Robin Padilla vows to pursue Catholic wedding with Mariel Rodriguez; considers writing letter to the Vatican

IMAGE 0


"Kaya nga tumatalab ang mga pagmamahalan, [tulad nina] Romeo and Juliet, dahil diyan. Dahil sa balakid kaya lalong tumatamis. Huwag kang malungkot, hindi tayo titigil makiusap," action star Robin Padilla told Mariel Rodriguez, pertaining to their plan to stage a church wedding despite contrasting religious beliefs.


Plano ni Robin Padilla na magpadala ng liham sa Vatican para lubusang maliwanagan sa pananaw ng Katoliko Romano kaugnay sa pagpapakasal ng dalawang indibidwal na hindi pareho ang sinasanibang relihiyon.

Ito ay kaugnay pa rin sa naging pahayag ni retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na mahihirapan sina Robin at Mariel Rodriguez na maisakatuparan ang kanilang balak na magpakasal sa ilalim ng Simbahang Katoliko sa Hunyo.

Sinabi ni Archbishop Cruz na magkasalungat kasi ang ilang paniniwala ng relihiyong Muslim sa itinuturo ng Katoliko Romano. (CLICK HERE to read related article.)

Si Robin ay isang practicing Muslim, samantalang si Mariel naman ay nananatiling Katoliko sa kabila ng kanilang pagsasama.

Sinabi ng dalawa na ikinasal sila nung August 19, 2010, sa pamamagitan ng isang seremonya na ginanap sa Taj Mahal, na matatagpuan sa India. (CLICK HERE to read related article.)

"Kasi kung ang pagbabasehan natin ay 'yung mga naririnig lang natin at 'yung mga papeles na nanggagaling sa ating mga mahal na obispo, mas maganda na 'yung manggaling direkta dun [Vatican]," katwiran ni Robin sa isang interview na ipinalabas nung Linggo, April 17, sa Paparazzi ng TV5.

CONFLICT IN BELIEFS. Ang Vatican ay matatagpuan sa siyudad ng Roma, sa bansang Italya, at itinuturing na punong tanggapan ng Simbahang Katoliko.

Tinatawag rin na "Holy City" ang Vatican, at dito rin namamalagi ang Santo Papa, na siya namang tumatayong pinuno ng nasabing simbahan.

Sinabi ni retired Archbishop Cruz na isa sa mga nakikita niyang problema ay ang paniniwala ng Islam na ang isang lalake ay maaaring mag-asawa ng higit sa isa.

Taliwas naman ito sa itinuturo ng Simbahang Katoliko na nagsasabing isa lang dapat ang asawa ng lalake at kasalanan kung ito'y susuwayin.

"If one of them believes that he or she can be married thrice or four times to different people, then that marriage will be considered null and void," katwiran ni Cruz, na pinuno ng National Appelate Matrimonial Tribunal of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines (NAMT-CBCP).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Cruz: "Hindi sa ayaw mong ikasal, e.

"Kundi, ang isang babaeng Katolika, na ang kanyang paniniwala ay isang babae at isang lalaki, kapag siya ay ikinasal sa isang lalaki na ang paniwala ay dalawa, tatlo o apat [na babae ang puwedeng pakasalan ng lalaki]—walang bisa ang kasal na iyon.

"Sapagkat iyon ay salungat na salungat sa banal na kasulatan at ng simbahan—na isang babae, isang lalaki.

"Hindi puwede sa kanya iyong isang lalaki equals apat na babae. Ang mga Muslim, mayroon silang paniniwalang ganyan."

MARIEL'S DREAM. Sinabi naman ng action superstar na naiintindihan niya ang punto ni Cruz. Subalit naniniwala rin daw siya na may paraan para maresolbahan ang usapin sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap ng magkabilang kampo.

Bilang Katoliko ay pangarap raw kasi ni Mariel na makasal sa simbahan at sa harap ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Labis raw na ikinalungkot ni Mariel nang malaman ang opinyon ng relihiyong kinabibilangan kaugnay sa plano niyang pagpapakasal.

"Wala namang Katolika na babae na hindi nangangarap na lumakad sa altar at ihatid ng kanyang magulang," saad ni Robin.

Siniguro naman ni Robin na hindi siya titigil na makiusap sa mga pari at sinumang miyembro ng Simbahang Katoliko para lamang mapagbigyan ang kanilang kahilingan.

"Hindi po kami titigil na makiusap. Kami'y susubok at susubok, kakausap ng iba't-ibang mga obispo rin [para] tumulong sa amin," sabi ni Robin.

Sa isang naunang panayam naman kay Robin sa pamamagitan ng dzMM ay humingi ang aktor ng pang-unawa sa publiko.

"Sa panahon po ngayon kasi ay dapat tingnan na natin ang wisdom, hindi na rule, ng bawat religion. Kasi kapag doon na naman tayo tumayo, division na naman...

"Ngayon po dapat nandoon na tayo sa unity. Kailangan ang mga tao dalhin na tayo sa pagkakaisa. Sana in our own little way, mapakita natin na may unity among religion, lalo na usapin ng pagpapakasal. Sa Diyos naman po 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POSTSCRIPT. Ang buong ugnayan nina Robin at Mariel ay nagsimula sa masalimuot na mga pangyayari: Ikinasal daw, ini-report sa local media. Nang lumaon, na-deny ito.

Ano, kung ganun, ang Baguio tribal rites? Hindi pala totoo? Pang-documentary lang? Ngunit sinasabi ng officiating tribal priest na totoo ang seremonyang pinangunahan niya. Paano na iyon? Hindi sila nagkaintindihan ni Robin?

Matapos nun ay ikinasal naman daw sila sa Taj Mahal? Di kaya't hindi puwede ang kasal sa isang mosoleo?

Anong klaseng religious official ang nagkasal sa kanila? Pare? Pastor? Buddhist monk? Muslim? Sa pamamagitan ba ng cellphone ang pagbasbas sa kanila? Valid ba iyon?

Ngayon naman ay Catholic church wedding ang hinahanap nila. Paano ang paliwanagan nito sa mga opisyal ng Roman Catholic church? Maguguluhan na naman ba ang publiko?

Ang kuwento ng ugnayang Robin at Mariel ay nagpapatuloy...


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN