Robin Padilla understands ex-wife Liezl Sicangco's concerns about their daughters

IMAGE 0


"Nagpapaalala lang siya na ang kanyang mga anak ay nasa loob ng Islam at meron silang dapat sundin. Wala namang pinapalabas na masama ro'n," says Robin Padilla about ex-wife Liezl Sicangco. This photo shows Robin with eldest daughter Queenie Padilla at the presscon of Tum, My Pledge of Love.


Unang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mensahe ni Liezl Sicangco sa kanyang mga anak na sina Queenie at Kylie Padilla, na hindi raw nito nagugustuhan ang nakikita niya sa kanyang mga dalagang anak.

Sa palagay ng dating asawa ni Robin Padilla, ang "pagbabagong" ito ng kanyang mga anak ay dulot ng pagpasok nila sa mundo ng showbiz. Ayon kay Liezl, gusto niyang bumalik sa Muslim faith ang kanyang mga anak. (CLICK HERE to read related story.)

Kaugnay nito, nahingan ng komento ng The Buzz si Robin tungkol sa mga naging pahayag ni Liezl.

"Katulad nga ng sinasabi ni Liezl, meron lang mga batas. Katulad nga sa pelikulang Tum, meron lang mga batas sa bawat relihiyon na kailangan nating sundin.

"Nagpapaalala lang siya na ang kanyang mga anak ay nasa loob ng Islam at meron silang dapat sundin. Wala namang pinapalabas na masama ro'n.

"Ano lang yun, advice... advice. Siyempre, wala namang pinapangarap ang ina kung hindi ang ikabubuti ng kanyang anak," saad ng action star.

Nabanggit din ni Robin na "mas close" na ngayon ang kanyang mga anak sa bago niyang asawa na si Mariel Rodriguez kesa sa kanya.

"Siya yung referee. Kapag meron ako... Tulad nga ng sinabi niya, meron akong ipinararating na sa palagay ko, e, lumalabas na nga sila sa kung saan man sila lumalabas, doon pumapasok si Mariel. Bago matapos ang araw, mahal na naman namin ang isa't isa, bati na naman kami."

Nakausap din ng The Buzz ang panganay nina Robin at Liezl na si Queenie. Aniya, naiintindihan niya kung anuman ang nagiging damdamin ngayon ng kanilang ina.

"Siyempre si Mama, mama ko yun. Nag-aalala lang siya. Nire-remind niya lang sa amin na huwag naming kalimutan ang faith namin kay God. Yun lang po yun.

"For me naman, it's up to me and God. Basta hindi ako gumagawa ng kasalanan or anything," saad ni Queenie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila pinagbabawalan ng kanyang ina na mag-artista?

"Hindi po," sagot niya. "Pero... yung wish niya lang. Hindi naman niya po kami binabawalan or what. She's still there to support us no matter what."

Panay naman ang papuri ni Queenie sa kanyang stepmom na si Mariel.

"Si Tita Mariel, she's someone special to me. Palagi kaming nagte-text. Araw-araw kaming nagte-text, nagkakamusta, and palagi niya akong binibigyan ng mga comments. Like after ng prod ko sa Hapee, Yipee, Yehey, sabi niya, 'O, Queenie, you're so pretty!'" kuwento niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN