by Sandwich

Favorite Media Soundtrack - "Kaya Mo" by Protein Shake, featuring Kean Cipriano and Ney Dimaculangan

Favorite Mellow Video - "I Remember the Girl" by Christian Bautista

Favorite Collaboration - "Kung Wala na Nga" by 6 Cycle Mind, featuring Kean Cipriano and Yeng Constantino

Favorite Guest Appearance in a Music Video - Angel Locsin for "Magkaibang Mundo" by Hale


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN