Manny Pacquiao's defamation case against Floyd Mayweather Jr. moves forward

IMAGE 0


Sarangani Congressman Manny Pacquiao is now in Baguio, training for his fight against Shane Mosley.



Pinayagan ng Nevada court na ipagpatuloy ang defamation case na isinampa ni Manny Pacquiao laban sa American boxer na si Floyd Mayweather, Jr.

Ayon sa report ng Philippine Star kahapon, March 22, may basehan umano ang kasong isinampa ng Pinoy champion boxer laban sa kanyang mahigpit na katunggali.

Ayon kay US District Jude Larry Hicks, may sapat na ebidensiya para ituloy ang kasong isinampa ni Manny noong December 2009. Saad pa ng hukom, maaaring may malice ang mga pahayag ni Mayweather at ng kanyang ama na si Floyd Mayweather, Sr. noong sinabi ng mga ito na gumagamit si Pacquiao ng performance-enhancing drugs (PED).

"Moving defendants argue that Pacquiao has failed to sufficiently allege malice because moving defendants could not have known one way or the other whether Pacquiao had actually taken PEDs when they made the alleged defamatory statements. However, the court finds that Pacquiao has sufficiently pled malice in the amended complaint," saad ng hukuman.

Sinabi ni Mayweather, Jr. ang kanyang mga pahayag habang inaayos ang kanyang laban kay Pacquiao. Nasira ang negosasyon dito nang sabihin ng kampo ni Mayweather na kailangang magpa-drug test ang dalawang manlalaro bago magsimula ang labanan.

Hindi pumayag si Pacquiao sa proposisyong ito dahil nanghihina raw siya kapag kinukuhanan ng blood sample. Dagdag pa niya, kailanman ay hindi siya nag-positive sa anumang drug test.

Matapos isampa ni Pacquiao ang defamation case, sinabi naman ng kampo ni Mark Tratos, lawyer ng mag-amang Mayweather, na mahihirapan ang Pacquiao camp na patunayan ang malice dahil public figures ang dalawa.

Samantala, sinabi naman ni Dan Petrocelli, lawyer ni Pacquiao, na maaapektuhan ang career ni Pacquiao dahil sa mga akusasyon ni Mayweather.

TWITTER ACCOUNT. Samantala, napabalita naman na deleted na ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang kanyang Twitter account matapos ang sunod-sunod na kontrobersiya rito.

Ginawa ni Manny ang kanyang Twitter account (@CongMP) noong February. Agad itong nagresulta sa kontrobersiya matapos pagtawanan ng ibang tao ang kanyang mali-maling Ingles sa kanyang mga tweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Lunes ng gabi naman ay lalong nagresulta sa kontrobersiya ang kanyang account nang may lumabas ditong post na tila bastos ang tono.

Marami kasing pumupuna kay Pacquiao sa Twitter tungkol sa hindi nito pagsipot sa kanyang trabaho sa House of Representatives. May ilan pang Twitter users na minura si Pacquiao sa hindi nito pagganap sa kanyang tungkulin bilang pulitiko.

Noong araw na iyon ay naging sentro ng balita ang mababang kapulungan dahil pinagbobotohan dito ang impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Hindi um-attend si Pacquiao dahil busy siya sa kanyang boxing training sa Baguio City.

Sinagot umano ng boksingero at politiko ang mga kritisismo ng tweet na: "e di magreklamo ka sa lolo mong panot hahahaha."

Maya-maya ay nag-tweet din umano ito ng kanyang boto sa impeachment laban sa Ombudsman: "I vote NO! and I can give my explanation thanks."

Marami munang pumuna kay Pacquiao dahil sa dalawang tweet na ito—una, dahil umano sa kawalan ni Pacquiao ng netiquette, o proper behavior sa internet, at pangalawa, dahil sa boto nito sa impeachment.

Kilala si Pacquiao at si Ombudsman Gutierrez na mga kaalyansa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Matapos ang sunud-sunod na kontrobersiya ay tuluyan na ngang dinelete ni Pacquiao ang kanyang account sa Twitter.

Sa May 7 na ang nakatakdang laban ni Pacquiao laban kay Shane Mosley.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN