Mariel Rodriguez is proud of husband Robin Padilla for making Tum: My Pledge of Love

IMAGE 0


Binanggit nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla ang pledge nila sa isa't-isa sa special screening ng Tum: My Pledge of Love. Ayon kay Mariel, "Ako, my pledge of love is I'm gonna love you not only in this life but in the life after." "Yun ang aming sinumpa noong kami'y humarap sa Panginoong Diyos, yun yung aming pledge talaga sa isa't-isa," pagsang-ayon naman ni Robin.


Naunang dumating si Robin Padilla sa Powerplant Mall para sa special screening ng Tum: My Pledge of Love kagabi, March 14. Hindi muna ito pumayag na magpa-interview sa media at hinihintay niya raw muna ang asawang si Mariel Rodriguez.

Matapos ang tatlumpung minuto ay dumating na si Mariel para samahan ang Bad Boy of Philippine Cinema. Agad naman silang sumalang sa panayam ng nag-aabang na entertainment press.

Sinabi ni Robin na hindi away ang dahilan kung bakit hindi niya kasabay ang asawa na dumating sa venue ng screening. Ayon sa kanya, busy raw kasi si Mariel na tulungan muna ang mga anak niyang sina Queenie at Kylie, at iba pang kamag-anak, na magbihis.

"Kaya ko siya iniwan. Sabi ko, 'Teka muna, marami na yung bisita natin dun. Tutal mag-asawa tayo, teamwork tayo! Ikaw na muna dito, punta na ako dun. Marami nang bisita,'" kuwento ni Robin.

"Wardrobe ako kanina," paglilinaw naman ni Mariel. "Wala kaming away. Akala kasi nag-aaway kami... Kasi may biglang tumawag sa akin bakit daw hindi kami sabay dumating. Dinivide namin yung... Kasi we're partners."

Ang Tum: My Pledge of Love ang unang pelikula kung saan magkasama sina Robin at Mariel. Si Robin din ang direktor at scriptwriter nito. Sa India ang shooting ng karamihan sa mga eksena sa pelikula.

Sa April 6 pa ito ipalalabas sa sinehan, pero kagabi nga ay nagtanghal na ito ng special screening para sa mga kaibigan ni Robin at sa mga tauhan ng Indian Embassy.

Puring-puri ni Mariel ang asawa dahil sa "galing" umano nito sa paggawa ng pelikula.

"Excited ako kasi ngayon makikita na nila kung gaano kagaling si Robin. Hindi lang bilang actor kundi bilang isang direktor," pahayag ni Mariel.

"Kasama ka dun, kasama ka dun," sagot naman ni Robin para sa asawa.

Dagdag ng aktor, si Mariel kasi ang inspirasyon niya sa paggawa ng Tum: My Pledge of Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, siyempre, palagay ko yung long wait ng paghahanap ng materyal, si Mariel pala ang magbibigay ng idea, at magbibigay nung inspirasyon. Masaya ako! Kasi matagal nang panahon, hinahanap ko yung hudyat, yung tulak. Kaya ngayon, siguro, lalo niya pa akong bibigyan ng inspirasyon para gumawa uli."

Dagdag niya, tila true-to-life raw ang pelikulang ito.

"Kasi, nung nakilala ako ni Mariel, hindi ko akalain talaga na malalim siya. Kasi napapanood ko sa TV, masayahin lang siya, parang okay lang lahat. Nung nagkakilala kami, nakita ko ang lalim niyang tao, nasakyan niya yung mga kabaliwan ko. Ginawa namin, isinulat namin, ginawa naming pelikula," sabi ni Robin.

Natuwa naman si Mariel sa sinabi ni Robin. "I'm very flattered na ganun ang tingin niya. At sana maging inspirasyon pa rin ako para makagawa pa siya ng isa pa dahil sobrang talented niya.

"There are no words. I will always be grateful. Sobra. Grabe yung lahat-lahat ng ginawa ni Robin for this film. Talagang lahat napag-isipan, lahat pinagtrabahuhan."

QUEENIE AND EJAY. Kasama ni Robin sa pelikula ang anak na si Queenie Padilla, na gumanap bilang isang Indian woman na kaibigan ni Mariel. Sa pagtataya ni Robin, maganda ang performance ng anak sa pelikula.

"Kasi, ako bilang kanyang ano, ama, at direktor, e, masasabi ko na, magaling siya dito. Magaling yung anak ko rito. Napanindigan niya yung pagiging Indian. Oo. Yun lang ang hindi dahil sa anak ko siya, kundi... Pati din naman si Mariel, bilang writer din nito, nabigyan niya rin ng hustisya," pahayag ni Robin.

Kapareha ni Queenie rito si Ejay Falcon, na gumanap bilang isang Muslim. Tingin ni Robin, bagay si Ejay para kay Queenie na leading man.

Boto ba siya sa Kapamilya actor sakaling ligawan nito ang anak?

"Sa leading man!" mabilis na sagot ni Robin. "Napakagalang nun. Nung nasa India kami nakita ko inalagaan niya si Queenie. At hanggang sa mga oras na 'to, nung nandun kami sa waiting area, nakita ko nandun siya, hinihintay niya si Queenie, ayos yun. As leading man."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, naitanong din kay Robin kung ano ang tingin niya sa balitang nililigawan ni Aljur Abrenica ang isa pa niyang anak na si Kylie. Tumangging mag-comment dito si Robin.

"Wala pa silang kinalaman sa Tum. Saka na lang sila pag-usapan," saad ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN