Sexy actress Sharmaine Suarez returns to acting after seven years in the U.S.

IMAGE 0


"Hinanap ko, hinanap ko yung trabaho ko na noon, parang iniisip ko pag nagtatrabaho ako, 'Ano ba, ito na lang ba ang puwede kong gawin?' Pero pag nawala pala sa iyo ang isang mahal mo pala na gawin, hahanapin mo, e," says Sharmaine Suarez about her decision to return to showbiz.


Aktibong muli sa showbiz ang aktres na si Sharmaine Suarez.

Matapos ang pitong taong pamamalagi sa Amerika ay muling hinaharap ni Sharmaine ang pag-aartista. Umalis siya sa Pilipinas noong October 2003.

Ang ilan sa mga pelikulang nilabasan niya ay ang mga sumusunod: Nena, Proboys, Magic Kombat, Virgin People 2, Bayarang Puso, Ang Titser Kong Pogi, Lahar, Ipaglaban Mo II, at Tatlo...Magkasalo.

Sa TV naman, napanood siya sa Esperanza, Marinella, at Kay Tagal Kang Hinintay, na pawang ipinalabas sa ABS-CBN.

"Huli kong project yung Darating ang Umaga sa Channel 2, kasama ko si Eula Valdes at si Vina Morales," banggit ni Sharmaine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Blufrog Bar sa Tiendesitas.

Bakit siya umalis?

"Umalis ako, nag-settle down ako sa California."

Settle down, meaning?

"Yun, I got married to a non-showbiz guy," sagot niya. "We got married April of 2004 doon sa California. He's a Pinoy and he's a blue-collar worker.

"Nakilala ko siya dito [sa Pilipinas], pareho kami ng eskuwelahan noon. Bata pa siya nung umalis siya dito, mga dose anyos lang, but we have a lot of common friends. Tapos nagkakilala kami [ulit], naging magkaibigan muna kami.

"Siya ang unang umalis [para pumunta sa Amerika]. Bumalik siya dito, tapos pumunta siya doon, niyaya niya ako, sumunod naman ang lola mo!" natatawang kuwento ni Sharmaine.

So, whirlwind romance ito?

"Medyo. Pero magkaibigan muna kami, tapos siguro mga isang taon at kalahati lang tsaka kami nagpakasal."

SHOWBIZ COMEBACK. Bumalik si Sharmaine sa Pilipinas noong September 12, 2010, at pinag-usapan naman daw nila ito ng lalaking pinakasalan niya.

Bakit siya nagdesisyon na bumalik?

"Hinanap ko, hinanap ko yung trabaho ko na noon, parang iniisip ko pag nagtatrabaho ako, 'Ano ba, ito na lang ba ang puwede kong gawin?' Pero pag nawala pala sa iyo ang isang mahal mo pala na gawin, hahanapin mo, e," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-miss daw niya ang showbiz for seven years.

"Oo!" sambit ni Sharmaine. "Medyo matagal ako bago nagka-chance doon sa States na puwedeng magtrabaho. Nung ready na akong magtrabaho, umuwi naman ako ng Australia kasi inalagaan ko yung lola ko. Nagka-aneurysm siya, bandang early 2010. Saglit lang ako dun, mga less than three months."

Habang nasa States siya at hindi nagtatrabaho, ano ang ginawa niya doon?

"Wala, homemaker lang ako, housewife."

Sexy pa rin si Sharmaine hanggang ngayon. Papayag ba siya if ever offer-an siya ng FHM to pose for a sexy pictorial?

"Depende kung gaano siguro ka-daring. Oo, basta hindi naman bastos, okay ako, oo," sagot niya.

SITCOM. Ano ang gusto niyang klase ng roles sa pelikula o telebisyon na mai-offer sa kanya?

"Okay ako sa pagkakontrabida, kasi siyempre stress-reliever 'yan, e. Pero ang pangarap ko, magkaroon ako ng sitcom. Oo! Nagge-guest ako dati sa mga sitcoms, pero kahit kailan, hindi ako naging regular."

Bakit sitcom?

"Masarap, masaya, gusto kong i-try yun. Kasi medyo tahimik ako na tao, e. Pero alam ko meron akong mga hirit na okay, na hindi nakikita masyado ng tao.

"So, iyon ang pangarap ko, na magkaroon ng sitcom at saka iuuwi mo yun pag-uwi mo sa bahay. Ang saya, di ba?

"Masarap, masarap at saka medyo challenge sa akin kasi nga hindi ako masyadong magaslaw or kikay, hindi ako masyadong mapagpatawa in real life."

Ang unang naging project ni Sharmaine nang bumalik siya sa pag-arte ay ang defunct primetime series ng ABS-CBN na Kristine, na pinagbidahan nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo. Ngayon naman ay nagsimula na siyang mag-taping para sa upcoming drama series na Hiyas, mula pa rin sa ABS-CBN.

Bagamat sa ABS-CBN siya gumagawa ngayon ng projects, open ba siya na magtrabaho for GMA-7?

"Oo, oo naman! Siyempre gusto ko rin namang makatrabaho ang GMA," sagot ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Never pa siyang nagkaroon ng regular show sa Kapuso network.

"Hindi pa, puro guestings pa lang. Halos sa ABS ako nagkaroon ng regular shows noon."

EULA-RICHARD SEPARATION. Pinsan ni Sharmaine si Richard Litonjua, ang estranged husband ni Eula Valdes.

Ano ang una niyang naging reaksiyon nang naghiwalay ang dalawa?

"Siyempre, disappointed na hindi nag-work out kasi alam ko talaga kung gaano kamahal nung pinsan ko..."

Si Sharmaine ang nagpakilala kina Eula at Richard.

"Kasi nagkakilala sila... Yes, barkada namin. Isinasama ko parati si Richard, nagba-badminton kami, lumalabas," kuwento niya.

Disappointed siya na hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa.

"Siyempre, may anak din sila, di ba, si Yana na napakatalinong bata. Very engaging.

"Siyempre, gusto mo sa isang... Siyempre gusto ko sa pinsan ko, na mahal ko, na buo yung pamilya niya. He also came from a broken family like me. So, siyempre, 'yon ang gusto mo sa pamilya mo, e, na buo.

"E siguro minsan, kailangang... Mas maayos pa, e. Mas maayos pa pag naghiwalay, di ba? Meaning, sometimes you reach a chapter in your life where you have to move on or you change paths."

Si Eula ay may boyfriend na ngayon, ang model-actor na si Rocky Salumbides.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN